Nicholasian's Posts

  • Home
  • Nicholasian's Posts

Nicholasian's Posts The official journalism page of SHS in San Nicholas III Bacoor City.

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | SHSSN3, Bacoor City opened celebration of National Women's Month 2024Today, March 1, 2024, marks the opening...
01/03/2024

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | SHSSN3, Bacoor City opened celebration of National Women's Month 2024

Today, March 1, 2024, marks the opening of National Women's Month all over the world. SHS in San Nicholas III, Bacoor City, through a ceremony held at the school's gymnasium, participated in this event with the greatest leadership of Mr. Ronald R. Drio, Principal II.

✍️: Patrick James Buenafe

27/02/2024
In collaboration withSHS in San Nicholas III, Bacoor City - Supreme Secondary Learner GovernmentSHS School Parent-Teache...
25/02/2024

In collaboration with
SHS in San Nicholas III, Bacoor City - Supreme Secondary Learner Government
SHS School Parent-Teacher Association
Physical Education Department
SHS in San Nicholas III Bacoor City will hold
TESTIMONIAL SOIREE 2.0

Buklatin ang Pahina, Ika-tatlumpu’t Walo KabanataIsinulat ni Francesca Jaderiane V. Salen     Posible ba na kahit ilang ...
25/02/2024

Buklatin ang Pahina, Ika-tatlumpu’t Walo Kabanata
Isinulat ni Francesca Jaderiane V. Salen

Posible ba na kahit ilang oras ay malalaman ang kasaysayan ng Pilipinas matapos ang tatlong dekada at tatlong taon? Maiintindihan na kaya ang kahalagahan ng nakaraan sa kasalukuyan? Ang daming tanong na mayroong makabuluhang sagot. Handa ka na ba marinig ang kwento?

Kung bubuksan ang kalendaryo, hindi na kailangan hagilapin pa ang rebolusyon. Buwan ng Pebrero, numero dalawampu’t lima. Ang araw ng pagdiriwang ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ang itinalagang petsa ng pagkilala sa kalayaan ng mga Pilipino. Upang magbalik-tanaw sa mga taong nakipaglaban sa pamamagitan ng pananalita at gawa para mabawi muli ang kalayaan na dapat ay nasa sambayanang Pilipino. Bukod dito, ito rin ang araw para alalahanin ang matagumpay na pagbawi ng kalayaan sa diktaduryang administrasyong Marcos Sr.

Kaya naman, pinangunahan ng organisasyong Barkada Kontra Droga (BKD) ang aktibidad na naglalayong kilalanin at palagumin pa ang kaalaman sa pagdiriwang ng ika-38th anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ay isang lecture seminar na inihatid sa kabataan sa pamamagitan ng Facebook live mula 10:00 am hanggang 12:00 pm ngayong Pebrero 25, 2024.

Sa tulong ng korporasyon ng publikasyon ng paaralang SHS in San Nicholas III, Bacoor City,--- Nicholasian’s Post ang naging daan ng pagsalin ng mga kaalaman sa kaisipan ng kabataan. Sa karagdagan, hindi maibabahagi ang isang kaalaman kung walang utak na tumipon sa makatotohanang impormasyon na nakatala sa kasaysayan. Mayroong apat na Resource Speakers ang aktibidad at ito ay sina Laurence Castro Insigne, May O. Dolis, at Vytruviuz Jacoby L. Bermuda. Ang mga huwarang Pilipino na naging tulay sa bagong tuklas na kaalaman. Bilang pambungad na pananalita, naimbitahan din ang punong-g**o ng paaralang SHS in San Nicholas III na si Ginoong Ronald Drio, at Education Program Supervisor DepEd SDO Bacoor City na si Dr. Nereus V. Malinis. Ang pundasyon na itinaguyod ang tamang direksyon ng kabataan sa pag-alam sa katotohanan.

Tatlumpu’t walo kabanata. Isang kwento. Akda ng mga Pilipino. Mambabasa ang sambayanan. Buklatin muli ang pahina ng kalayaan.

Ito na ang tamang oras para imulat ulit ang mapupungay na mata na nakatulog sa kwento ng kasaysayan. Hindi lang para alamin ang likod ng kasukdulan ng pangyayari, kung hindi isabuhay rin ang resolusyon ng pag-aalsang rebolusyon ng mga Pilipino noon.

