GO Siquijor

GO Siquijor Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GO Siquijor, Media/News Company, .

17/06/2024

Sa kulungan ang bagsak ng liaison officer ng isang security agency sa Cebu City matapos nitong ipangsugal ang perang pangsweldo sa mga kapwa niya empleyado noong nakaraang linggo.

Kinilala ang suspek na si Jovanni Barcelite Borres, 35, residente ng Barangay Malubog, Cebu City.

Ayon sa ulat, inutusan si Borres na i-encash ang cheke na nagkakahalaga ng P534,329.50 para sa suweldo ng mga empleyado ng Gaprotect Security Inc. noong nagdaang Huwebes, Hunyo 13, ngunit hindi na ito bumalik sa opisina nang araw na iyon.

Samantala, nagtungo umano sa Abellana Police Station noong Biyernes si Borres upang i-turn over ang natitirang pera na nagkakahalaga na lamang ng P163,758.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang kinatawan ng security agency sa mga awtoridad upang imbestigahan at arestuhin si Borres.

Inamin naman ng suspek na ipinangsugal niya sa casino ang pera at natalo ito.

Kasalukuyang nakadetine sa Abellana Police Station si Borres na mahaharap sa kasong qualified theft.

Source: CDN Digital



13/06/2024

Nag-sorry ang pari sa nag-viral na video ng isang kasal sa Amlan, Negros Oriental kung saan sinimulan nito ang seremonya kahit naglalakad pa lamang patungo sa altar ang bride noong Sabado, Hunyo 8.

Ayon sa Facebook post ng bride, na-late umano sila sa itinakdang oras ng kasal kaya naman sinimulan na ng pari ang misa kahit naglalakad pa lamang siya.

Alas-8:00 ng umaga dapat ang iskedyul ng kanilang kasal ngunit sinabihan daw sila ng isa sa kanilang mga ninang na inilipat daw ito ng 9:30 ng umaga kaya naman dumating sila sa simbahan bago mag alas-9:00.

Sa isang pahayag na inilabas ng parish office, sinabi nilang walang pagbabagong naganap sa iskedyul ng kasal.

“This is unfortunate since there was no instruction at all from anyone in the Parish Office that there are changes in the schedule since there was a scheduled Funeral Mass at 9:30 a.m. of that same morning,” ayon kay parish priest na si Msgr. Albert Erasmo Bohol.

“Parish Office staff believe that the lady sponsor may have misread the dates written on the bulletin (board), which she perused the night before,” dagdag pa nito.

“Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple. But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over,” dagdag pa ni Bohol.

Kaugnay nito, humingi na ng tawad ang simbahan sa bride at groom gayundin sa kanilang mga pamilya.

Nakatakda namang ikasal muli ang dalawa sa darating na Hunyo 17.

Source: Inquirer



26/01/2023

Need a new ride? Check Manila Raffle House for the details!

KALSADA SA NORTHERN SAMAR, GUMUHO
12/01/2023

KALSADA SA NORTHERN SAMAR, GUMUHO

HANGING BRIDGE SA NORTHERN SAMAR, NASIRA
11/01/2023

HANGING BRIDGE SA NORTHERN SAMAR, NASIRA

SINULOG 2023 OPENING SALVO
07/01/2023

SINULOG 2023 OPENING SALVO

‘NAPAKASAKIT PO NA I-CANCEL NG BUYER’ 🥺🖼️
24/12/2022

‘NAPAKASAKIT PO NA I-CANCEL NG BUYER’ 🥺🖼️

‘NAPAKASAKIT PO NA I-CANCEL NG BUYER’ 🥺🖼️

TINGNAN: Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang deaf-mute artist mula Davao City na biglang kinansela ng kliyente ang pagbili sa kanyang commissioned eagle painting.

"Napakasakit po na i-cancel ng buyer ang pina-commission na [eagle paintings],” ani Dan Paul Gonzales sa kaniyang post.

Kwento ni Gonzales, makikipagkita sana siya sa kanyang kliyente sa isang mall sa lungsod nitong Disyembre 18 ngunit hindi sumipot ang buyer.

Tinulungan naman siya ng isang kaibigan ng kapatid ni Gonzales at binili ang dalawa niyang painting sa kabuuang P11,500.

Source: Ves Garcia/INQUIRER
📷 Dan Paul Gonzales

CHICKEN INASAL NG BACOLOD, WORLD'S BEST DISH  #35
24/12/2022

CHICKEN INASAL NG BACOLOD, WORLD'S BEST DISH #35

CHICKEN INASAL NG BACOLOD, WORLD'S BEST DISH #35

TINGNAN: Kabilang sa listahan ng 'Best Dishes of the World' ang pride ng Bacolod, ang Chicken Inasal, sa ranking ng Taste Atlas, isang online food website.

