25/05/2025
JUST IN: MANHUNT OPERATION LABAN KAY PSUPT. DUMLAO, INIUTOS NG PAOCC
Naglabas ng kautusan si Executive Secretary Lucas Bersamin, bilang Chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, kaugnay sa manhunt operation laban kay PSupt. Rafael Dumlao III, dating pinuno ng PNP Anti-Kidnapping Group at suspek sa pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo nlsa loob ng Camp Crame noong 2016.
Ang kautusan ay kasunod ng pagpupulong kasama ang PNP, kinatawan ng Korean embassy, at mga miyembro ng Korean community kung saan, kanilang ipinahayag ang kanilang pagkabahala sa umano'y lumalalang krimen.
Nagpalabas din ng isang (1) milyong pabuya ang PAOCC para sa pagkakadakip kay Dumlao.
Matandaang dinukot ang koreanong negosyante na si Jee Ick Joo sa pamamagitan ng "tokhang" operation at pinatay sa loob ng kanyang sasakyan na nakapark ilang metro lamang mula sa opisina ni former PNP Chief at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa sa Camp Crame.
Bukod sa pinatay, humingi pa ng milyong pesos ransom money ang mga pulis sa asawa ng biktima.
Photo Credits: Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)