Author Cathy

Author Cathy lover
Writer
Pen Name: Cathy

PROMOTING!!!!!!! TITLE: MY POSSESSIVE BILLIONAIRE HUSBANDAUTHOR: CATHYEXCLUSIVELY https://m.goodnovel.com/book_info/3100...
26/01/2024

PROMOTING!!!!!!!

TITLE: MY POSSESSIVE BILLIONAIRE HUSBAND
AUTHOR: CATHY

EXCLUSIVELY

https://m.goodnovel.com/book_info/31000630779/Romance/My-Possessive-Billionaire-Husband?shareuser=10204288&ch=apps&channelCode=GNFX00004

Ashley delos Santos POV

"Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation sa lugar na ito?" agad na wika nito ng makalapit sa akin. Agad naman nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano ang palagay niya sa akin? Pulubi? Sabagay ganoon na din siguro kasi nasa isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Kapag hindi ako matangap dito tiyak sa kalsada ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa naman dito sa Maynila.

"Mag-aappy po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko kasi sa newspaper na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob. Kailangang-kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Galing pa po ako ng probensya." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan kong tarayan baka masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko.

"Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam mo bang nagkakagulo sa loob ngayun?" sagot nito.

Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi pwedeng hindi ko makausap ang may-ari ng bahay ngayun. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na akong pera para bumalik dito." prangka kong sagot kay Manong Guard. Natigilan naman ito at muli akong tinitigan.

"Hindi ko alam kung iinterviewhin ka ngayun ni Madam. Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan." sagot nito. Agad naman akong kinabahan pero lalo akong kinabahan ng maisip ko na isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Gigi na walang nangyayari sa lakad kong ito.

"Subukan niyo lang Manong. Maawa ka naman sa akin. Sabi kasi dito sa nakasulat sa newspaper pwedeng pumunta dito anytime ang applicant." nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga bago tumango.

"Sige na nga. Sa Mayordoma na lang kita dadalhin." wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga nakikita akong magandang decorations sa loob at parang may gaganaping party.

"Kasal kasi ngayun ng kaisa-iang apo ni Madam Agatha na si Sir Ryder James Sebastian. Kaya lang tumakas ang bride kaya nagkakagulo ang mga tao sa loob." Bulong sa aking ni Manong Guard. Napataas naman ang aking kilay dahil sa narinig. Napaigtad pa ako ng may sumigaw sa loob ng bahay kasabay ng pagkabasag ng kung ano.

"Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko!. Baka pati ako maputukan ng galit ni Madam. Halika Ineng..hanapin natin ang Mayordoma at siya na ang bahala sa iyo." tarantang wika nito at mabilis na naglakad. Akamang susunod ako dito ng may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Who are you?" tanong nito. Natigilan ako at dahan dahan na lumingon. Tumampad sa akin ang seryosong mukha ng medyo may edad ng babae. Nakataas ang kilay at handang mukhang handa ng manlapa ng tao. Tadtad ng alahas ang buo nitong katawan habang may isang naka-uniform na babae sa likod nito. Napalunok ako bago sumagot.

"Mag-aapply po sana ako bilang kasambahay Mam." kinakabahan kong sagot. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hangang baba. Para naman akong maiihi dahil sa nerbiyos.

"Perfect! Why not!" Kapagkwan ay wika nito sa malakas na boses. Muli akong pinasadahan ng tingin habang may naglalarong ngiti sa labi. Napalunok ulit ako ng makailang beses habang hindi ko na maiwasan pang panginigan ng tuhod.

"Sumunod ka sa akin. Gusto kitang makausap sa loob." wika nito at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay. Binalingan ko muna si Manong Guard pero sininyasan niya ako na sundan ang matandang babae. Ilang beses pa akong napabuntong-hininga at nagpasayang sundan ang matandang babae. Hindi naman siguro ito bampira para sipsipin ang dugo ko sa loob.

Hindi ko maiwasan na mamangha ng makita ko ang nagagandahang nakadisplay dito sa loob ng bahay ng pagkapasok ako. Napatingala pa ako sa isang malaking nakasabit na chandelier. Nagkikintaban ang parang diyamante na nakasabit dito. Diyos ko..sana matangap ako sa trabahong ito dahil mukhang mayaman ang magiging amo ko... Maranasan ko man lang sana akong tumira sa ganito kagandang bahay kahit na pagiging katulong lang ang magiging papel ko.

Napansin kong umupo sa isang mahabang mesa ang matandang babae at sininyasan akong lumapit. Kimi naman akong lumapit dito habang nakayuko.