Nasa ika-35 na puwesto ang Chicken Inasal na may rating na 4.63.

Source: TasteAtlas
📷: TasteAtlas



Finding for beautiful holiday getaway? Runik Siquijor might be a great spot for your next travel destination.👌At Runik S...
20/12/2022

Finding for beautiful holiday getaway? Runik Siquijor might be a great spot for your next travel destination.👌

At Runik Siquijor, you can chill at the Mediterranean-inspired beach and bar perfect for get-togethers and parties. 🍸

On top of that, the view on the sea is amazing. 🌊💯

Runik Siquijor
📍: Tubod, San Juan, Siquijor
🕑: 11 AM - 10 PM
🎟: P300 - Consumable Food and Drink with all-day access to the beach club and pool

_______
Get featured on our page!
📩: [email protected]

Source: Vismin.Ph / Facebook
📷: Runik Siquijor / Facebook






16/11/2022
BUGLASAN FESTIVAL NG DUMAGUETE 🎊🕺💃
30/10/2022

BUGLASAN FESTIVAL NG DUMAGUETE 🎊🕺💃

PALIWAN BRIDGE SA ANTIQUE, LUBOG SA BAHA
29/10/2022

PALIWAN BRIDGE SA ANTIQUE, LUBOG SA BAHA

MGA SANGGOL NA INILILIKAS SA MAGUINDANAO, INILAGAY SA STYROFOAM BOX
29/10/2022

MGA SANGGOL NA INILILIKAS SA MAGUINDANAO, INILAGAY SA STYROFOAM BOX

'MINDANAO NEEDS HELP' 🙏
29/10/2022

'MINDANAO NEEDS HELP' 🙏

08/10/2022
01/09/2022

Patay ang 4-anyos na lalaki dahil sa umano’y pagmamaltrato ng kinakasama ng kaniyang ama. Ilang araw bago pumanaw, nakuhanan ng video ang bata habang isinusumbong ang ginagawa umanong pagmamaltrato sa kaniya sa Bamban, Tarlac.

Sa nasabing video, nagsusumbong ang bata sa kaniyang tiyahin dahil sa nararanasang pananakit umano ng kaniyang madrasta. Sinusuntok umano siya, pinapakain ng sili at tinutusok-tusok sa tiyan.

Ayon sa tiyahin ng biktima, nangyayari raw ang pagmamaltrato habang nasa Maynila ang ama ng bata kung saan doon ito nagtatrabaho.

Dayroon din umanong mga sugat sa ulo at katawan ang biktima nang masawi ito.

"Yung maselang bahagi ng pamangkin ko, tinali. May sugat-sugat pa nga. Tapos yung sa ulo niya inuntog sa pader. Pina-check-up ko siya sa pedia, pinadala na siya sa surgeon dahil ganun na yung kalagayan niya," kwento ni Gema Galang, tiyahin ng biktima.

Nakahayag naman sa death certificate ng bata na nagkaroon ito ng septic shock. Sa naunang medical certificate bago namatay, bukod sa septic shock ay nagkaroon din ng biktima ng multiple abrasion sa katawan.

"Sobrang sakit po. Kahit pamangkin ko lang sila inaagaan ko sila. Gusto ko sana makulong lahat ng may sala sa bata," ani Gema.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng awtoridad ang insdidente at hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng medico-legal sa mga labi ng bata.

Source: GMA News
📷 Shutterstock

01/09/2022

‘I ALWAYS FEEL THE LOVE AND SUPPORT IN THIS SCHOOL’

Pinuri at pinasalamatan ng netizens ang eskwelahan ni Diana Montecarlo Lopez matapos nitong ibahagi na pinayagan siya ng paaralan na i-express o ihayag ang kaniyang totoong sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng unipormeng pambabae.

"Thank you UI for accepting and letting me wear female uniform. I always feel the love and support in this school ❤" ayon kay Diana sa kaniyang Facebook post.

Matatandaang nag-viral kamakailan ang litrato ng tatlong lalaki na pinagupitan ang kanilang iningatang mahabang buhok upang sumunod sa haircut policy ng kanilang paaralan.

Para kay Miss Trans Global 2020 na si Mela Habijan, isa itong "major win" matapos nitong manawagan na gawing mas inklusibo ang mga paaralan sa bansa.

"Diana Montecarlo Lopez has been allowed to come to school in the gender that she identifies as — a woman. Through inclusion, we bring out the best in a person and we cultivate a sense of belongingness. Through inclusion, trans people and non-binary are not “othered”, rather, welcomed and recognized," ani Habijan.

