JINXX

JINXX Writer
Musician

05/02/2024

when party's over

You don't know how plenty I bleed while crying under my bedside table, where I first received your deafening silence tha...
08/11/2023

You don't know how plenty I bleed while crying under my bedside table, where I first received your deafening silence that night. Something, or maybe someone, died in that moment. My merciless demons are awakened, ready to unleash the wrath they've kept for years. So I poured my last ounce of strength, breathed the last air of my lungs just to stop them because I don't want you to experience their chaos.

As I stand; bleeding the day after I fought a war with myself, I still managed to smile in front of my friends. But little did they know, I'm carrying out our apocalyptic world that we created on my shoulders, just like Atlas did. Grasping the beauty of the aftermath of chaotic events that happened, I just continue to keep moving forward. And as if I have a choice to stop, but you just passed me by like nothing happened.

The idea of you shatters me into pieces because you exist, but I cannot have you. I always look around when I hear someone calls your name because now there's nothing I can do but admire you from afar. Drifting away from my own astral plane of existence; a delusional who always daydream that in another lifetime, I would have really liked just doing laundry and taxes with you.

The poems I wrote when you were sleeping -jinxx.

Ikaw ang tanging kahinaan, iniwan nang parang walang nangyari. Salat sa iyong pag tingin, tataghoy na lamang sa hangin, ...
04/11/2023

Ikaw ang tanging kahinaan, iniwan nang parang walang nangyari. Salat sa iyong pag tingin, tataghoy na lamang sa hangin, aasang dumaloy sa iyo ang aking mga daing. Naka tayo sa dulo ng bangin, na sa pag pitik ng aking sistema na tumalon, nag babaka sakaling nariyan ka para ako ay iyong sasaluhin.

Tanga-tangahang nag bubulag-bulagan, tinatanggi na hindi ka na sumasagi sa aking isip kahit minsan, simula noong ako'y lisanin. Hangal kong aaminin na sa umaga'y naka ngiti na para bang walang dinadalang mabigat sa dibdib, ngunit sa pag sapit ng gabi'y mag isang umiiyak sa kwarto nang palihim.

Nalulunod na matutulog sa ideyang hindi ka na babalik, gagaan ang pakiramdam sapagkat makikita ka sa aking panaginip. Ngunit ako'y hahatakin mula sa pag dedelusyon at babalik sa reyalidad, gigising na may luha sa aking mga mata habang dadamdamin ang iyong pag ka wala.

-mga na sulat kong tula habang tulog ka, jinxx

the once you called home. Will release the track soon!!
12/09/2023

the once you called home. Will release the track soon!!

"gusto kita""anong gagawin natin sa ideya na gusto mo ako?"Akala ko kasi parehas tayo, lalo na sa mga pinapakita mo sa a...
15/03/2023

"gusto kita"
"anong gagawin natin sa ideya na gusto mo ako?"

Akala ko kasi parehas tayo, lalo na sa mga pinapakita mo sa akin. Masyado lang ba akong nag padala at binigyang kahulugan ang lahat? Sana nga ganon na lang kasimple yun, ang iyong mga haplos, mahigpit na pag yakap, at pagkanta mo sa akin sa gabi hanggang sa mawala ang aking lungkot.

Akala ko dun na natatapos yung ideya na gusto kita. Ang hirap ipagkibit balikat lahat ng yun, kasi unti-unti na akong nahuhulog sayo. Tumingin ka sa malayo at tumahimik, inaya kitang tumayo para ihatid ka sa susunod mong klase upang mabasag ang katahimikan, at umasa akong makakalimutan ang ating mga pinag usapan sa oras na itapak mo ang iyong mga paa sa pinto ng silid nyo.

Simula noon nag karoon na ng takot sa aking loob, naging matanong, at palaging nangangamba. Hindi ko alam kung ano pang meron ako sa kinabukasan, wala akong magawa kundi tumaghoy sa hangin. Parang tangang mag sasalita, at mag iintay ng tugon kahit alam kong wala namang dadating.

