22/10/2020
NAGMAMADALI akong bumaba sa taxi'ng sinakyan ko. I looked at the entrance of a well-known bar dito sa Bonifacio Global City. Halos takbuhin ko ang daan para makapasok agad. I am not really into parties pero madalas napupunta ako dito dahil sa bestfriend ko. Whenever he wants me to go with him to unwind or to drink all-out just to temporarily forget his messy love life. Not really a trouble but a quarrel. He’s always like that.
Sa tuwing nag-aaway sila, dederetso siya sa bar at lalaklak ng lalaklak na akala mo ba'y immune ang atay sa cancer, parang babae lang!
I sighed. Dere-deretso ang lakad ko at walang p**i sa mga tao, not like that they're looking at me. Medyo weird nga lang ang suot ko dahil nakapajama na kong may malalaking imprint ng sikat na cartoon character, nagpalit naman ako ng T-shirt at nag-bra ako. Hello? Ala-una na kaya ng madaling araw at tumakbo pa ko dito sa BGC para sunduin ang magaling kong bestfriend, ay lintek! “Aray!” Napahawak ako sa aking balikat dahil sa nabunggo ako ng isang lalaking nakasalubong ko sa entrance ng bar. He’s in a hurry too at nagse-cellphone pa siya.
“I’m sorry Miss! Hindi ko sinasadya, nasaktan ka ba”
Tinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya. It didn’t pretty much hurt kaya keri lang. Nagmamadali rin ako. “Okay lang.” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Naglakad na ko uli papasok.
“Wait, Miss!” Sigaw niya pero hindi ko pinansin. “Minions!”
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Hindi na ako lumingon dahil alam kong ako ang pinapatungkulan nu'ng tawag na iyon. It was the same baritone voice of the man who bumped me.
Sinalubong ako ng maraming tao sa bar. Nakakabingi ang upbeat ng musika. Puno ang dance floor at pati ang mga mesa at sofa. Hinanap ko si Russel.
Where the hell are you? Tinitingnan ko ang pagmumukha ng mga umiinom sa pulang sofa pati na rin ang mga sumasayaw at nakikipaglandian sa dancefloor. He’s probably drunk kaya malakas na ang loob no’ng sumayaw dito. But I didn’t find him. I looked around. Huminto ang mga mata ko sa counter at pinakatitigan ang mga umupo doon. Naningkit ang aking mga mata at napabuntong hininga.
Gotcha!
Inilagay ko ang siko ko sa counter at tiningnan si Russel. My best buddy and my man, but not in a romantic sense. “Russ..” Tawag ko. Hawak niya ang baso nang nakayuko. Kung ang ibang tao dito sa bar ay nagwawala, siya naman nakalupaypay at walang buhay. He’s on the verge of being wasted. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa’kin at nang makita niya ko ay saka siya ngumisi. Iyong ngisi na para bang nagsasabing ‘I-told-you-She’s-coming!’
Mapupungay na ang mga mata niya at mapula na ang mukha. Ang baho na nga niya dahil amoy alak na siya. I automatically cringed my nose as I smell the liquor. I hate it so much.
“My baby Jam! Sabi ko na nga ba..pupuntahan mo rin ako e! Ang lahat kaya akong iwan pero hindi ng ever loyal kong bestfriend! ‘di ba?” Tinabig ko ang kamay niya nang tangkain niyang kuritin ang pisngi ko. He’ll pinch my cheek like it was a dough or something. Palagi niyang pinagkakatuwaan ang pisngi ko.
Kinuha ko ang iniinom niya at inilayo sa kanya. “Tara na, ihahatid na kita sa inyo. Hinahanap ka na ni Tita.” Sabi ko. Hinabol pa niya ang baso at tumawa. Tawang-lango. Tsk.
“Teka muna! Ang KJ mo naman Jam! Tinawagan kita para mag-inuman tayo tapos sasabihin mo uwi na tayo? Maupo ka dito treat ko! Ano’ng gusto mo?” Bumuntong hininga ako habang pinapanood ko siya. Wala akong balak uminom dahil may pasok pa ko sa bakeshop bukas. Binaba ko ang kamay ni Russel na mag-oorder na sa bartender. Umiling ako sa bartender at hinatak ang kamay ni Russel.
