26/09/2021
Pag babarko?
Isang malaking sakripisyo na gagawin mo para sa sarili mo at lalong lalo na para sa pamilya mo.
Akala nila madali, at masarap ang buhay ng nagbabarko. Sa totoo lang, mahirap nakakapagod pero kaya naman. Travel the world for free nga daw? Oo, pero alam nyo ba bilang lang ng oras pag gagala ka.
Pang umaga ka, magmamadali ka kasi may trabaho ka pa. 2-3hrs lang sa labas picture dito, picture doon, shopping ng mabilisan di kana nga makapili ng maayos kung minsan. Pag pabalik kana tatakbo kana sa gangway para makapag bihis at mag trabaho na ulit.
Sa mga pang gabi naman, mahaba nga ng oras mo sa labas pero apektado naman yung tulog mo dun. Makagala lang tanggal na pagod, kahit wala na itulog. Yung iba naman hindi na lumabas mas pinipilin nalang mag pahinga dahil sa sobrang pagod na.
Trabaho?
8-9 months wala kang day off,
trabaho mo sa isang araw mababa na yung 10hrs, yung ibang duty 12-14hrs ๐
Breaktime?
Minsan 30 mins, kakaen ka nalang wala kana oras magpahinga sa cabina dahil sa haba ng pila sa crew mess.
One hour, kakaen ka mabilisan para makapaghinga ka sa cabina makakatulog tapos maririnig mo yung alarm mo, kahit na ayaw mo bumangon kailangan mo tumayo dahil may duty ka pa.
Pagkain?
Dami mo nga pera pero di mo naman makaen yung gusto mo.
Paulit ulit lang yung pagkaen na kakaen mo wala ka magagawa dahil ayon lang yung nakahanda na pagkaen sa crew mess.
Tulog?
Tulog manok kung tawagin.
4-5 hrs na tulog sapat na satin yun, swerte na yung mga 6-7hrs ka nakatulog ๐๐ด
Inom?
Isa sa tanggal stress ng mga nagbabarko, makasama ang barkada, konting kasiyahan, at pampatulog na din
Kaya iwasan magkasakit, ingatan ang kalusugan at pangagatawan. Wag mashado mag pagod! Wag abuso sa katawan!
Pera?
Rason kaya nagbabarko tayo para magkaroon tayo ng maayos na buhay at mabigay ang mga pangangailangan ng natin pamilya at para matupad din ang mga pangarap natin sa buhay
Homesick?
Kasama sa buhay yan, natural lang yan kahit gaano ka pa katagal sa barko, kahit na datihan kana dadating pa din yung araw na minsan malulungkot ka, ang hirap kaya ng malayo sa taong mahal mo. Pero kaya yan! Wag magpapatalo sa homesick, makakauwi ka din!
Bakasyon?
Pinakahihintay ng lahat, makauwi at makasama ang mahal nila sa buhay โฅ๏ธ
Kasabihan sa barko:
"Kontrata ang tinatapos hindi trabaho."
Trabaho hindi mauubos yan.
Minsan mapapasip ka nalang. Araw araw eto nalang ginagawa ko? Paulit ulit? Nakakasawa na nakakapagod pero wala ka magawa kundi gawin padin. Nakakabilib kung iisipin mo lahat ng sakripisyo ng mga nagbabarko, gagawin lahat para sa pamilya kaya ako saludo ako sa mga katulad ko na nagbabarko! ๐ช๐ปโ๏ธ
Ctto
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3013235602051363&id=100000948581827