#VPGO ang Vice-President namin!
#TuloyAngPagbabago
#TuloyAngSerbisyo
#TuloyAngMalasakit
ctto
STATEMENT OF SEN. BONG GO
RE: Bombing incidents in Sulu
I condemn in the strongest possible terms these terrorist bombings that occurred in Jolo, Sulu today.
Habang nasa hearing kami ng Commission on Appointments kanina kung saan nakasalang si Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. na tumatayong Chief ng Western Mindanao Command, naghasik na naman ng lagim ang mga teroristang grupo sa ating bansa.
Walang awang pinatay ng mga pagsabog ang mga sundalong naglilingkod sa ating bayan at idinamay pa ang mga sibilyan na walang kamuwang-muwang. Wala talagang pinipiling lugar o panahon ang mga teroristang ito. Naghihirap na nga tayo dahil sa krisis na dulot ng pandemya, patuloy pa rin ang mga terorista sa kanilang hangaring guluhin at sirain ang buhay ng mga Pilipino.
Ginagawa na ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyan ng kapayapaan ang ating mga kapatid, lalo na sa Mindanao. Nag-reach out na siya sa lahat at binigyan na ng pagkakataon ang iba’t ibang grupo na makisama sa gobyerno para maisakatuparan ang pangarap natin na magkaroon ng mas maayos, mapayapa at matiwasay na buhay ang lahat.
Nakakalungkot na habang ginagawa natin ang lahat upang maisaayos ang ating lipunan at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang ating mga anak, may mga terorista pa ring patuloy na inilalagay sa peligro ang buhay ng mga inosente nating kababayan. Hangga’t hindi natin matigil ang terorismo sa bansa, mahihirapan tayong maisakatuparan ang inaasam nating ‘long-lasting peace’ sa Mindanao at sa buong bansa.
I call on all agencies of government to ensure that those responsible for these acts of terrorism are held accountable for their actions. Bigyan natin ng hustisya ang mga inosenteng buhay na nawala dahil sa walang saysay na terorismo.