Pitong Libong Pulo

  • Home
  • Pitong Libong Pulo

Pitong Libong Pulo Atin 'to.

PH FIXED BROADBAND AT MOBILE INTERNET, UMEKSENA SA BILIS! Base sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index, pumalo sa 8...
06/01/2023

PH FIXED BROADBAND AT MOBILE INTERNET, UMEKSENA SA BILIS!

Base sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index, pumalo sa 87.13 Mbps ang download speed ng fixed broadband noong Disyembre 2022 mula sa dating 81.42 Mbps noong Nobyembre habang naging 25.12 Mbps naman ang mobile internet noong nakaraang buwan mula sa dating 24.04 Mbps sa sinundang buwan.

Simula nang maupo si Pangulong Bongbong Marcos noong Hulyo tumaas na nang 26.39% ang bilis ng fixed broadband habang 17.33% naman ang itinaas sa mobile internet.

Ang mabilis at maaasahang internet ay makakatulong sa iba’t ibang industriya at negosyo tungo sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Link:
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/technology/856411/philippine-internet-speeds-improve-in-december-ookla-speedtest/story/

Nagtambalan ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para ...
22/10/2022

Nagtambalan ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para tuluyan nang masawata ang text scams.

Sa pamamagitan ng partnership ng NTC at KBP, lalo pang lalawak ang Kontra Text Scam information drive dahil gagamitin ang radyo upang mabigyang babala ang mas maraming Pilipino.

Link:
https://newsinfo.inquirer.net/1683186/ntc-kbp-team-up-in-campaign-against-text-scams

Kahit humina na ang text scams nitong mga nakaraan, nangako ang National Telecommunications Commission na ipagpapatuloy ...
06/10/2022

Kahit humina na ang text scams nitong mga nakaraan, nangako ang National Telecommunications Commission na ipagpapatuloy nito ang Kontra Text Scam Campaign nito hangga’t hindi ganap na nasasawata ang SMS scams.

Sa isang bagong labas na memorandum, inatasan ng NTC ang DITO, Globe, at Smart na ipagpatuloy ng mga ito ang pag-text blast ng babala sa mga subscriber mula kahapon hanggang October 11. Kabilang din sa kautusan ng komisyon ang pag-block ng public telecommunications entities sa mga SIM card na ginagamit sa pang-scam.

Link:
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/847122/ntc-tells-telcos-to-continue-text-blast-vs-personalized-text-scams/story/

PH INTERNET, UMEKSENA SA GLOBAL RANKINGS!Umangat nang two notches ang fixed broadband ng bansa habang three notches nama...
22/09/2022

PH INTERNET, UMEKSENA SA GLOBAL RANKINGS!

Umangat nang two notches ang fixed broadband ng bansa habang three notches naman ang inangat ng mobile internet natin.

Last month, naging pang-45 ang ranggo ng bansa sa buong mundo pagdating sa fixed broadband habang naging pang-82 naman tayo sa mobile internet.

Ang average speed ng fixed broadband noong August ay nasa 78.33 Mbps habang ang ating mobile internet naman ay nasa 22.35 Mbps.

Link:
https://manilastandard.net/tech/314261798/ph-internet-speed-in-august-climbs-2-notches-for-fixed-broadband-3-for-mobile-in-global-rankings.html

Himas-rehas ang kinabagsakan ng isang suspect na hinuli sa isang entrapment operations ng pinagsanib na puwersa ng Globe...
17/09/2022

Himas-rehas ang kinabagsakan ng isang suspect na hinuli sa isang entrapment operations ng pinagsanib na puwersa ng Globe Telecom, National Bureau of Investigation, Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, at National Telecommunications Commission dahil sa pagbebenta ng GCash-registered SIM cards.

Lalong pinaigting ang public-private cooperation upang patuloy na malabanan ang mga taong maaaring sangkot sa tumitinding modus na personalized SMS scams.

Read more:
https://manilastandard.net/tech/314260836/public-private-sector-cooperation-nets-text-scam-enabler.html

NTC INATASAN ULI ANG MGA TELCO NA MAGBIGAY-BABALA SA MGA KANI-KANILANG SUBSCRIBER LABAN SA MGA SPAM TEXT MESSAGE NA NAG-...
07/07/2022

NTC INATASAN ULI ANG MGA TELCO NA MAGBIGAY-BABALA SA MGA KANI-KANILANG SUBSCRIBER LABAN SA MGA SPAM TEXT MESSAGE NA NAG-AALOK NG MGA PEKENG TRABAHO

Kasabay nito, inatasan din ng komisyon ang mga regional official at officer-in-charge na mag-ikot-ikot sila sa mga lokal na estasyon ng radyo at telebisyon upang mabigyan ng babala ang publiko laban sa mga text message na nag-aalok ng pekeng trabaho.

Link:
https://tribune.net.ph/index.php/2022/07/05/ntc-warns-vs-fake-job-text-scams-anew/

NOW TELECOM, NEWSNET AUTOMATIC APPROVAL APPLICATIONS, TULUYAN NANG IBINASURA!Binawi ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) an...
23/06/2022

NOW TELECOM, NEWSNET AUTOMATIC APPROVAL APPLICATIONS, TULUYAN NANG IBINASURA!

Binawi ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang nauna nitong order pabor sa automatic approval ng mga aplikasyon ng Now Telecom Company, Inc. at News and Entertainment Network Corporation.

Sinunod na rin ng ARTA ang naging opinyon ng Department of Justice (DOJ) noon pang 2021 kung saan sinasabi nito na hindi napapangibabawan ng 3-7-20 Day Timeline at Deemed Automatic Approval clause sa ilalim ng Ease of Doing Business (EODB) Law ang tungkulin at kapangyarihan ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbibigay at paggamit ng frequency.

Read more:
https://www.abante.com.ph/arta-bumaligtad-sa-desisyon-vs-2-telecom/

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pitong Libong Pulo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share