Ang hirap maging kampante sa kung anong meron ako ngayon, dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin matapos ng masalimuot na gera sa aking isipan, habang bitbit ko ang bigat sa aking puso. Lalo pa't hindi ako nakaapak sa konkretong sahig na kinakatayuan ko ngayon.

-chΔmber

15/01/2022

sparks|coldplay (short cover by me.)

lines left unsaid. 082221
22/08/2021

lines left unsaid.
082221

01/08/2021

rain. by me

11/01/2021

listen before i go (short cover) —jawem

NARARAHUYO SERIES  #5TinatangiAki'y sinimulan at walang planong tigilan, pero'y hindi laging komportable ang daan. Hindi...
12/11/2020

NARARAHUYO SERIES #5

Tinatangi

Aki'y sinimulan at walang planong tigilan, pero'y hindi laging komportable ang daan. Hindi makukumpleto ang ating kwento kung walang pag subok na mararanasan. Selos,pagkukulang,pagiging abala,at pag hihinala. Ilan lamang sa mga hadlang na minsa'y nagtutulak ng ating hiwalayan. Bakit ganyan? Bakit ganito? Bakit siya? Bakit walang pasensya? Bakit may nangaakit ba? Lima lamang to sa isang daan na bakit ngunit wala akong balak na sa aki'y ika'y mawaglit. Marami balakid at ang dating puno ng sigla ngayo'y tila nawalan na ng gana. Ang daming tanong ngunit walang sagot, walang gustong managot, pero sabi nga ni Andres kay Oryang "hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw at katahimikan.",hindi kita inibig para lamang punan ang kalungkutan inibig kita para sabay nating lakbayin ang daang walang hanggan.Pero heto na naman tayo bumabalik sa mga away at pag tatalo kaya minsan ko nang tinanong sayo na ang mga katangang ito kahit alam ko naman ang sagot, paano nga ba matatapos ang pagmamahalang kapos? Wala ,walang sigurado,walang aprubado,walang diretso ang mahalaga'y pursigido sa pagmamahal na sinimulan at walang dulo. Hawakan mo ang kamay ko , wala mang karapatan na mangako pero pangako. Ikaw parin ang mamahalin ko hanngang sa mapatid ang aking huling hininga, ikaw at ikaw ang aking sinta.

-jawem

NARARAHUYO SERIES  #4TananIsa dalawa tatlo. Gasgas na sa gantong larangan ng panitikan ngunit bago lamang sating pagmama...
10/11/2020

NARARAHUYO SERIES #4

Tanan

Isa dalawa tatlo. Gasgas na sa gantong larangan ng panitikan ngunit bago lamang sating pagmamahalan. Oo tama, ngayon ang araw ng aming unang pagkikita. Sa hilo ng sasakyan ay hindi maitatanggi ngunit puso'y may galak sapagkat iyong mga kamay ang makakanti. Papalapit na ng papalapit puso'y hindi na kailangang ipilit. Sa unang pagkakataon ay buo ng kaba at takot sa aki'y bumabalot.Ilang sandali nalamang ang aking iniintay para masilayan ang gawa ng iyong inay at itay, ang babaeng nagturo sa akin na muling umibig at ang gumising sa pagkakahimbing ng puso kong natutulog. Salamat at ika'y nandito na, at sana'y ikaw ay masaya dahil ako'y nandito na. Sabay nating bubuoin ang pinangarap nating mundo para sa ating dalawa. Para lamang sating dalawa.

-jawem

NARARAHUYO SERIES  #3SilakboRumaragasa ang sinag ng araw sa umaga na sa aki'y gumigising. Hulyo ang ika-pitong buwan ng ...
05/11/2020

