20/08/2024
PAGSUSURI NG BAGUIO CITY SMOKE-FREE TASK FORCE SA MGA ITINALAGANG SMOKING AREA
Isinagawa ng Baguio City Smoke-Free Task Force ang pagsusuri sa mga iminungkahing itinalagang smoking area (DSA) sa dalawang lokal na negosyo upang matiyak na sumusunod ito sa mga regulasyon ng lungsod.
Ang pagsusuring ito ay alinsunod sa City Ordinance No. 34, series of 2017, na kilala rin bilang Smoke-Free Baguio Ordinance. Mahigpit na ipinagbabawal ng ordinansang ito ang paggamit, pagbebenta, pamamahagi, at pag-aanunsyo ng mga sigarilyo, e-cigarette, at iba pang produktong tabako sa mga itinalagang lugar sa buong lungsod at nagpapataw ng parusa sa mga lalabag.
Sa karagdagang impormasyon maaring basahin sa https://www.facebook.com/100044399560402/posts/1062325265257449/?app=fbl
Source/Photo: Baguio City Public Information Office/FB