GO Cagayan

GO Cagayan Everything and Anything Cagayan! Go Cagayan is your official guide to anything and everything Cagayan.

Empowering and engaging local communities to share their stories and promote our beautiful province!

DAHIL sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagiging dedikadong lingkod-bayan ay ginawaran si Senador Ramon B**g Revill...
22/11/2024

DAHIL sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagiging dedikadong lingkod-bayan ay ginawaran si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. ng mga parangal kabilang na rito ang prestihiyosong “Asia's Distinguished Leader in Public Service” mula sa Asia’s Pinnacle Awards 2024 at ng “Gawad Pilipino Lingkod Bayan Award” mula sa Gawad Pilipino Awards.

Ang mga parangal na ito ay patunay ng kanyang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino at ng kanyang makabuluhang ambag sa pamamahala at paggawa ng batas.

Ang Asia’s Pinnacle Awards ay isang nangungunang kinatawan na nagbibigay-pugay sa kahusayan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang pampublikong serbisyo, negosyo, at industriya ng aliwan.

Namukod-tangi si Revilla sa mga nominado dahil sa kanyang makabagong pamumuno, malikhaing paggawa ng polisiya, at matatag na pagkalinga sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

Kabilang din siya sa Top 10 Outstanding Senators ng Gawad Pilipino Awards. Ang parangal na ito ay tumutukoy sa kanyang mga nagawa bilang isang mambabatas, kabilang ang pagiging pangunahing may-akda ng mga batas tulad ng “Kabalikat sa Pagtuturo (KaP) Act” (RA 11997), “No Permit, No Exam Prohibition Act” (RA 11984), “Free College Entrance Examination Act” (RA 12006), Pagpapalawak ng Saklaw ng Centenarians Act (RA 11982), at “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909), bukod sa iba pa. Ipinahayag ni Revilla ang kanyang pasasalamat sa mga nagbibigay-parangal at sa sambayanang Pilipino na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa bayan.

“Nagpapasalamat tayo sa mga pagkilala na iginawad sa atin bilang isang lingkod-bayan. These recognitions are not just for me but for every Filipino who dreams of a better future. Ang makapag-lingkod sa bayan bilang ay isang pribilehiyo kaya inaalay ko ang lahat ng ito para sa mga kababayan kong patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa akin para magsikap lalo sa trabaho natin,” pahayag ng beteranong mambabatas.

Ang mga parangal na natanggap ng senador ay nagbigay-diin sa kanyang malakas na adbokasiya para sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, katarungang panlipunan, at pagpuksa sa kahirapan. Kilala sa kanyang slogan na “Aksyon sa Tunay na Buhay,” si Revilla ay patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibo na tumutugon sa tunay at agarang pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

“Ang mga karangalan na ito ay patunay na hindi lang tayo basta nagbutas ng upuan at nagpapogi sa Senado. We really did some hard work and now we are reaping the fruits of our dedicated effort to champion the welfare of the people,” pagtatapos niya.


Maging handa at alerto sa paparating na bagyo! 🌧
09/11/2024

Maging handa at alerto sa paparating na bagyo! 🌧

WEATHER UPDATE: Bagyong , mas lumakas pa at nasa kategorya na ng Severe Tropical Storm, ayon sa huling ulat ng PAGASA ngayong Linggo, Nobyembre 10.

Huli itong namataan sa layong 690km silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas na 100 km/h at pagbugsong aabot sa 125 km/h. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 km/h.

Sa ngayon ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 at No.1 sa ilang bahagi ng bansa.

TCWS No. 2:
- Southeastern portion of Isabela (Dinapigue)
- Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

TCWS No. 1:
- Southern portion ng Cagayan (Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Solana, Iguig)
- rest of Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Southeastern portion of Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan)
- Eastern portion of Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig)
- Ifugao
- Eastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan)
- rest of Aurora
- Nueva Ecija
- Northeastern portion of Pampanga (Candaba, Arayat)
- Northen and eastern portions of Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat)
- Eastern portions of Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, including Polillo Islands)
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Northeastern portion of Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng maging epekto ng masamang panahon.

Source: dost_PAGASA

Magandang balita para sa ating mga lolo at lola! Sa Enero, ilalabas na ang pondo para sa kanilang dagdag na benepisyo.Ay...
09/11/2024

Magandang balita para sa ating mga lolo at lola! Sa Enero, ilalabas na ang pondo para sa kanilang dagdag na benepisyo.

Ayon kay Senador Ramon B**g Revilla, Jr. na pangunaging nagsulong ng Republic Act No. 11982 o “Expanding the Coverage of Centenarians Act”, libo-libong mga lolo at lola ang makikinabang oras na ilabas na ang pondo para dito.

