06/11/2023
Naudlot ang paglikas ng mga dayuhan, kabilang ang 20 Pinoy, mula sa Gaza Strip papuntang Egypt dahil sa mga atake sa border, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinuspinde ng pamahalaan ng Hamas ng Gaza ang paglikas ng mga dayuhan matapos na tumanggi ang Israel na payagang mailikas sa mga ospital sa Egypt ang ilang mga sugatang Palestinian at matapos umano ang pagbo-bomba sa mga ambulansya na may dala-dalang mga sugatan papunta sa Egypt terminal.
"No foreign passport holder will be able to leave the Gaza Strip until wounded people who need to be evacuated from hospitals in north Gaza are transported through the Rafah crossing to Egypt,” ayon sa isang border official.
📷 AFP/Aris Messinis