"Ten Million Pesos...kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!' Narining kong wika dito. hindi ako umimik dahil mukhang hindi naman ako ang kanyang kausap. May ibang mga tao pa dito sa kinaroroonan namin kaya patuloy lang akong nakayuko habang tahimik na nakikiramdam.

"What is your name?" napaigtad pa ako sa malakas na boses nito kaya naman pautal-utal akong napasagot dahil sa nerbiyos.

"Ashely po! Ashley delos Santos.'' bakas ang nerbiyos sa boses kong sagot.

"Ashley..narinig mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina? Sabi ko Ten Million kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!" wika nito. Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig. Hindi ako makapaniwa.

"Eeerrr Mam, katulong po ang ina-aplayan ko. Hindi po para maging asawa." nanginginig kong sagot. Natigilan ito at seryoso akong tinitigan. Pagkatapos ay gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito.

"Naghahanap ka ng pera diba? Bibigyan kita ng Ten Million pesos ngayun din pakasalan mo ang apo ko!" ulit nito. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para masigurado kong nanananginip ba ako

"Lorna, kunin mo ang tseke sa kwarto!" narinig kong utos nito sa babaeng nasa likod nito. Agad naman itong tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Madam habang hindi inaalis ang titig sa akin.

"Tumakas ang bride ng apo ko. Naka-set na ang kasal mamayang alas tres ng hapon sa garden. Napansin mo naman siguro ang mga decoration sa labas diba? Hindi ko maatim na mapapahiya ang apo ko sa madla dahil sa kagagawan ng malading si Ingrid. Kaya pumayag ka na, after ng kasal malaya ka ng bumalik sa pinggalingan mo dala ang pera na ibabayad ko sa iyo." mahabang wika nito. Halos hindi naman ako makapaniwala sa offer na binibigay nito sa akin.

Kung sakaling papapayag ako ng maikasal sa apo nito tiyak na maggiging instant millionaire kami sa probensiya. Mabibili namin ang isang lupain na binibenta ng aming kapitbahay. Hindi na din kailangan pang mamasukan akong katulong dito sa Maynila at maipagpapatuloy ko na ang aking pag-aaral.

"Ehhhh Mam, baka naman po scam ito ha?" wala sa sarili kong sagot. Huli na ng maisip ko ang bagay na iyun kaya naman agad akong napakagat ng aking labi. Minsan talaga ang bunganga ko hindi mapigilan.

"Dont worry...this is not scam Ashley. Ihahanda ko na ang tseke ngayun din at isuot mo na ang damit pangkasal na para sana sa lintik na Ingrid na iyun. Wala ng panahon pa para sa mahabang pag-uusap na ito. Sabihin mo sa akin kung pumapayag ka at susulatan ko na ang tseke na ito kapalit ng pagpayag mong maikasal sa apo ko. Sa nasabi ko na, after the wedding, malaya kang makaalis sa lugar na ito na parang walang nangyari dala ang ibinayad ko sa iyo." nakangiti nitong sagot. Halatang magaling mangumbinsi si Madam. Kanina lang ay halos gusto na nitong kumain ng tao at bumuga ng apoy dahil sa galit ngayun naman parang ang bait-bait nito. Wala sa sariling napatango ako.

Choosy pa ba ako? Pera na ito! Matutupad lahat ang pangarap ko kung sakali. Magiging proxy lang naman ako sa kasal na ito at tsaraan instant milyones na! Para akong nakajackpot sa lotto kung sakali.

"Great! Since nagkasundo na tayo, ibibigay ko na sa iyo ang kabayaran. Baka maging busy ako mamaya at makalimutan kong ibigay sa iyo ito. Gusto ko lang din ipakita sa iyo na may isang salita ako Ashley!" Wika nito at agad na sinulatan ang tseke na ibinigay kanina ng kanyang kasambahay. Napalunok ako ng makailang beses ng makita ko mabilis nitong pagsulat at pagpirma.

This is it pancit! After ng kasal, mayaman na kami! Uuwi agad ako ng probensiya pag-alis ko dito. Itetext ko na lang si Gigi na hindi na ako makakauwi sa kanila dahil baka matuluyan akong magahasa ng asawa niyang addict.

"Here! take this! Ten Million Pesos no more, no less!" Nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng tseke. Nanginginig naman ang aking kamay na inabot ito at agad na ipinasok sa dala kong bag.