“Nasaan ang wallet mo? Bayaran mo na yan at uuwi na tayo Russel!” I raised my tone, hoping it would give him a hint that I am pi**ed.
Nilingon niya ko. I know He’s sober but I know he knows me well. He sighed. Bumunot din siya ng pera sa wallet niya at nagbayad. Hinawakan ko siya braso habang papalabas kami because He’s swaying all the way out of the bar. I don’t have any idea how long he was been drinking. Ang alam ko kasi kahapon ang anniversary nila ni Joan his girlfriend. Hindi pa rin ako masanay sa bigat niya tuwing aakayin ko siya kapag lasing na. Malaking bulas kasi siya, matangkad at alaga sa gym ang katawan. Kukutusan ko talaga ‘to kapag nahimasmasan na! Kinuha ko ang susi ng kotse niya sa bulsa. Maloko siyang titingin sa’kin tuwing dinudukot ko ang bulsa niya. “Hoy ikaw nga. Tsinatsansingan mo ko porke't lasing ako. Jam July, nakikiliti ako..” Humagikgik pa ito na para bang sinasadya ko.
Inirapan ko siya. “Mukha mo! Hinahanap ko ang susi mo! Feeling nito.” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Alam kong lasing siya at wala sa tamang pag-iisip pero kahit sa ganitong pagkakataon lang, gusto kong tratuhin niya at tingnan niya ko na hindi bilang kaibigan. Kahit tuwing pagkakataon na lasing siya.
I drive him home habang passed out siya sa likuran. Binabagtas namin ang daan pauwi sa kanila nang marinig kong nagsalita siya. Inilapit ko ng kaunti ang tainga ko para maintindihan.
“Joan..honey..please don’t leave me. I love you so much..” He murmured. Nanghina ako. Ano ba naman yan! Hindi pa ko masanay-sanay sa ganito–sa kanya. Bakit ang hirap magpakamanhid sa taong ito? I sighed in disappointment. That’s all I can do. At least, at the moment.
“Naku Jam, pasensya ka na ha. Itong binata ko, nagdadrama na naman. Alam mo na..”
Pilit akong ngumiti kay Tita Baby. Hinatid niya ko hanggang gate pagkatapos namin dalhin sa kwarto si Russel. Well, sa tulong ng hardinero nilang si Mang Rupert kaya naipasok namin siya. Inipit ko ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga. “Wala po ‘yon Tita. Hindi rin naman po iyon magpapaawat kung hindi dadaanin sa dahas.” Biro ko.
Tumawa si Tita Baby at banayad na hinaplos ang aking buhok. I love her. She’s almost a mother to me. Siguro dahil nasa malayo ang Mama ko kaya ganoon na lang ang turing ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin. She cares for me. Madalas nga kaming nag-i-Skype. Nagtsachat din kami sa Facebook. Kapag may kailangan akong tanungin lalo na pagdating sa pagluluto ay sa kanya ako lumalapit. Minsan na ngang sinabi sa'min ng Daddy ni Russel na mas girlfriend pa raw ako kaysa kay Joan. Iyon ang isa sa nagpapataba ng puso ko. Kaya lang kung ano’ng nakikita ng iba, hindi naman pansin ni Russel. His eyes are all on his girlfriend. Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapagbukas ng bakeshop. Ako ang nagmamanage no’n katulong ang kaibigan kong si Aaliyah. I met her when I was in Makati. I was looking for a roommate and she was looking for a house and during that time ay nagdadalantao siya. Mag-isa at walang pamilya. Ang kapatid daw niya ay nagpapagamot sa America. Kaya naman sinama ko siya sa Pangasinan. Now she has Dylan and Deanne, her twins!