Hindi alamat ang kwento ng kasaysayan. Maaaring pasalinda ito sa mga henerasyon. Nakakubli sa makatotohanang pangyayari at hindi sa malikhaing imahinasyon lang. Marahil, ito ay isang kwento na patuloy sinusundan ng kabanata. Alamin ang istorya ng rebolusyon ng mga Pilipino noon. At saksihan ang makasaysayang kaalaman ngayon. Ito na ang araw para lusubin ang kaisipan ng may kwentong nag-iiwan ng gintong aral na huwag hayaan ang pahina ng kalayaan na mapalitan ng punit at sira-sirang kaayusan at kapayapaan sa bansang Pilipinas.

EDSA-lamat, Pilipino!Isinulat ni: Francesca Jaderiane V. Salen     Paulit-ulit na lang binibigkas ang terminolohiyang “k...
25/02/2024

EDSA-lamat, Pilipino!
Isinulat ni: Francesca Jaderiane V. Salen

Paulit-ulit na lang binibigkas ang terminolohiyang “kalayaan” sa bibig ng mga Pilipino. Iba’t ibang kaganapan, ngunit isang sigaw lamang. Naririnig ng mapanuring tenga ng sambayanan. Nakikita na ba muli ng demokratikong bansang Pilipinas ito?

Pebrero 25, 1986— araw kung kailan nagkamit ng kalayaan ang mga Pilipino sa kamay ng totalitaryang alyansa mula sa hukbo ni Ferdinand Edralin Marcos Sr. Ang ika-sampung presidente ng Pilipinas. Dati siyang kabilang sa House of Representative taong 1949 at naging miyembro ng Senate of the Philippines noong 1959. Kinalaunan ay naging Senate President. Ang matalinong abogado at politiko na ito ay naging pangulo ng Pilipinas na umupo sa loob ng dalawang termino. Namahala at naghasik. Natapos ang kaniyang paninilbihan bilang pangulo ng bansa taong 1986.

Bagama’t kilala siya na may makapangyarihang pagkakakilanlan at ito ay ang pagpapatupad ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972— siya ay hindi pa rin malimot-limutan ng nagdaang panahon.

Sino nga naman ang makakalimot sa puwersang nagpabago sa kinabukasan ng mga Pilipino?

Kapayapaan at kaayusan para sa bayan. Ito ang nilalayon ng dating pangulo sa paglagay ng Pilipinas sa ilalim ng militar na awtoridad laban sa rebelyong kilusan ng mga komunista at iba pang krisis na kumibo sa mapayapang sistema at pamumuhay ng bawat isa sa Pilipinas. Martial Law. Umpisa ng mapangahas na diktadurya.

Sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan ng Pilipinas noong panahon ng administrasyong Marcos Sr., may isang tali na pumatid sa mga Pilipino upang makamit ang karapatan at kalayaang matagal ng niyuyurakan ng makapangyarihang proklamasyon na hinugot sa konstitusyon ng Pilipinas. Hinanap na ang kalayaan, isinigaw na ang makatarungang sistema, at nilakbay ang makataong pamumuhay.

Tumungo na sa rebolusyon. Rebolusyon para sa mga Pilipino. Naging solusyon ng bayan sa malupit na pamamahala. 1986 EDSA People Power Revolution.

Milyong mga Pilipino ang nakiisa sa pagkamit ng demokrasya sa Epifanio de los Santos Avenue na pinangunahan ni Cory Aquino noong Pebrero 1896. Hindi mabuway ang matapang at naninindigang puwersa ng mga Pilipino na patumbahin ang hagupit ng Martial Law sa Pilipinas. Sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ay kasama rin sa kilusang ito upang maipasakamay muli ng sambayanan ang na ipagdamot na kalayaan.

