03/09/2024
https://www.facebook.com/share/p/eVmZa857npzCUc3J/
ASA
A -
Ang tyaga mong tumulong at mag-alala kasi hindi na basta tulong lang dahil magaan loob mo kundi may laman na yung ginagawa mo.
S -
Sobrang saya mo na feeling mo mahalaga ka na din, pero bukod sa di ka naman talaga gusto, option ka lang din pag walang-wala at kailangan ka dahil may pakinabang ka pa.
A -
Ayaw mo mang aminin na abang ka ng abang ng kamusta niya, yung tipong kakausapin ka dahil gusto, hindi dahil may kailangan ulit. Okay na din nga kung dahil na-bored kinausap ka, pero nakakatawa kasi kahit bored siya, wala ka sa listahan ng gusto niyang makausap o makasama.
ASA
Umaasa, ngunit sa dulo'y lumuluha,
Dahil ang lahat ng iyong bigay,
Ay tila isang pag-ibig na walang halaga,
Isang kwento na ikaw lang ang nakakaalam, pero puno ng pagka tanga.