05/06/2022
Meaningless Dreams
chap 4
Daphne's POV
Hindi na kami nakapagkwentuhan pa ng mga kaibigan ko dahil nakarating na kami sa department na kung saan kami ay magkla klase sa kung saan kami ay aattend ng klase na kung saan sinabi ng aming professor. tinignan ko ang oras at nakita kong late na pala kami ng mga kaibigan ko. "baklaaa, late na tayo ng 5 minutes kay sir alam mo naman yun pag late sa kany may pa instant recitation" hindi na kami nag atubili at nagsitakbuhan nalang papunta sa classroom na sinabi ni sir. habang kami ay nagmamadali sa takbo, ito naman kung kailan ko pang mabunggo ang isang lalaki na madaming dalang libro na sobrang kakapal kaya't nahulog nito ang lahat ng kanyang dala na ikanilingon ng mga kaibigan ko pero hindi nalang rin nila ito pinansin at tumakbo na rin kaya hindi ko na rin ito pinansin at hinayaan ko nalang siya na magpulot ang nasabi ko nalang ay "sorry, sorry." dahil late na late na talaga ako kay sir, its a situation between life and death sa kanya. dahil sabi nga ng iba na si Mr. Ramos nga daw ay isang terror na teacher. ayaw ko namang bumagsak sa kanya kasi nga makakasira rin yun sa record ng grades ko na dahilan pa na ma bad record ako kila mommy at hindi na magawa ang gusto ko. pagdating tama nga ako at andun na si sir. dahan dahan kaming kumatok dahil busy na siya na nagtuturo sa mga kaklase ko at ang topic na dinidiscuss ni sir ay patungkol na naman sa buhay ni Rizal, dahil isa nga ito sa minor subject na kinukuha namin, hindi ko nga maintindihan kung bakit namin ito kinukuha na sa tingin ko ay hindi naman ito related sa course ko pero hinayaan ko nalang dahil masaya naman pag aralan ang patungkol kay rizal. nabalik ako sa realidad ng magsalita si sir, " Ms. Arellano, Ms. Ibarra and Ms. Dixon" tawag nitong tatlo sa amin. na pinagtinginan namin kami ng aming mga kaklase dahil sa pagtawag sa amin ni sir, ito na moment of truth na.napangiti nalang kami sa pagtawag ni sir. hindi ko alam pero kinakabahan ako pero pinapasok nalang kami ni sir pero may sinabi pa ito bago kami umupo " after this lecture, stay because I have a tasks for you, as your punishment for coming late" wika ni sir na ikinatango nalang namin kay sir jusko kinakabahan na talaga ako sa ipapagawa pa ni sir sana hindi mahirap at magkaroon ng big impact sa grades ko, baka kasi mawala ako sa DL. nagtinginan nalang kaming magka kaibigan at ngumiti ng alanganin bago kami umupo sa may bakante na sakto namang tatlo na parang nakalaan talaga para sa amin at natyempuhan ko namang katabi ko pa ang lalakeng to, si kyle ayaw ko itong katabi dahil tatawanan lang ako nito at sobrang tanong na naman. Si Kyle nga pala ang kababata ko dahil kami ay mag kapitbahay at dahil magkaibigan rin ang aming mga magulang pero hindi nito alam ang abilidad ko na makakita ng panaginip dahil nilihim ko ito sa kanya kaya naman kapag nahahawakan ko ito ay nakikita ko ang kanyang panaginip na minsan ay nakakatawa kaya minsan kumukunot ang noo niya kapag pagkatapos kong mahawakan ang kanyan kaya umiilang nalang ako pag tinatanong nito kung bakit ako tumatawa. tinignan ko nalang ito na tinatawanan na ako at may tinatanong na hindi ko nalang ito pinansin at nakinig nalang kay sir pero hindi na natuloy ni sir ang pag di-discuss ng may kumatok at nag excuse kay sir dahil ito ay ipinapatawag tungkol sa naturang project nilingon ko ito at nagulat ako ng makita kung sino ang lalake sa pintuan na ngayon ay kausap na ni sir.
❤️🧬💉
UP for chap 5?