Hindi mawawaglit sa isipan ang kasaysayang nangyari sa loob ng siyam na taong pagpasan sa malupit na hampas ng Martial Law sa likod ng mga Pilipino. Gayunpaman, ito ay nagsisilbing tanda ng malayang pagpupugay sa kamay ng diktadurya. Marami mang naiwan na lamat sa alaala ng mga Pilipino; sugat sa hinagpis at sakit nang hindi makatao at makabayang kasarinlan. Maraming salamat! Dahil dito, nag-iwan ito ng makasaysayang pagpapahalaga sa karapatan at katarungan ng isang mamamayang Pilipino. Pagkakaroon ng pagsasaalang-alang sa kahalagahan ng demokrasya sa bansa. At patuloy na nakikita ng bagong henerasyon ang katas ng makabayang rebolusyon.

24/02/2024

JUST IN | SDO-Bacoor City holds Division Festival of Talents 2024.

Thanks you DepEd Tayo SHS in San Nicholas III, Bacoor City - Bacoor City for the recognition.
18/02/2024

Thanks you DepEd Tayo SHS in San Nicholas III, Bacoor City - Bacoor City for the recognition.

14/02/2024

NEWS POST TODAY:

SHS in San Nicholas III joined in the celebration of Ash Wednesday.

14/02/2024

BALITANG NICHOLASIAN NGAYON:
SHS in San Nicholas III isinagawa ang Project ARAL

Pag tatama: Ang Project ARAL para sa baitang 12 ay pinangunahan nila G. Elarcie Balsomo Grade 12 Level Chairman at G. Vytruviuz Jacoby L. Bermuda assistant Grade Level Chairman.

IN PHOTOS | Day 3 SHS in San Nicholas III Mid-year In-service Trainingphoto by: Luis Estrada
26/01/2024

IN PHOTOS | Day 3 SHS in San Nicholas III Mid-year In-service Training

photo by: Luis Estrada

IN PHOTOS | Day 2 SHS in San Nicholas Mid-year In-Service Training 2024Photo by: Luis Estrada
25/01/2024

IN PHOTOS | Day 2 SHS in San Nicholas Mid-year In-Service Training 2024

Photo by: Luis Estrada

IN PHOTOS | Day 1 SHS in San Nicholas Mid-year In-Service Training 2024photo by: Luis Estrada
25/01/2024

IN PHOTOS | Day 1 SHS in San Nicholas Mid-year In-Service Training 2024

photo by: Luis Estrada

Nicholasian's Post Snaps Part 6 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hi...
21/01/2024

Nicholasian's Post Snaps Part 6 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hindi lagyan ng water mark ang mga larawan at malaya kayong idownload ang mga ito. Huwag laman sanang kalimutan bigyan ng credit ang organisation sa pag gamit ng mga larawan.

Ano pang hihintay i-tag mo na sila!





Nicholasian's Post Snaps Part 4 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hi...
21/01/2024

Nicholasian's Post Snaps Part 4 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hindi lagyan ng water mark ang mga larawan at malaya kayong idownload ang mga ito. Huwag laman sanang kalimutan bigyan ng credit ang organisation sa pag gamit ng mga larawan.

Ano pang hihintay i-tag mo na sila!





Nicholasian's Post Snaps Part 3 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hi...
21/01/2024

Nicholasian's Post Snaps Part 3 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hindi lagyan ng water mark ang mga larawan at malaya kayong idownload ang mga ito. Huwag laman sanang kalimutan bigyan ng credit ang organisation sa pag gamit ng mga larawan.

Ano pang hihintay i-tag mo na sila!





Nicholasian's Post Snaps Part 2 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hi...
21/01/2024

Nicholasian's Post Snaps Part 2 | narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hindi lagyan ng water mark ang mga larawan at malaya kayong idownload ang mga ito. Huwag laman sanang kalimutan bigyan ng credit ang organisation sa pag gamit ng mga larawan.

Ano pang hihintay i-tag mo na sila!





Nicholasian's Post Snaps Part 1| narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hin...
21/01/2024

Nicholasian's Post Snaps Part 1| narito ang mga larwan na kuha nung Educational Trip 2024. Sinadya ng publication na hindi lagyan ng water mark ang mga larawan at malaya kayong idownload ang mga ito. Huwag laman sanang kalimutan bigyan ng credit ang organisation sa pag gamit ng mga larawan.

Ano pang hihintay i-tag mo na sila!