“Susan ikaw na bahala sa kambal ha. Nag-stock na ko ng pwede nilang kainin at meryenda, nandoon sa ibabaw ng fridge. Tumawag ka na lang 'pag may problema.” Ani Aaliyah sa tagabantay sa kambal tuwing nasa shop kami. Lumuhod ako sa mga inaanak ko para mag-goodbye kiss. Ang cute-cute nila! maganda at gwapo. Hindi masyadong nakuha ni Aaliyah ang itsura ng kambal maliban sa magandang kutis ng balat niya. Saksakan siguro ng gwapo ang tatay nito. Maybe, I’ll ask her to search for his photo.
Paglabas namin ng gate ay nakita ko kaagad ang nakaparadang truck sa tapat ng apartment namin. May dalawang lalaki doon na nagdidiskarga ng mga kagamitang pangbahay. Napanguso ako. May bago sigurong uupa sa tapat namin. Dalawang palapag iyong bahay katulad ng sa amin. Puti at itim ang kulay ang ginamit na pintura. Napansin kong puro nakabalot pa ng plastic ang mga nilalabas na upuan, sofa, lamesa at ang malaking flat screen TV ay nakakahon pa. Bagong kasal kaya ang uupa? Habang nag-aabang kami ng tricycle ay ‘di ko maiwasang panoorin ang mga lalaking nagdidiskarga. Iyong isa ay parang nasa mid-fifties at iyong isa naman ay..napatitig ako sa kanya. Matangkad siya at malapad ang balikat. Iyong braso nagsusumigaw sa muscle ng buhatin ang isang may kalakihang kahon. Humapit ang asul nitong T-shirt nang nabanat ang muscle dahil sa bigat na dala. Pawisan na rin ang katawan niya dumidikit ang damit niya sa katawan dahil sa pawis. Naglakad ito papasok sa loob ng bahay. Hindi naputol ang titig ko sa kanya. Ang sarap niya kasing tingnan habang nagbubuhat tapos nagsusumigaw iyong muscle niya sa katawan. Siguro sa gym ito ng nakatira dati.
Lumabas ulit ito ng bahay. Kausap iyong kasama niyang lalaki. Pinunasan niya ang pawisan niyang noo gamit ang braso tapos namaywang. Nagtawanan sila ng kasama niyang lalaki. Lalong hindi ko natanggal ang ngiti ko sa kanya dahil sa pagngiti niya, ni hindi ako kumurap. Naglakad ulit sila papunta sa truck. Medyo nagulo ang buhok niya pero gwapo pa rin. Yes! Gwapo pala siyang nilalang. Bigla ko tuloy napadasal na sana ay wala munang dumating na tricycle para may rason akong magtagal sa kinatatayuan ko. Titig na titig ako sa kanya ng lingunin niya ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan niya ako pabalik. Ayos mas kita ko ang features ng gwapo niyang mukha. Kahit sa malayo kitang-kita ko kung gaano pinagpala ang kumag na ‘to. Perfect pointed nose, malalim na mga mata, makapal na kilay, mamula-mula at makinis na pisngi at ang labi..pamatay! Manipis at mapula. Natural na mapula. He flashed a slight grin kaya naman lalong nagbunyi ang mga mata ko dahil mas dumagdag sa kakisigan niya.
Bahagya akong ngumiti. Masyadong pinagpala. Ano ba yan.
Ilang segundo pa kami nagkatitigan na parang kaming dalawa lang tao sa mundo. Hanggang sa ma-realize ko ang ginagawa ko. Naestatwa ako nang humakbang ito na parang papunta sa amin.
Nawala ang ngiti ko at napatayo ako ng tuwid. Shonga.Shonga. Shonga. Ano’ng ginawa ko? Nang makita kong may papalapit na tricycle ay hinawakan ko ang kamay ni Aaliyah at tinakbo ko na ang tricycle.
“Uy, teka Jam! Nagmamadali ka ba?” Tanong niya.
“Basta kailangan na natin makaalis agad!” Sagot ko. Kumalabog talaga ang dibdib ko. Ang bilis ng takbo ng puso ko. Hindi ko na nga nilingon pa iyong gwapong lalaki na parang lalapit sa’kin. Baka akala no’n nakikipag-flirt ako sa kanya. Hindi ba?
