![Kung magpapautang ka, siguraduhin mong handa kang i-let go ang perang ipapahiram mo. Bakit? Dahil karamihan ng nangungut...](https://img5.medioq.com/155/548/941016751555480.jpg)
03/02/2025
Kung magpapautang ka, siguraduhin mong handa kang i-let go ang perang ipapahiram mo. Bakit? Dahil karamihan ng nangungutang, hindi na nagbabayad.
Kapag nanghiram sa'yo ang kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o kakilala mo, ibig sabihin lang nito—alam nilang meron ka. Wala silang pakialam kung paano mo pinagtrabahuan ang perang iyon. Kahit dugo’t pawis ang puhunan mo, hindi na nila iniisip ‘yon.
Oo, may ilan na marunong tumanaw ng utang na loob—yung nagbabayad nang maayos. Saludo ako sa kanila. Ang mga ganitong tao, kahit ilang beses lumapit, hindi mahirap pautangin dahil maayos silang kausap.
Pero karamihan? Hindi na nagbabayad.
Magdadrama ‘yan kapag nangutang, at kapag siningil mo, drama rin ang ibabayad sa’yo. Minsan, ikaw pa ang magiging masama sa kwento—sila pa ang magagalit!
At kahit dumating sa punto na gipit ka na at kailangang-kailangan mo ang perang ipinahiram mo, wala kang magagawa kung talagang hindi na nila ito kayang bayaran.
Kaya bago ka magpautang, tanungin mo muna ang sarili mo:
"Kaya ko na bang i-let go ang perang ito?"
"SAVE FOR YOUR FAMILY FIRST."