TIGNAN |  Sa pangunguna ni Ronald R. Drio Principal II at Ismael T. Santos ng SGC katuwang ang PTCA Officers, ang SHS in...
21/01/2024

TIGNAN | Sa pangunguna ni Ronald R. Drio Principal II at Ismael T. Santos ng SGC katuwang ang PTCA Officers, ang SHS in San Nicholas III ay nag sagawa ng isang Educational Tour para sa mag-aaral Enero 20, 2024.

Layunin ng Educational Tour na ito na maipakita na hindi lamang sa apat na sulok ng paaralan maaring matuto ang mga mag-aaral, kayat napili ng pamunuan na ang Zoobic Safari at Dr. Yanga's College, Inc. (ALAB MUSEUM) upang pag dausan ng gawain na ito.

Ang Zoobic Safari ay ang Tanging Tiger Safari sa Pilipinas na matatagpuan sa gitna ng kagubatan ng Subic Bay Freeport Zone.
Ang 25 hektaryang adventure park na ito ay nag lalaman ng ibat-ibang atraksyon na nag bibigay din ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa mga hayup

Ang DYCI Alab Museum naman ay ang pinaka bagong destinasyon na maari ninyong puntahan sa Bocaue Bulacan. Nilalaman ng Museum na ito ang mga imbensyon ng mga mag aaral lalo na sa larangan ng robotics.

LOOK | The DedEd Region-IV A CALABARZON holds the Technical Assistance Delivery in the Establishment of Functional Schoo...
19/01/2024

LOOK | The DedEd Region-IV A CALABARZON holds the Technical Assistance Delivery in the Establishment of Functional School Governance Council headed by Dr. Eugenio S. Adrao , Ms. Donna Gel V. Rumboa and Dr. Andrea Maybel E. Abrencillo of Regional Office-IV A CALABARZON , together with OIC-ASDS Dr. Venus T. Balmedina, SGOD Chief Dr. Cesar Mojica, EPS Dr. Janet Villaroya, and SEPS Ms. Levin Pabriaga, in SHS in San Nicholas III Bacoor City led by Mr. Ronald R. Drio.

Mr. Ronald Drio, Principal II, Mr. Ismael T. Santos and the SGC team successfully presented the existence of the SGC in SHS in San Nicholas III and all indicators concerning SGC. The DepEd Region IV-A through the Field Technical Assistance Division (FTAD) checked all Means of Verifications (MOVs) based on different indicators as presented by Mr. Santos.
The technical assistance from the region was conducted herein-after.

School Heads from other senior high schools were also present in the event.

‘Implementasyon ng Catch-up Friday, umarangkada na sa SHSSN3’ni: Patrick BuenafePuspusang sinimulan ng mga g**o sa SHS i...
12/01/2024

‘Implementasyon ng Catch-up Friday, umarangkada na sa SHSSN3’
ni: Patrick Buenafe

Puspusang sinimulan ng mga g**o sa SHS in San Nicholas III, Bacoor City, ang unang araw ng implementasyon ng ‘Catch-up Friday’ ngayong araw, kung saan ilalaan ang araw na ito para sa pagbasa, pagsulat, kagandahang asal, at health education.
Ito ay bilang pagtupad sa inilabas na memorandum ng Department of Education (DepEd) noong Miyerkules, kung saan ay dapat nang simulan ang pagpapatupad ng National Reading Program, sa pamamagitan ng mga aktibidad na “Drop Everything and Read (DEAR)”, “Read-A-Thon”, at ang “Catch-up Fridays”.
Ayon kay Sir Elarcie Balsomo, g**o sa SHSSN3, maayos ang naging daloy ng programa sa kabila ng agaran at biglaan nitong pagpapatupad.
“Ang implementation ng catch-up fridays ay lubos na nakakabigla subalit kailangan itong sundin sapagkat ito ay mandato ng Kagawaran ng Edukasyon. Halo halong emosyon ang naramdaman naming mga g**o pero naisakatuparan naman ito nang maayos,” ani Sir Balsomo.
Para naman kay Kelly Meredor, Grade 11 student sa naturang eskwelahan, nagampanan ng mga g**o ang kanilang tungkulin ngayong araw.
“Naging successful naman ang implementation nito dahil lahat ng teachers ay sinunod ‘yung memorandum at nagpabasa talaga sila sa mga students,” sabi ni Meredor.
Ang programang ito ay ang nakikitang solusyon ng DepEd upang palakasin ang kakayahan ng mga estudyante na kinakailangan upang maisabuhay ang basic education curriculum.
Ito rin ang naging aksyon ng departamento upang tugunan ang negatibong resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, kung saan ay lumagapak sa ika-77 na pwesto ang Pilipinas mula sa 81 bansa sa buong mundo.
Nakapaloob sa DepEd Memorandum 001 s. 2024 ang guidelines at mga detalye ukol sa implementasyon ng Catch-up Friday na ipinapatupad na ngayon sa lahat ng pampublikong paaralan.

