
12/06/2024
❤️❤️
Maligayang ika-126 na Araw ng Kalayaan, Pilipinas!
"Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,"
Ating gunitain ang mga sakripisyo at tapang ng ating mga bayani na nagbigay daan sa ating kalayaan. Ang kanilang kabayanihan ay nagsilbing ilaw upang marating natin ang kasalukuyang kinabukasan. Sa bawat paggunita ng ating kasaysayan, nawa'y maging inspirasyon ito sa ating lahat upang patuloy na ipaglaban ang kalayaan at kapayapaan para sa ating minamahal na bansa.
Sa bawat Pilipino, nawa'y magsilbing paalala ang araw na ito na ang kalayaan ay hindi lamang isang regalo kundi isang responsibilidad na dapat ingatan at pagyamanin.
Sama-sama tayong magkaisa para sa isang mas maliwanag at mas magandang kinabukasan.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan!