21/06/2023
NAKAKALUNGKOT. NAKAKAGALIT. NAKAKAPAGOD NA.
Hindi nyo alam kung gaano kasakit para sakin na tanggalan nyo ako ng pribilihiyo na umakyat at mag martsa sa pinaka importanteng araw ng buhay ko. Wala nang mas sasakit pa sa estudyanteng pinagkaitan gumraduate at mag-martsa.
Naging mainit na usapin ang PNC Secret Files. Sa mga di nakakaalam ang PNSF ay page kung saan nagpo-post ng stories at rants ang mga estudyante. Tumayo naring boses ng mga estudyante ang Secret Files dahil wala silang lakas ng loob na magsalita sa mga nangyayari sa PNC. Dahil dun inalam nyo kung sinu-sino ang mga admin at isa ako dun. Nagpadala kayo ng invitations for hearing. Malinaw ang mga naging resulta ng hearing na wala akong na-violate ni isa sa student handbook dahil wala naman akong post at gaanong involvement sa page. Pero dahil isa parin ako sa mga admin binigyan nyo pa rin ako ng sanction na wala naman sa student handbook.
Ilang beses akong nakiusap sa inyo. Pabalik-balik sa university. Halos ibaba ko na sarili ko makapag-martsa lang. The sanction of a three-month suspension, coupled with the inability to attend and march on my graduation, weighs heavily on my conscience. Napakababaw. Nakapatay ba ako ng tao?
Dugo’t pawis na yung hirap ko para lang pag aralin sarili ko. I’m working too hard para lang matapos ‘tong year na to. I spent more than 20k sa thesis. Napagod. Napuyat. I even paid my graduation picture and fees. Na kompleto ko rin ang signing ng clearance. I passed all the academic requirements na kailangan nyo. Tanggap ko pa kung may binagsak akong subject kaso wala eh. Binilhan ko na rin ng damit at sapatos parents ko kasi mas excited pa talaga sila kaysa sakin. Magulang rin kayo. Alam nyo ang pakiramdam.
Ayoko masyadong mag -isip dahil ayokong magaya sa kuya ko na nabaliw dahil sa depression. Pero ilang gabi na akong di pinapatulog ng issue na ‘to. Di ko na kaya.
If PNC has no plans for me, God has.
DESERVE KO MAG MAG MARTSA AT GRUMADUATE SA JUNE 26.