Sakop nito ang ating mga lola at lola na may edad na
80, 85, 90 at 95 at sila ay tatanggap ng P10,000 batay sa isinulong na batas ni Revilla.

Patunay ito ayon sa mambabatas na tuloy ang trabaho sa Senado at hindi siya nagbubutas ng bangko.

"Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola. Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan. 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad. Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narating,” saad ni Revilla.


SANG AYON KA NGA BA? Maaari ba naming malaman ang inyong opinyon.
07/11/2024

SANG AYON KA NGA BA?

Maaari ba naming malaman ang inyong opinyon.


01/11/2024
Iminungkahi ni Senador Ramon B**g Revilla, Jr. ang pagpapaigting ng mga programa ng pamahalaan para lalo maging  climate...
01/11/2024

Iminungkahi ni Senador Ramon B**g Revilla, Jr. ang pagpapaigting ng mga programa ng pamahalaan para lalo maging climate adaptive at climate resilient ang bansa.

Sa harap yan ng hagupit ng bagyong Kristine na pumatay sa mahigit isang daan at dalawanpung katao at sumira sa maraming mga imprastraktura at ari-arian.

Sa kaniyang pagbisita sa mga kababayan na naapektuhan rin ng pagbaha sa San Pedro at Calamba sa Laguna, minungkahi ni Revilla na isama ang climate change mitigation at environmental protection sa curriculum sa mga eskwelahan para magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan paano mangalaga ng kalikasan at maiwasan ang mga trahedyang dulot ng climate change.

“Climate change mitigation and environmental protection concepts should be incorporated into the curricula of schools and should be actively practiced both in home and in the community” ayon pa kay Revilla.

Nagbigay naman ng tulong ang Senador sa mga kababayan niyang biktima ng nakaraang bagyo.

Kasama sa mga nakinabang ang mga nawalan at nasıra ang bahay dahil sa bagyong Kristine, nasıra ang mga ari-arian at nawalan ng mahal sa buhay

“Mayroong mga nawalan ng tirahan, may mga nalimas ang kagamitan dahil sa baha, may pumutok na poste ng kuryente, at yung iba ay nawalan pa ng mahal sa buhay,” dagdag ng mambabatas
Personal na Nakiramay si Senador Ramon B**g Revilla Jr sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba't ibang bayan sa Camarines Sur.

Ayon kay Revilla, nakikidalamhati sya sa masakit at Matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.

“mula po sa akin, kasama na ang aking pamilya, ay gusto ko pong ipaabot sa inyo aming mahigpit na pagyakap! Hindi po kayo nag-iisa sa mga panahon na to. Kasama niyo kaming titindig para sa inyong muling pagbangon,” ani Revilla.

Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lügar ang isinailalim sa state of calamity.

Hinimok ni Revilla ang mga kababayan na sa Kabila ng trahedya, wag mawalan ng pag-asa at sama samang bumangon.

“Napakahirap po ng pinagdaan ng bawat isa. Sobrang nakakahabag ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan. Nakakalungkot. Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip ang tindi at hirap na nararanasan ngayon. Ang sakit isipin ang sinapit ng ating mga kababayan, ayon pa sa Senador.

Kanina personal na nag abot si Revilla ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo

Namahagi sya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan

Natagalan Aniya ang pagdadala ng tulong dahil madami pang kalsada at tulay ang nasıra at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine.

“Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula” dagdag pa ni Revilla.


24/10/2024
23/10/2024

WEATHER UPDATE: Bagyong , nag-landfall na sa Divilacan, Isabela bandang 12:30 ng madaling araw ngayong Huwebes, Oktubre 24, ayon sa PAGASA.

16/10/2024

Masaya na naman po kami sa relasyon ng iba... 😂

CONGRATULATIONS! 🤍🫰🏼

Nitong nakaraang araw ng Linggo, Oktubre 13, pinangunahan ni Sen. Ramon B**g Revilla, Jr. ang pagdaraos ng Bagong Pilipi...
14/10/2024

Nitong nakaraang araw ng Linggo, Oktubre 13, pinangunahan ni Sen. Ramon B**g Revilla, Jr. ang pagdaraos ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF): Paglinang sa Industriya ng Paglikha sa Philippine Sports Arena sa Pasig City kung saan lagpas 13,000 na mga manggagawa sa industriya ng radyo, telebisyon, at pelikula ang direkta at agarang naabutan ng tulong ng gobyerno.

Ang BPSF ay ang pinakamalaking convergence caravan sa bansa kung saan lagpas animnapung (60) mga ahensya ng pamahalaan ang nagsasama-sama upang makapaghatid ng lagpas apatnaraang (400) programa at serbisyo ng gobyerno.