NARARAHUYO SERIES #3

Silakbo

Rumaragasa ang sinag ng araw sa umaga na sa aki'y gumigising. Hulyo ang ika-pitong buwan ng taon at ang oras ay patuloy na lumilipas tila'y di mo mamalayan ang takbo ng bawat segundo't minuto. O ka'y sayang gumising kung ang pagmamahal mo ang kapiling. Malayo man sa isa't isa ngunit puso'y di mapipigil sa pagmamahalan. Sa distansya'y di magpapasupil, ngiti mo ang tanging sagot sa tuwing ako'y nauubos, at ikaw ang rason ng aking mga panaginip. Ang bilis ng panahon na para bang tayo ay hinintay ng pagkakataon. Sakit ay nag laho, kasiyahan at pagmamahal ay di na mapipigil pa. At sa wakas dumating kana, ang matagal kong iniintay na prinsesa.Hindi ko kayang ipangako sayo na susungkitin ang mga buituin bagkus ako'y mananatili at mananatili hanggang sa huli. Ngayong nandyan kana ako'y hindi na mawawala pa.

-jawem

NARARAHUYO SERIES  #2OrasanAraw,lingo,buwan, tila ang panahon ay para isa lamang parte ng nakaraan. Ang sakita't pighati...
04/11/2020

NARARAHUYO SERIES #2

Orasan

Araw,lingo,buwan, tila ang panahon ay para isa lamang parte ng nakaraan. Ang sakita't pighati ay napapawi na ng galak at ngiti. Oo,ikaw at ako. Sa laban nato ikaw ang gusto kong ipanalo. Wala ng babalikan ngunit kailangan lumingon sa pinangalingan,handa at buo na ang aking loob na haharapin ang kinabukasan habang mahigpit na hawak ang iyong kamay. Unti-unti,dahan-dahan na lumiliwanag ang daan patungo sa tunay na pagmamahalan. Mabilis? Mapusok? Marupok? Bagamat madaming tanong ngunit, oo lamang ang sagot. Nandito na ang taong handang tuparin ang mga pangako na napako. Oo nandito at handa na ko harapin ang pag mamahalang pinagtagpo.

-jawem

03/11/2020

kape *short version(original) -jawem

NARARAHUYO SERIES  #1MarilagMata'y naka tulala,Hinihintay na ang gabi ay kainin ng liwanag. Naririto ako sa madilim na s...
02/11/2020

NARARAHUYO SERIES #1

Marilag

Mata'y naka tulala,Hinihintay na ang gabi ay kainin ng liwanag. Naririto ako sa madilim na silid,sa paligid na malamig. Hawak ang telepono ng may nakita akong kumukurap kurap na bituin. Ikaw ay sawi sa gitna ng gabi. Ito na siguro ang pagkakataon na binigay ng tadhana para ang ipahayag sayo ang iyong matagal nang hinahanap. Luhaan dinurog at niloko, sarili'y sinisi sa pag ibig na puro panloloko. Inanod sa pagmamahal at nalunod sa dagat ng salitang ika'y kanyang mahal. Ngunit,nandito ako para ika'y sagipin. Nandito ako handang makinig sa iyong mga hinaing. Nandito ako handang sumagupa sa delubyong parating sa iyo. Nandito ako handang pumawi sa mga luha mo. Nandito ako. Nandito lamang ako

-jawem

"Takip-silim"Palagi akong dinadala ng aking mga paa kung saan nating sabay pinapanuod ang pag lubog ng araw. Ikaw ang na...
09/10/2020

"Takip-silim"

Palagi akong dinadala ng aking mga paa kung saan nating sabay pinapanuod ang pag lubog ng araw. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano pagmasdan ang ganda ng isang bagay kahit alam mong ito'y mawawala't matatapos

Sabi mo sa akin hindi dapat tayo nag mamadaling mag paalam sa ganito kagandang pangyayari. Simula non nakasanayan na nating pagmasdan ang kagandahan ng bawat takip-silim.

Isang araw nabalitaan ko na lamang na umalis ka na, wala kang iniwan kundi mga alaala at kung paano sulitin ang karilagan ng bawat sandali. Gusto kitang hanapin ngunit wala akong ideya kung saan magsisimula.

Kaya naman nag tungo ako sa ating tagpuan, dito mo tinuro sa akin kung gaano kaganda ang isang paalam. Lagi akong bumabalik dito para panuorin ang takip-silim, dahil ito lamang ang iniwan mong alaala sa akin.

