02/01/2023
"Anong nangyari?Nagbagong taon lang, nagpalit na agad? Nang pangalan, nang anyo dahil sa filter, nang friends dahil may bagong nakilala at kahit di kilala ay i-add friend..
Aba nakalimutan mo yata, araw-araw din tayong nagkikita, at maraming akong ikinukuwento sa iyo, sinishare mo pa nga sa iba, bakit pilit mo kinakalimutan ang nakaraan? May pa hide ka pang nalalaman, aba mabuti pa ako, taon-taon naalaala ko lahat, nag she-shared memory ako, anniversary, birthday, holiday, pagligo sa beach, pagtravel, pagmo-mall, family bonding, aba pati yata pagmumura at tsismis mo sinishare ko din, tinatago ko yan pero pinapaalala kita taon-taon diba? pati pa nga death anniversary, birthday sa heaven walang kawala..marunong kasi akong lumingon sa pinanggalingan, e ikaw anong ginagawa mo, pilit mong kinakalimutan ang masasayang alaala at pait ng nakaraan..life is not perfect tandaan mo iyan, at sabihin ko sa iyo wag ka nang magsasayang ng pera sa pagreretoke kasi lahat ng anggulo ng larawan mo meron ako mabuti lang ngayon me filter na kasi dati lagi mo akong naalaala kahit anong oras at kahit anong hitsura mo, maligaya ka man, malungkot kahit ano ang iyong nararamdaman, ako ang una mong naalala, kahit sa pagtulog mo may pa goodnight ka pa , paggising mo aba'y lagi mo akong tsini-check..for good na ba yan o bitter ka lang?..bahala ka kahit itong post ko ay ignore mo lang, hide pa..pero promise nandito lang ako lagi kung gusto mo akong makasama...basta ingat ko at behave na 2023 na ohā£ļøpero mas masaya ako siguro kung basahin mo 'to at share din sa iba malay mo, maintindihan ka nila, di ba?
To: Account Moā£ļø
From: Social Media
good vibes lang 'toā£ļø