‼️ FIRE ALERT ‼️
Isang sunog ang sumiklab sa isang area malapit sa Philippine Arena Bypass road, Sta. Maria, Bulacan bandang 6:00 PM ng gabi noong Martes, March 12, 2024.
Sa ngayon, wala pang ibang impormasyon ang nakakalap patungkol sa nasabing insidente.
KEEP SAFE PO SA LAHAT! 🙏
Source and credits 🎥: Municipality of Santa Maria
#SantaMariaUpdate
#BulacanUpdate
FIRE ALERT 🔥
Isang sunog ang naganap sa isang tambakan ng plastic crates sa Brgy. Balasing, Sta. Maria, Bulacan. Makikita sa video ang lawak ng apoy na nakuhaan ng drone mula sa nasabing lugar.
Agaran din namang rumesponde ang lokal na pamahalaan sa pagpapadala ng mga bombero upang maapula ang apoy. Sa ngayon, hindi pa natutukoy ang sanhi ng sunog.
Ingat po sa ating lahat! 🙏
Credits 🎥: Dudz FPV - MVS
#SantaMariaUpdate
#BulacanUpdate
‼️ FIRE ALERT ‼️
Isang netizen ang nagshare ng isang footage kung saan isang bus ang nasusunog. Ayon sa ilang mga netizens ang nasusunog na bus ay mula umano sa isang school sa Sta. Maria, Bulacan, na nagpuntang tagaytay para sa kanilang field trip.
Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa nasabing insidente. Magdoble ingat po tayo at ito ay maging isang aral upang mas higpitan ang pag-inspection ng ating mga sasakyan. Keep safe po sa lahat! 🙏
Source and credits 🎥: Ched Leynes Fampolme
#SantaMariaUpdate
#BulacanUdpate
BREAKING NEWS: Isang pagsabog ang naganap sa imbakan ng mga paputok sa Sitio Manggahan, Pulong Buhangin, Sta. Maria ngayong hapon. Ayon sa mga awtoridad, nag simula ang pagsabog sa isang parte ng bahay na pinag-iimbakan ng mga paputok.
At ayon pa sa ilang mga residente, di-umano’y tatlong malakas na pagsabog ang narinig, at bigla na lamang yumanig. Di kalaunan ito’y nasundan pa ng dalawang malakas na pagsabog. Nasa 8 ang naitalang na-injured sa insidente
Source: GMA News
Ctto 🎥
#StaMariaUpdate
#BulacanUpdate
"Van-Kidnapping"
Ayon sa video uploader muntik na makuha ng gray na van na may plate number S6 X163 ang kanyang 17 years old na pamangking lalaki malapit sa Eimilif Church kanina bandang 10AM.
Kanyang sinabi sa kanyang post na giniliran at hinuntuan umano ng van ang kanyang pamangkin, mabuti na lamang at may isang lalaki ang naglalakad na di kalayuan kaya di natuloy ang pagdukot at mabilis na umandar paalis ang van.
Ayon sa kanya naireport na nila ito sa barangay.
Maging alerto at mag doble ingat po tayong lahat!
#StaMariaUpdate
#BulacanUpdate
ctto