-jawem

"padayon"Paano na kung naging kulungan ang langit na dating sabay niyong nililiparan, ibubuka mo pa kaya ang iyong pakpa...
08/10/2020

"padayon"

Paano na kung naging kulungan ang langit na dating sabay niyong nililiparan, ibubuka mo pa kaya ang iyong pakpak para sya'y sagipin?

Kaakibat ng iyong muling paglipad ay ang pag bagsak, ang masidhing apoy ay lalong liliyab. Ngunit kakalat ang abo sa tagpuan na naging inyong tahanan.

Sabihin na natin ang pag-ibig ay mag aalab, pero sa isang igplap ang lahat ay huhupa, mawawala, at ang isa sa inyong dalawa'y magsasawa.

Kaya muli kitang tatanungin, liliparin mo parin ba ang langit kung ito'y naging isang kulungan na? Siya'y iyong sasagipin ,ngunit sinong handang sumagip sa iyong kasawian?

-jawem

"alon"Walang salitang namutawi sa aking bibig, habang pinapanuod kita kung paano mo ako lisanin. Ako'y lutang umaasa na ...
30/09/2020

"alon"

Walang salitang namutawi sa aking bibig, habang pinapanuod kita kung paano mo ako lisanin. Ako'y lutang umaasa na sana'y panaginip lamang ang lahat ng ito, ngunit nagkamali ako. Ang daling maging kampante sa pag aakalang ikaw at ako hanggang sa huli.

Sinubukan kong balikan ang dagat, kung saan ko kinekwento ang lahat. Minsan ko naring pinangarap na dalhin ka dito, sabay nating papanuorin ang paglubog ng araw, pagmamasdan ang kagandahan ng kalawakan, at ikukwento natin sa buwan kung paano natin natagpuan ang isa't isa.

Ngunit sinampal ako ng masakit na katotohanan na wala kana, patuloy ko nalamang binabalikan ang planong di na natin magagawa. Lumuluha ang kalangitan at humahampas ang malakas na hangin sa aking mukha. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam na damayan ng isang kaibigan.

Payapa na ang karagatan, parang hindi dumaan ang isang malakas na unos. Ang sarap palang patulugin ka ng sarili mong pag iyak, mahahanap mo ang kapayapaan na matagal mo ng inaasam. Ngayon masasabi ko nang minsan kang naging akin. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para isuko na kita sa panahon.

-jawem

"Gunita"Kasing bilis ng hangin nung ika'y umalis, damang dama ko pa rin ang sakit at hinagpis. Bakit tila di ko namalaya...
29/09/2020

"Gunita"

Kasing bilis ng hangin nung ika'y umalis, damang dama ko pa rin ang sakit at hinagpis. Bakit tila di ko namalayan ang oras, oh bakit mo sa kin ito pinaranas. Kala ko ba'y sabay natin sasalubungin ang bukas?

Pinaramdaman mo sa akin kung gaano kasaya palipasin ang araw na kasama ka, ngunit bigla nalamang itong nawala nang piliin mong lumisan. Lumipas ang mga gabi na hindi tayo nag uusap, dumaan ang mga linggo na wala ka sa aking tabi, at sa huling buwan ng taon pinipilit kong ngumiti habang ako'y durog na durog sa iyong pag alis.

Hindi nagtagal unti unti nang nawawala ang binigay mo sa akin na pag asa, minulat mo ako sa reyalidad na ako'y kamahal mahal ngunit ngayon muli akong pipikit habang lumuluha ang mata upang namnamin ang katahimikan na tanging iniwan mo sa akin.

Minsan na akong nawala sa aking loob, at ikaw lang ang nakahanap sa akin habang yakap yakap mo ako nang mahigpit. Masaya sa una ngunit unti unti nagkakaroon ng espasyo sa atin, napagtanto kona madaling sumaya ,ngunit paano mo ito papanatiliin? Ang daling maging komportable, ngunit hindi pwedeng maging kampante.

-jawem

27/09/2020

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JINXX posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share