“Ako po ay natutuwa na magkakasama tayo ngayong umaga sa makasaysayang programa na ito hatid ng ating mahal na Pangulong Ferdinand B**gbong Marcos at ni Speaker Martin Romualdez kung saan hindi na ang taumbayan ang kailangan kumatok sa gobyerno, dahil ang gobyerno na mismo ang lumalapit sa tao. At sa aking ngang pagsama sa BPSF sa pag-ikot nito sa buong Pilipinas, sa bawat lugar na puntahan namin, kitang kita ang tuwa, saya, at ligaya ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Revilla.

“Mas ikinagagalak ko lang lalo dahil ang mga kaharap ko ngayon ay ang mga taong malapit na malapit sa puso ko — ang mga kasamahan kong manggagawa sa industriya ng radyo, telebisyon, at pelikula,” pagpapatuloy nito.

Pinangunanahan ni Revilla ang pagbubukas ng BPSF at siya ring nagbigay ng pangunahing talumpati kung saan kaniyang binigyang pagkilala sina Pasig City Mayor Vico Sotto, at si Cong. Roman Romulo.

Nagbigay-bati rin ang mambabatas kina sa mga kinatawan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Dir. Jose Javier Reyes at kinatawan ng MOWELFUND Film Institute na si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo.

“For the first time ever, uulitin ko, hindi pa nakakaranas ng ganito ang industriya, inipon po natin ang mahigit 13,000 na kasamahan natin sa industriya para matulungan ng BPSF at ng pamahalaan. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga creatives, writers, crew, stuntmen, cameramen, mga announcer, at iba pang mga manggagawa, makakatanggap ng direktang suporta mula sa gobyerno,” saad ni Revilla.

Matatandaang si Revilla rin ay nagmula sa nasabing industriya bilang isang artista bago pa man siya ay pumalaot sa larangan ng paglilingkod-bayan.

“Kahit kailan ay hindi ko po ikakaila – parte ako ng industriyang ito at kahit kailanman ay hindi ko pababayaan ang sektor na pinagmulan ko,” pagwawakas ni Revilla.

WALANG HUMPAY ang pag-agapay ng batikang lingkod-bayan na si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. sa mga kababayan niya sa Mi...
10/10/2024

WALANG HUMPAY ang pag-agapay ng batikang lingkod-bayan na si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. sa mga kababayan niya sa Mindanao matapos muling magtungo ang mambabatas sa nasabing lugar nitong nakaraang Huwebes (Oktubre 9) upang manguna ulit sa pamamahagi ng cash assistance sa libo-libong benepisyaryo. Dumako si Revilla sa mga lalawigan ng Lanao del Sur, Misamis Oriental, at Bukidnon.

Ito na ang kanyang pangatlong pagdalaw sa Mindanao sa loob lamang ng lagpas isang linggo. Matatandaang noong Setyembre 30 ay nagtungo na ang mambabatas sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat kung saan pinangunahan rin niya ang pamamahagi ng financial assistance sa halos 10,000 na mga benepisyaryo. At nito lamang Oktubre 3 ay nagtungo naman siya sa Davao Region upang mag-abot ng kaparehong ayuda sa lagpas 6,000 na mga kababayan.

Pagkalapag ni Revilla sa Laguindingan airport ay agad siyang nagtungo sa Wao, Lanao del Sur kung saan namahagi siya ng ayuda sa halos 2,000 na mga benepisyaro sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kasama ni Revilla sa naging cash assistance distribution sina Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. at Cong. Zia Adiong.

Matapos nito ay agaran naman tumawid si Revilla sa lalawigan ng Misamis Oriental kung saan siya ay sinalubong nina Gov. Peter Unabia at Cong. Christian Unabia para ipagpatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga kababayan. Halos 1,600 rin ang nabiyayaan ng ayuda na nagkakahalaga ng tig-P3,000.

Bandang hapon naman ay pumunta si Revilla sa Bukidnon, kung saan nakasama niya si Gov. Rogelio Roque at Cong. Laarni Roque, upang muling mamigay ng ayuda sa mga kanyang kababayan doon na may kabuuang halaga na P4 milyon para sa nasabing lalawigan.

“Dire-diretso lang tayo sa pagtulong dito sa ating mga kababayan sa Mindanao at talagang sobrang lapit sa puso ko ang lugar na ito. Kaya asahan niyo po na hindi dito matatapos ang ating paghahatid ng tulong at malasakit sa ating mga kababayan,” pahayag ni Revilla.

