16/12/2021
KARAMIHAN SA MGA MANANAHANAN SA IMPIYERNO (NAR) AY MULA SA MGA KABABAIHAN!!!
ANO NGA BA ANG DAHILAN??
-Sila ba ang nagpapasimuno sa gawaing masama?
-Sila ba ay mga suwail, nagtataksil, gumagawa ng katampalasan imoral o nagtatakwil?
HALINA AT SILIPIN NATIN ANG SAGOT NG MAHAL NA PROPETA HINGGIL DITO!!
Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan) : “Ipinakita sa akin ang Impiyerno (NAR) at karamihan sa nananahanan doon ay mga kababaihang tumatakwil.”
May nagtanong: “Sila ba ay tumatakwil kay Allah (bumaliktad sa relihiyon)?”
Sinabi ng Propeta: “Tinatakwil nila ang mabuting pakikitungo ng asawa (hindi nila nakikita ang kabutihan nito),
At tinatakwil nila ang mga kabutihan,
Kahit pakitunguhan sila sa loob ng isang taon ng pinaka mainam (mabuti) at pagkatapos, kapag may makita sa iyo na isang bagay (pagkukulang), kanyang sasabihin ang:
“Wala akong nakitang kabutihan mula sa iyo magpakailan.”
Inulat nila Imam Albukhari at Imam Muslum.
Conclusion: Sila ay nagbubulag-bulagan sa anumang nagawa mong kabutihan (hindi nila ito nakikita) at hindi sila maganda makitungo sa kanilang asawang lalaki!!
HINGIN NATIN KAY ALLAH NA SANA ILAYO NYAI ANG ATING MGA KABABAIHAN SA GANITING URI NG PAG-UUGALI
Pinagkuhanan sa usapin:
حديث:" أُرِيتُ النَّارَ فَإِذَا أَكْثَرُ أَهْلِهَا النِّسَاءُ يَكْفُرْنَ » . قِيلَ أَيَكْفُرْنَ بِاللَّهِ قَالَ « يَكْفُرْنَ الْعَشِيرَ ، وَيَكْفُرْنَ الإِحْسَانَ ، لَوْ أَحْسَنْتَ إِلَى إِحْدَاهُنَّ الدَّهْرَ ثُمَّ رَأَتْ مِنْكَ شَيْئًا قَالَتْ مَا رَأَيْتُ مِنْكَ خَيْرًا قَطُّ " متفق عليه
Ctto
✍️Ustadz Zulameen Sarento Puti