16/01/2025
Wag mo akong salingin 2025
Isang taon bago ganapin ang eleksyon sa bayan ng Ticling, kanya kanya ng papogi ang mga kandidato. Gagawin ang lahat para lang manalo. Kanya kanyang diskarte. Andyan ang magpamudmod ng pera kaplit ng suporta o kaya naman ay alisin ang mga malalakas na kalaban, siraan o kahit umabot pa sa patayan. Ang pulitika nga naman.. lahat.. wala ni isa sa mga yan ang nag iisip ng isandaang porsyento na kapakanan ng ibang tao. Maituturing na sigurong matino ang isang pulitiko na may mahigit sa 50% ang concern sa welfare ng taong bayan pero ang karaniwan ay pansariling interes na. Mahalagang makamit nila ang kapangyarihan sa gobyerno. Kung nasa 'yo ang kapangyarihan, halos wala nang pipigil sa lahat ng iyong naisin.
Ngayon pa lang, kailangan na nilang plantsahin ang gusot. Linisin ang daan para smooth ang pagkamit nila ng tagumpay. Madami na silang naka usap na mga taga suporta. Mga kaalyado sa pulitika, tiwaling media at mga opisyal ng militar ganon din ang iba't ibang sektor sa lipunan. Ngunit isang sektor ng mga magsasaka ang di sumang ayon sa kanilang mga balak. Nais nilang maging neutral at ayaw nila sa usaping pulitika. Ang gusto nila ay payapang pamumuhay, malayo sa gulo ng mundo. Nagalit ang mga pulitiko at nagbanta na kung di sila sasang ayon sa plano ay di na sila makakapagsaka sa kanilang lupain. Lubos na nanlumo ang kawawang mga magsasaka. Sa kabila nito ay buong tapang pa rin silang nagpahayag na maging neutral at di makikialam sa pulitika. Sa pag aakalang kakampi ng mga magsasaka ang kanilang kalaban sa pulitika ay agad na tinuligsa ng mga kaalyado ng mga pulitiko ang paninindigan ng mga magsasaka. Madami rin sa taong bayan ang humusga. Anupa't halos lahat sila ay nadismaya. Ngunit sa kabila nito ay hindi natinag ang mga magsasaka at nagpatuloy sa mga pang araw araw nilang gawain.
Sino sa mga pulitiko ang magtatagumpay sa siraan, bangayan at sa dulo ay tunggalian sa halalan? Itutuloy kaya ng mga ito ang planong panggigipit at subukang buwagin ang katatagan ng mga magsasaka dahil ayaw ng mga ito makisali sa usaping pang pulitika? Abangan ang susunod na kabanata..
JoRaC's