“Gaya nga ng lagi kong sinasabi, binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan hanggang sa tuluyang umunlad ang kanilang mga buhay,” pagwawakas niya


SIGURADO na ang kandidatura ng beteranong mambabatas na si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. para sa darating na 2025 midt...
07/10/2024

SIGURADO na ang kandidatura ng beteranong mambabatas na si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. para sa darating na 2025 midterm elections matapos ito magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw ng Lunes (Oktubre 7) sa Manila Hotel kasama ang kaniyang buong pamilya at ang anak niyang abogado na si Inah Revilla.

Muli ay tatakbo si B**g Revilla sa ilalim ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang kasalukuyang pinakamalakas at pinakamalaking partido sa bansa kung saan siya ang Chairman. Si Revilla ay kaanib ng LAKAS -CMD simula pa noong siya ay unang pumalaot sa pulitika tatlong dekada na ang nakararaan.

“Ngayong araw, pormal na nating sinelyuhan ang ating kandidatura sa pagka-senador sa darating na eleksyon 2025. Ang iyong lingkod, si Senador B**g Revilla, na sa loob ng tatlong termino bilang mambabatas sa Senado ay pinagkatiwalaan ng sambayanan, ay muling lalaban at titindig para patuloy na maging tagapagsulong ng kapakanan ng bawat isang ordinaryong Pilipino,”saad ng beteranong mambabatas.

Si Revilla ay bahagi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Senate Slate ni Pangulong Ferdinnd Bngong Marcos Jr. na binubuo ng 12 senatorial candidates mula sa iba’t-ibang major political parties sa bansa kabilang na ang Lakas-CMD.
“Nagpapasalamat ako sa ating Pangulong B**gbong Marcos at kay Lakas-CMD President Speaker Martin Romualdez sa tiwala na pinagkaloob nila sa akin upang maging isa sa mga kandidato na ilalaban ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. It’s an honor to run under this slate whose great aspiration is to stand up for the welfare, interests, and rights of every Filipino,” dagdag pa ni Revilla.

Si Revilla na nagsilbi na ng tatlong termino sa Senado (2004-2010; 2010-2016; 2019-present) ang instrumento sa pagpasa ng maraming landmark laws na direktang nagbibigay benepisyo sa maraming Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Kabilang dito ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” (RA 11997), Expanded Coverage of Centenarians Act (RA 11982), “No Permit, No Exam Prohibition Act” (RA 11984), “Free College Entrance Examinations Act” (RA 12006), Granting Night Shift Differential Pay to Government Employees (RA 11701), and “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909). Siya rin ang ang may-akda ng batas upang maging lehitimo ang mga batang isinilang sa labas ng pagsasama ng legal na mag-asawa at ang motorcycle helmet act, at napakarami pang iba.

Si Revilla ay nagtala rin ng perfect attendance sa Senado at nakapagsumite ng kabuuang 1,979 bills and resolutions, kung saan 339 sa mga ito ay umiiral nang batas.

“Sa ating halos dalawang dekadang paninilbihan bilang senador, marami na po tayong naipasang mga batas na talagang pinakikinabangan ng ating mga kababayan. Hindi po natin sinayang ang tiwala ng sambayanang Pilipino. Sinigurado ko na bawat sentimo na pinapasahod sakin gamit ang buwis ng taumbayan, naibalik natin sa kanila sa pamamagitan ng pagsusulong at pakikibaka sa pagpasa ng mga makakabuluhang batas,” pagwawakas pa ni Revilla.

Nang tanungin si Revilla hinggil sa mga balakin niya para sa ika-apat na termino niya sa Senado ay sinabi nitong ipagpapatuloy nito ang pagsulong para sa social justice, kapakanan ng mga manggagawa, seguridad sa pagkain, public infrastructure, at karagdagang benepiyo pa para sa mga government employees.
“I am happy to say that because of the people’s trust, I was able to deliver my pact with the people. Ngayon, muli kong iniaalok ang aking kakayahan sa ating mga kababayan para patuloy silang paglingkuran,” saad pa ni Revilla.

“While we have accomplished so much, work never ceases and there is still much to be done. Kagaya ng pagtugon sa pagtaas ng presyo ng bilihin, paghahatid ng pagkain sa bawat hapag, mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda, pabibigay solusyon sa baha, pagbubuo ng makabagong Philippine Building Code, pagsasaayos ng retirement system sa hudikatura, dagdag benepisyo para sa mga barangay workers, nurses, g**o, at iba pa.

Ayan ang ating mga isusulong kung tayo ay muling mabibigyan ng pagkakataon upang makapaglingkod para sa ating ikaapat na termino,” paliwanag pa ni Revilla.