GAGARAHE NA 4EVERBangungot sa kabuhayang maituturing ng mga tsuper at operator ang pagpasok ng taong 2024 dahil sa nakaa...
01/01/2024

GAGARAHE NA 4EVER

Bangungot sa kabuhayang maituturing ng mga tsuper at operator ang pagpasok ng taong 2024 dahil sa nakaambang jeepney phaseout sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program. Pasakit din para sa mga komyuter ang naturang programa dahil sa taas pasaheng hatid nito. Bagaman bumuhos ang pag-alma dahil sa negatibo nitong epekto, nanindigan pa rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng huwad na modernisasyon.

Noong 19 Hunyo 2017, naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng Department Order No. 2017-011, o kilala bilang Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG), na inilunsad ang PUVMP.

“Ang programa ay naglalayon na baguhin ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa na gawing mas marangal, makatao, at katumbas ng mga pandaigdigang pamantayan ang mga operasyon ng pampublikong transportasyon. Layunin din ng programa na mabigyan ng komportableng buhay ang lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas ligtas, mas mahusay, maaasahan, maginhawa, abot-kaya, climate-friendly, at environmentally sustainable na sistema ng transportasyon sa bansa” – Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

MAKATAO

Paanong magiging makatao ang modernisasyon ng mga jeepney kung ang mga maliliit na drayber at operator ay hindi kaya ang gastos sa pag bili ng bagong “Modern Jeep”. Ang paglipat sa modernized na mga Jeepney ay nagpapataw ng malaking pasanin sa pananalapi sa mga operator, na marami sa kanila ay mga maliliit na negosyo o indibidwal na mga driver. Ang mga gastos na nauugnay sa pagkuha ng mga bagong sasakyan at pagtugon sa mga pamantayan ng modernisasyon ay nagtaas ng mga alalahanin tungkol sa mga kabuhayan ng mga umaasa sa tradisyonal na industriya ng Jeepney.

PANDAIGDIGANG PAMANTAYAN NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTATION

Hindi masama ang sumabay sa pandaigdigang kompetisyon ngunit sapat nga ba ang tibay at kakayanan ng mga bagong dyip. May mga nagkalat sa mga social media na ang mga naunang unit ng modernong dyip na umarangkada nung Hunyo ay may mga nag kakalawang na, ang ilan naman ay parang sobrang luma na tignan. Dagdag pa nito ang presyo na nag mumula sa 1.2M hanggang 2.6M nag isang dyip. Masasabi ba naiting sulit or makasasabay na sa pandaigdigang pamantayan.

MAGINHAWANG PAMUMUHAY PARA SA MGA PILIPINONG MANANAKAY

Tatlong daang pursyento hanggang 400% pagtaas sa pamasahe ang pinangangambahang ranasin ng mga komyuter sa implementasyon ng mga bagong dyip ayon yan sa pahayag ng IBON Foundation isang non-government organisations na may layuning itaguyod ang pag-unawa sa socioeconomics na nagsisilbi sa mga interes at mithiin ng sambayanang Pilipino. Paanong masasabing maginhawang pamumuhay kung ang kapalit ng modernisasyon ay pag taas ng gastusin ng mga Pilipino?

