03/11/2022
Napapabalita na magkakaroon ng bagong sparring partner si Manny Pacquiao na isang Vietnamesse Boxer, bilang preparasyon sa napapalapit na laban niya kontra South Korean Superstar DK Yoo sa Disyembre, ito ay isang exhibition matchup pero ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga solidong boxing fans sa buong mundo, ito kasi ang comeback fight ni sir Manny simulang noong natalo ito sa Cuban Welterweight Champion Yordenis Ugas nakaraang taon.
Patungkol sa bagong makakasama sa ensayo ng ating pambansang kamao ibinulgar ng VSP Promotions ni Robert Hill na si Dihn Hong Quan ng Vietnam ang sasampa sa kampo ni Pacquiao, si Quan ay ang kasalukuyang IBF Asia Lightweight Champion na naka eschedule na lalaban sa Disyembre kontra Arnel Baconaje na gaganapin sa Ho Tram Vietnam
Sa Eksklusibong panayam ng BBO Bagong Balita Online News Today kay Asst. Coach Neri “Nandito kami ngayon sa General Santos City kasama si Coach Buboy Fernandez para tutokan ang training ni Manny Pacquiao, balita ko yong Vietnamesse Boxer Dihn Hong Quan ay sasampa sa aming kampo kaso nasa South Korea pa siya sa ngayon nag-eensayo kaya baka hindi pa sigurado kung makakapunta na siya dito”
Dagdag pa ng batikan na boxing trainer ay nasa 80% na ang kondisyon ni Manny Pacquiao, mas lalong bibilis pa at lalakas pa habang papalapit ang mga araw ng bakbakan niya kay DK Yoo sa December 11.
Tumugon din ang Vietnamesse boxer sa mensahe na ating pinadala sa kanya, sinabi nito na hindi pa daw kumpirmado kung babyahe na ito sa Pilipinas, uuwi daw muna ito ng Vietnam pagkatapos ng kanyang training sa Korea “Due to my current schedule at Korea, training camp will end at mid November. After that, coming back Vietnam or go to Philippines, which ones still a mystery, i’m not sure about so cannot give you exact information. Also im curious about training at Mindanao with PACMAN. If I have an official training schedule in Philippines, i will inform you. Thank you for contacting, Best regards”.