Ang paparating na midterm elections ay nakatakda sa Mayo 12, 2025 kung saan 12 senador ang kailangang ihalal.


04/10/2024

Isang trahedya ang naganap sa Barangay Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan noong gabi ng Setyembre 28, matapos aksidenteng masagasaan ng isang SUV ang lalaking lasing na humiga sa gitna ng kalsada.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay lasing matapos uminom ng alak, at naglakad pauwi ngunit humiga nalang umano sa National Highway.

Eksakto namang dumaan ang isang SUV, na hindi agad napansin ang nakahandusay na lalaki sa dilim, kaya’t nasagasaan ito. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala.

Dinala naman sa kustodiya ng pulisya ang driver ng SUV, na sumang-ayon na tumulong sa gastusin ng pamilya ng biktima upang maareglo ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari, at pinaalalahanan muli ang mga mamamayan na iwasan ang sobrang pag-inom ng alak upang maiwasan ang ganitong mga insidente.

Source: Russel Simorio




𝗥𝗘𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦Nanawagan si Senador Ramon B**g Revilla...
26/09/2024

𝗥𝗘𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦

Nanawagan si Senador Ramon B**g Revilla, Jr. sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2838, o kilala rin bilang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW), bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga BHW sa mga komunidad.

Sa kanyang talumpating co-sponsorship, binigyang-diin ni Revilla na nararapat lamang na hindi lamang kilalanin ang kontribusyon ng mga BHW, kundi itaguyod din ang kanilang karapatan sa tamang sahod at mga benepisyong naaayon sa kanilang tapat na paglilingkod sa bansa.

Aniya, oras na upang ibigay ang mga nararapat para sa mga BHW na matagal nang nagbibigay-serbisyo sa mga barangay bilang pangunahing tagapagtaguyod ng kalusugan.

“I urge our colleagues to support the immediate passage of this measure. Karangalan po nating maging tulay upang matamasa ang adhikain nila para sa kanilang hanay sa lalong madaling panahon. Nawa tayo’y maging kanilang katuwang,” ani ni Revilla.

Kapag naipasa ang Senate Bill No. 2838, inaasahang magdudulot ito ng malaking pagbabago sa kalagayan ng libu-libong Barangay Health Workers sa buong bansa, at titiyak na matatanggap nila ang mga karampatang benepisyo na matagal na nilang hinihintay.


Ipinroklama muli si Senator Ramon “B**g” Revilla bilang unang kandidato ng LAKAS-CMD sa nalalapit na 2025 Senate race.An...
21/09/2024

Ipinroklama muli si Senator Ramon “B**g” Revilla bilang unang kandidato ng LAKAS-CMD sa nalalapit na 2025 Senate race.

Ang opisyal na anunsyo ay ginawa sa isang pagtitipon ng partido kung saan binigyang-diin ang patuloy na dedikasyon ni Revilla sa serbisyo publiko.

Suportado ng mga kasamahan sa partido at ng kanyang mga tagasuporta, inaasahang magiging isa sa mga pangunahing kandidato si Revilla sa darating na halalan.

Sa kabila ng mga isyung kinaharap sa nakaraan, nananatiling matatag ang tiwala ng partido sa kanyang kakayahan at hangaring ipagpatuloy ang paglilingkod sa Senado.

16/09/2024

LPA SA SILANGANG BAHAGI NG AURORA, ISA NANG GANAP NA TROPICAL DEPRESSION

Ayon sa ulat ng PAGASA kaninang alas-5:00 ng umaga, Setyembre 16, naging isang ganap nang bagyo ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility at tatawagin itong bagyong .

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 315 km east northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/hr at pagbugsong 55 km/h.

Patuloy itong kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.

Sa ngayon ay nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bahagi ng Luzon:
- Eastern at central portions ng Mainland Cagayan (Piat, Santo Niño, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, Peñablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Abulug)
- Isabela
- Quirino
- Eastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Kasibu, Dupax del Norte, Quezon, Diadi, Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Aritao, Bambang, Dupax del Sur, Solano)
- Eastern at southern portions ng Apayao (Conner, Flora, Pudtol, Santa Marcela, Luna, Kabugao)
- Kalinga
- Eastern at central portions ng Mountain Province (Paracelis, Sadanga, Bontoc, Natonin, Sabangan, Barlig)
- Ifugao
- Aurora
- Eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, B**gabon, Gabaldon, Laur, General Tinio, Rizal, General Mamerto Natividad, Palayan City)
- Northern portion ng Mainland Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng maging epekto ng masamang panahon.

Source: Dost_pagasa

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Cagayan:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share