Sumakay agad ako ng tricycle at sinabihang bilisan ang takbo papalayo doon. Huu! Muntik na iyon ah! For the first time in my entire life, no’n lang ako nakipagtitigan sa estranghero. Take note, estranghero! Putik, baka sabihin no’n easy to get ang kapitbahay niya? Kainis!
“Bakit ang pula-pula ng mukha mo? Para kang nakalunok ng isang kilong sili bakla.” Nakita kong nakatunghay sa’kin si Aaliyah. May ngiti sa kanyang labi.
“Wala ‘yan ano ka ba! Rosy cheeks yan!” Pilit kong biro. Nakakahiya talaga!
“Hindi lang pisngi mo ang mapula ‘no! Buong mukha mo! Para kang sinilaban diyan.” Oo. Sinilaban ako, sa kahihiyan! Hinding-hindi ko na talaga uulitin ‘yon! Ever!! Itaga niyo pa yan sa Biak na bato!
“TULOG na ba ang mga bata Aali?” Pinatay ko ang gripo matapos magsipilyo, nakita ko naman si Aaliyah kabababa lang.
“Yup. Kakatulog lang..ikaw?” Kumuha ng tubig si Aaliyah para sa bote ng mga bata.
“Maya-maya pa. May tatapusin lang akong inventory..” Tumango lang siya ay pinagpatuloy ang ginagawa. Umakyat ako at kinuha ang laptop ko. Dinala ko sa terrace para doon gumawa. Doon kasi ang paborito kong spot. Malamig at tahimik, pero parang ngayon ay hindi.
Buhay na buhay kasi ang bahay sa katapat naming bagong kapitbahay. Maraming tao at nag-iinuman pa. May naririnig pa kong musika. Siguro paparty niya dahil bagong lipat.
May asawa kaya? Napailing na lang ako sa naisip ko. Why so curious Jam July?
Napatingin na lang ako sa phone ko nang tumunog ito. Binaba ko ang laptop sa mesa. May text si Russel.
Russel: Thank you sa paghatid sa’kin. Did I throw up? Sorry.
Napangisi ako.
Ako: Eww ka nga e! Sa susunod huwag kang iinom ng marami. Pabibo ka rin e. Panget!
Russel: Really? Di bale babawi ako sa’yo. Tulungan mo naman ako..
Ako: Saan?
Russel: Kay Joan. She’s leaving..
Nanlaki ang mga mata ko sa huling text. Si Joan aalis? Parang may pumintig na malakas sa dibdib ko. Somehow I saw a ray of light. For us. Masama man p**inggan, natuwa ako sa tinext niya.
Ako: Bakit?
Russel: She’s leaving for Dubai. Para magtrabaho. Ayokong iwan niya ko.
I sighed. That’s it. Simpleng salita pero nakakasaksak sa puso.
Ako: If you really love her, set her free. I mean, hayaan mong magfly away siya para career niya. You’re just a boyfriend. She has family to take care of.
Russel: What about me?
Ako: Ako na lang para sa’yo.
Natawa ako ng mapakla habang binabasa ko ang nitype ko. Pero binura ko rin at pinalitan ng iba.
Ako: Hintayin mo siya. Kung mahal ka niyan, babalikan ka. Gasgas na kasabihan pero totoo.
Binaba ko ang phone ko ng hindi agad sumagot si Russel. Binuhay ko ang laptop para masimulan na trabaho. Ilang minuto pa ay tumunog ulit ang phone ko pero hindi na galing kay Russel. Unregistered number.
+639751433000: If ever You’re in my arms, I’ll dream of you everynight, call me crazy.
Ano daw? Hinanap ko pa sa phonebook ko kung may kapareho itong numero at baka nadoble lang sa pagse-save at baka na-wrong send pa. Pero wala akong nakitang kapareho. Tinitigan ko pa ang numero, I tried to figure out kung pamilyar sa akin. Pero wala rin akong maisip!
This is maybe a wrong sender. But another text was sent.