01/05/2020
And I second that 💯
Let's not invalidate someone's interest or passion for gaming just because he/she only plays 1-2 games. Mwa!
Hindi ko alam kung bakit pero nung kasagsagan ng road to gold nung nakaraang linggo may mga nakikita ako na mga comments and questions sakin at sa tier one page na bakit daw namin kinuha si Cong eh hindi naman daw siya gamer? Hindi ko alam kung ano ang definition ng gamer sa mga tao pero para sakin pagparte ng lifestyle mo ang paglalaro ay masasabi ko na na gamer ang isang tao.
Maraming samot saring deskripsyon ang mga tao sa kung ano ang gamer pero yan yung para sakin. Gusto ko lang ishare na bago pumirma sila Cong sa Tier One nung 2017 ang una kong mga tinanong kay Cong at Junie ay naglalaro ba talaga sila? Si Junie DOTA at PubG, si Cong naman PubG lang talaga. Pero sa hawak palang ng mouse at keyboard siguro naman enough na patunay na na gamer si Cong.
Sa totoo lang eto yung mga bagay na hindi ko na gusto ipaliwanag pero pakiramdam ko kailangan ko ipaliwanag kasi may mga taong medyo nalilito sa kung ano kame. Para sa kalinawan ng lahat sumusuporta po kame sa mga gamer sa Pilipinas para maabot ang mga pangarap nila at para mapakita sa mundo na pwedeng tingalain ang gamer na katulad namin. Nandito po kame para suportahan yung mga taong magsisilbing magandang halimbawa sa mga gamers na katulad namin at tumulong sa mga taong lalong mapapalaki yung industriya na to. Hindi namin ineexpect na ipakita nila na gamer sila araw araw kasi ang team payaman ay vloggers at nandyan sila para magpasaya ng tao sa ibat ibang content na ginagawa nila pero kahit balibaliktarin nyo ang mundo hindi ko makkwestyon na gamer tong mga to. Kung hindi parin kayo naniniwala, try nyong laruin si Pau Sepagan sa LOL baka magulat kayo sa laro nya. Try nyo kaharapin yung Pudge ni Emman Nimedez sa DOTA 2 baka mabigla kayo sa hook nya. Try nyong harapin yung Karrie ni Junnieboy na di mapaliwanag at subuka nyo ring hanapin si CongTv sa PubG at malamang sa malamang makikita nyo siya dyan. Si Yow, Josh at Keng lahat sila naglalaro ng ML nakita nyo naman siguro sa vlogs.
Sakin lang sa mga nagsasabi na bakit daw hindi yung mga totoong gamer yung sinusuportahan namin ibat ibang gamer po ang sinisuportahan namin. May vlogger, may streamer, may pro-player babae at lalaki sa Blacklist, may podcaster, may shoutcaster... Ang ginagawa po ng Tier One ay sumuporta sa gamers ano man ang ginagawa nila basta nakikita namin na nakakatulong sila na mapalaki ang industriya na to. Sana malinaw na ang lahat. Kung umabot ka dito type mo OMSIM.