05/07/2024
Nagiisip ba kayo kung tapos na Bullrun or nagcocorrect lang si $BTC?
Wag ka mag alala, hindi lang ikaw nakakaramdam nyan.
Sa totoo lang maraming factors nakakaapekto sa market.
Mt. Gox, Germany, Elections, ETFs, FTX payouts, etc.
Nag isip isip ako almost 5 days checking lahat ng data, information at kung ano ano pa and eto ung mga sensyales kung kelan tataas ulit ung market at KELAN.
If titignan mo ung second photo attached, nasa stage of depression tayo, and maraming tao ang umaalis sa crypto.
- Meaning wala na silang bilib sa mangyayari sa susunod na taon.
Pero if titignan mo previous market cycles, at mag zozoom out kam, hindi naman talaga sya ganun kapanget
If titignan mo naman ung pangatlong photo, makikita mo na underperforming talaga ang altcoins if cocompare mo sya sa $BTC.
Also if titignan mo since 6 months ago, nag double na presyo ng BTC after ng ETF approval.
So ngayon makikita mo ayaw na bumili ng Bitcoin ng mga tao ngayon kasi andaming nag sesell and if titignan for the past 6 months, ang taas na ng presyo ng BTC.
Pero di mo alam na eto ung mga moment or senyales na magkakaroon ulit ng big growth sa prices. And in my opinion, magtutuloy tuloy pa yang presyo ng BTC in the next few months or maybe more.
If tignan mo ung 4th picture, ung presyo ng Altcoins as of the moment is same price way back November last year, pero after nun nagkaroon ng more than 5X growth.
So instead of focusing on the negative side of things, I think maganda din ifocus ung important details like
- ETF ETH S1 Form Approval (dito kasi malilist ang ETH and matatrade just like BTC)
- Donald Trump crypto support (what more if manalo sya)
- Lots of countries are also cutting rates
Super daming points na pwedeng tignan for upside, pero alam mo naman tao, mas gusto nila mag focus sa negative and FUD.
Now punta ka naman sa Picture #6, makikita mo na ung trading volume is mas mababa pa sa 2021, and if you compare it both angles, double ung presyo ng $BTC now.
Also if makikita mo, halos lahat ng inflows is galing sa mga wealthy companies, wala pa ung retail, so ang point nyan is kapag tumaas na ung volume ng retail, makikita mo din na ung market tataas eventually
Picture #7 naman. Etong index na to indicates na may mga bagong inflow ng pera na pumapasok sa crypto market. And just like before, ang layo ng volume few years ago sa volume ngayon, and 2X na ung presyo halos lahat! So kapag tumaas ung volume nyan, you will see din na tataas din crypto.
Ending is, mas maraming good side kesa bad side sa crypto. Relax lang kayo, keep lang mag tanim kasi you will never get a chance again to have this good opportunity for the next couple of years.
Remember that market is a cycle guys, hindi lagi nasa taas, hindi lagi nasa baba. Take advantage kung saan ka man right now.
Don't forget to follow me Crypto Addict if nagustuhan mo tong post na to and to see more contents like this
Yun lang po God bless!