![](https://img5.medioq.com/263/240/266598022632408.jpg)
16/06/2023
“Ano na lang ang sasabihin ng iba?”
Dahil sa salitang ‘to ang daming namatay na pangarap…
Bakit ba mas concern tayo sa sasabihin ng iba kesa sa sarili nating happiness??
Remember this: You can never satisfy people.
If you seek validation from others, that’s unending job.
Basta alam mong di ka masamang tao at di ka nakakasakit at naninira ng iba. Gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin.
Huwag mong hayaan na makuha ng iba ang mga pangarap mo dahil nakinig ka sa mga maling tao.
Ako? Oo madami din silang sinasabi pero di ko naririnig dahil bingi ako sa negatibo.
Dahil alam ko sa sarili ko na mas malaki sa kanila ang Mission ko.
Libo libong kababaihan ang inaangat ko and mas busy ako dun kesa marinig ang negativity ng ibang tao.
Kaya ikaw, mag focus ka lang.
Lumaban ka para sa mga pangarap mo.
Hindi man lahat ng tao maging masaya para sayo. Tandaan mo ang mga taong pumapalakpak at sinasamahan ka kahit wala ka pang resulta.
Mata sa langit, paa sa lupa.