"Let's continue making Philippine schools inclusive of LGBTQIA+ people!" dagdag niya.

Ikaw, sang-ayon ka bang gawing mas inklusibo ang mga paaralan sa bansa?

Source: Pilipino Star Ngayon Digital
📷 Diana Montecarlo Lopez; Mela Habijan

31/08/2022

We.....wait lang daw! Sila na muna bukas! 🤣✋

31/08/2022
31/08/2022

SO KANINO KAYA GALING? 🤔👀

TINGNAN: Nagbigay ng aliw at saya sa netizens ang viral photo na ito na ibinahagi ng isang restaurant.

Sa resibo, makikita kasing nagbilin ang customer na si “Rochelle” na huwag sabihin na sa kaniya galing ang ipapadalang pagkain.

Sinunod naman ito ng nasabing restaurant, ngunit sa note ng kanilang paper bag, nabanggit pa rin ang pangalang Rochelle.

Source/Photo: Nomnom Comfort Food (Facebook)

31/08/2022

Patay ang isang 84-anyos na lola matapos umanong ihagis sa apoy ng kaniyang mga anak at apo sa Balingasag, Misamis Oriental, ayon sa lokal na pulisya nitong Martes, Agosto 30.

Batay sa imbestigasyon ng Balingasag police, 11 kamag-anak ni Lola Teofila Camungay ang itinuturing na suspek sa krimeng nangyari noong Biyernes sa Barangay Baliwagan.

Apat (4)sa mga itinuturing na suspek ay anak ng biktima, lima (5) ay mga apo nito, habang isa (1) ay live-in partner ng anak at kapatid nito.

May kinalaman umano sa isang kulot o grupo ang pagsunog sa biktima, ayon kay Maj. Teodoro de Oro, kasapi ng isang pinaghihinalaang kulto ang mga suspek at biktima,

"Sabi ng suspek, matindi daw ang kanilang pagtampo sa biktima dahil siya umano ang dahilan ng kanilang paghihirap sa buhay. Tutol rin ang biktima na kilalaning lider ng grupo ang isa sa kaniyang mga apo," kwento ni De Oro.

Nagawa pang maihatid ang biktima nsa ospital sa tulong ng mga kapitbahay ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga tinamong third-degree burn.

Nahuli na ng mga awtoridad ang 7 suspek habang 4 ang hinahanap pa.

"Kahit dito sa loob ng selda sa police station, sumasayaw at may pinagsasabing hindi maiintindihan na mga salita ang mga nahuling suspek," ayon kay De Oro.

Ang mga suspek, sasampahan ng kasong parricide kung saan iimbestigahan at babantayan din umanol ng pulisya ang nasabing grupo at mga miyembro nito.

Source: ABS-CBN News; Manila Bulletin
📷 Rini Sulaiman/Flickr (For visual representation use only.)

31/08/2022

Nasa 118,785 na mga kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, mas mataas ng 143% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong 2021, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.

Batay sa national dengue data ng DOH nitong Agosto 13, nasa 48,867 lamang ang mga kaso na naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2021.

Sa tala ngayong taon, karamihan sa mga kaso ng dengue o 18% ay naiulat sa Central Luzon na may kabuuang bilang na 21,247.

Sinundan ito ng Central Visayas na may 11,390 na kaso (10%), at ang National Capital Region (NCR) na may 11,064 (9%).

May kabuuang 19,816 dengue cases din ang naitala mula Hulyo 17 hanggang Agosto 13 lamang.

Ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa dengue ay tumalon na ngayon sa 400, na naglalagay ng 0.3% na kaso ng fatality rate.

Sinabi ng DOH na anim (6) sa 17 rehiyon ang lumampas sa epidemic threshold para sa dengue sa nakalipas na apat na linggo o mula Hulyo 17 hanggang Agosto 13. Ang mga rehiyong ito ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, CAR, at NCR.

Sa mga rehiyong ito, ang NCR ang nagpakita ng "sustained increase trend" ng mga kaso ng dengue sa parehong panahon ayon sa DOH.

Source: GMA News
📷 J&J

30/08/2022
30/08/2022
30/08/2022

Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, hiniling nito na maisabuhay sana ng mga Pilipino ang pagmamahal ng mga bayani sa sariling bayan upang maiwasan aniya ang paghihilahan pababa at hidwaan.

“Umaasa ako na sa halimbawa ng ating mga dakilang bayani, higit nating isasabuhay ang kanilang ipinakitang pag-ibig sa bayan at ipinagtatanggol at ipinaglalaban nilang panata sa kabutihan,” ani Marcos

Source: News5; Inquirer
📷 Bongobng Marcos (Facebook)

30/08/2022

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Siquijor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Siquijor:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share