Walang dudang ang Jeepney Modernization Program sa Pilipinas ay nagpapakita ng isang kumplikadong tanawin ng mga benepisyo at hamon. Bagama't kapuri-puri ang hakbang tungo sa pagpapanatili ng kapaligiran, kaligtasan, at kahusayan, hindi maaaring balewalain ang mga potensyal na masamang epekto sa kabuhayan ng maliliit na operator at ang pagkawala ng pagkakakilanlan sa kultura. Ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng pag-unlad at pangangalaga ay mahalaga, at dapat isaalang-alang ng gobyerno ang mga mas maayos na patakaran na tumutugon sa mga alalahanin ng lahat ng stakeholder.

IDINAOS ng SHS in San Nicholas III, Bacoor City ang taunang PaskoMunidad noong Desyembre 14, na may temang "Amidst the t...
20/12/2023

IDINAOS ng SHS in San Nicholas III, Bacoor City ang taunang PaskoMunidad noong Desyembre 14, na may temang "Amidst the twinkle of lights and the warmth of festive, let’s join hands because together, we make the holiday season brighter for everyone".

Sa pangunguna ng mga Supreme Secondary Learners Government (SSLG), SHSSN3 School Youth Organizations, at SSLG Adviser na si Gng. Lily Beth Galang, naging masaya ang lahat ng mga batang nabigyan ng iba't ibang regalo para sa nalalapit na pasko.

🖋️: Patrick James Buenafe
📷: Luis Estrada, Efrenich De Castro

MALIGAYANG ipinagdiwang ng SHS in San Nicholas III, Bacoor City ang kauna-unahang GAS Week nitong Desyembre 11-15, sa pa...
20/12/2023

MALIGAYANG ipinagdiwang ng SHS in San Nicholas III, Bacoor City ang kauna-unahang GAS Week nitong Desyembre 11-15, sa pamamagitan ng "Battle of the Bands", "Christmas Tree Lighting", at "Tsinelas Mo, Sagot Ko Ngayong Pasko 2.0".

Sa inisyatibo ng General Academic Strand (GAS) Society at ng kanilang adviser na si Bb. Ma. Rebecca Roquid, masayang naituwid ang selebrasyon at tagumpay na nagbigay ito ng ngiti sa mga batang Nicholasians.

🖋️: Patrick James Buenafe
📷: Luis Estrada, Efrenich De Castro

TINGNAN: Nakiisa ang SHS in San Nicholas III, Bacoor City sa implementasyon ng programang "DepEd's 236,000 Trees — A Chr...
06/12/2023

TINGNAN: Nakiisa ang SHS in San Nicholas III, Bacoor City sa implementasyon ng programang "DepEd's 236,000 Trees — A Christmas Gift for the Children" ngayong araw, Desyembre 6, sa pangunguna ni Mr. Ronald R. Drio, punongg**o ng paaralan.

Photo credits: SHSSN3 Teachers

JUST IN: Bacoor City, Cavite felt an estimated 5.5 magnitude earthquake at around 4:23PM today, December 5, 2023.Accordi...
05/12/2023

JUST IN: Bacoor City, Cavite felt an estimated 5.5 magnitude earthquake at around 4:23PM today, December 5, 2023.

According to a report published by The Philippine Star, the epicenter was in Lubang, Occidental Mindoro, that jolted the province with a 5.9 magnitude earthquake.

Meanwhile, immediate response was executed at SHS in San Nicholas III, Bacoor City, to ensure the safety and the security of the students and faculty.

Stay safe, Nicholasians.

JUST HAPPENED: SHS in San Nicholas III, Bacoor City managed a Fire Safety Seminar, Fire Drill, First Aid, and Basic Life...
05/12/2023

JUST HAPPENED: SHS in San Nicholas III, Bacoor City managed a Fire Safety Seminar, Fire Drill, First Aid, and Basic Life Support Training today, December 5, at SHSSN3 Conference Room.

Through the participation of SDRRM Organization Officers and selected DRRM representatives of each section, the activity was successfully done with the initiative of Mr. Francisco Torno Jr., SDRRM Coordinator.

This activity is in pursuant to DepEd Order No. 28, s. 2016 which enhances the Fire Safety and Awareness Program (FSAP), and DepEd Order No. 54, s. 2021, Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 10871, also known as"Basic Life Support Training in Schools Act".

The conduct of the said activity is subjected to no disruption of classes policy.

🖋️: Patrick James Buenafe
📷: Efrenich De Castro

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nicholasian's Posts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share