****

Para sa buong kwento paki-click ng link😊

https://m.goodnovel.com/book_info/31000630779/Romance/My-Possessive-Billionaire-Husband?shareuser=10204288&ch=apps&channelCode=GNFX00004

TITLE: MY INNOCENT ALENAAUTHOR: CATHY                 Paano kung malaman mo na isang malaking kasinungalingan lang pala ...
21/01/2024

TITLE: MY INNOCENT ALENA
AUTHOR: CATHY




Paano kung malaman mo na isang malaking kasinungalingan lang pala lahat?

Na pinaglaruan ka lang ng taong mahal mo?

Alena Reyes, maganda, inosente at maraming pangarap sa buhay.

Labis na nagtiwala at nagmahal sa taong akala niya ang ibibigay ang langit. Pero sa huli nalaman niyang isa lang malaking kasinungalingan ang lahat.

Dahil ang lalaking mahal niya ay pag aari na ng iba at ang masaklap pa dahil sa isang pustahan kaya siya nito pinatulan.

Makakabangon kaya sa pagkakalugmok ang isang Alena Reyes? Tunghayan natin ang kanyang kwento.

https://m.goodnovel.com/book_info/31000578285/Romance/My-Innocent-Alena-?shareuser=10204288&ch=apps&channelCode=GNFX00004

Buti pa sa GoodNovel marami na akong followers. Sa mga followers and friends ko diyan na mahilig magbasa. Visit niyo nam...
17/08/2023

Buti pa sa GoodNovel marami na akong followers. Sa mga followers and friends ko diyan na mahilig magbasa. Visit niyo naman po ang aking mga ebook sa GoodNovel App. Sa mga followers ko na mahilig magsulat diyan ng mga Novel. Try niyo pong magsubmit ng inyong entry.. Malay niyo baka maapproved din kayo.
Thank you!

Name:Cathy




08/07/2023

Tamang tambay muna sa terrace with my furbabies.
10:46pm


02/07/2023



 'Good Boys’I wonder where we could be going today? For a lovely long walk & maybe we can play.Daddy look at all these p...
17/05/2023



'Good Boys’

I wonder where we could be going today?
For a lovely long walk & maybe we can play.

Daddy look at all these people dressed in navy blue,
Do you think they'll stroke us & give belly rubs too?

Daddy why are you afraid, don't you think they want to have fun?
Why are they shouting at us, wait I think some of them have a gun.

Don't be scared daddy, we'll both bark & tell them to get back,
But I don't think they understand us, one of them said we're going to attack.

Take us home now daddy, to the safety of our bed,
They're shouting all around us, ones shot my brother in the head.

Don't they know we're good boys, maybe if I whimper & I cry,
I'm really scared now daddy, I'm far too young to die.

Then I hear a loud bang, I feel this burning inside me,
I'm struggling to hold on now, I'm struggling to see.

Why did they kill us, there really was no need,
They murdered us for no other reason, than we were both a bull breed.

But we're both in heaven now, there's lots of dogs & toys,
And God has gave us belly rubs, and told us we're both 'Good Boys'
💔

Author : Marion white
Artwork : Jerson Chavez

SIGN THE PETITION HERE:

Sign the petition here :
https://chng.it/pMLcxCSbdP

MINAMI RESIDENCES is surrounded by malls and commercial establishments. Situated at the heart of Arnaldo Highway, Gen tr...
16/04/2023

MINAMI RESIDENCES is surrounded by malls and commercial establishments. Situated at the heart of Arnaldo Highway, Gen trias Cavite. Be close to metro manila and the south.

MINAMI RESIDENCE'S
PRE-SELLING UNIT ‼️
RESERVE NOW 👍👌‼️

𝗡𝗢 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗗𝗢𝗪𝗡𝗣𝗔𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧❗️
𝗥𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗣𝗵𝗽 25,000.00

🏡HANNAH House Model

➡️Floor area: 54sqm
➡️Lot area : 80sqm
➡️3 bedroom
➡️2 toilet and bath
➡️ALL CORNERS
➡️QUADROPLEX UNITS
➡️PRE SELLING UNIT

📍Located at Purok 2 Brgy. Santiago, General Trias Cavite (Along Arnaldo Hi-way, besides Santiago Elem School)

Very accessible 👍
Complete Amenities 👍
Secured Community 👍
Very Affordable 👍

Financing thru:
BANK FINANCING
In-house financing

Direct Message me now 😊👍
For Viewing and tripping 👍📩

Address


Telephone

+639982534937

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Author Cathy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share