07/12/2021
RA 9288- Newborn Screening Act of 2004.
📍Ginagawa ang Newborn Screening upang malaman if meron bang mga risk of heritable disorders. Ginagawa ito sa 48th- 72nd hours pagkapanganak pero ini-screen ito ulit pagkatapos ng dalawang linggo para sa accurate na result.
📍Kapag po kase na-screened si newborn, pwede po itong maagapan at maging normal.
🦶Paano ba ito ginagawa?----ginagamit po natin ang heel prick method dito upang makakuha ng drops of blood na galing sa heel ni baby at inilalagay ito sa isang special absorbent filter card. Ang dugong makukuha ay ipinapatuyo for 4 hours at ibinibigay sa NBS lab.
🏥Saan ba pwedeng gawin ang Newborn Screening?----- pwede naman po itong gawin sa hospitals, lying-in centers, RHU at sa mga health centers.
Ang result po ng Newborn Screening ay available na po within 7 working days pero if may increased risk of heritable disorders ay kailangan i-release ang result within 24 hours.
➖Kapag ang resulta po ay negative screen, ibig sabihin low risk lang po si baby na magkaroon ng disorder.
➕kapag naman po positive screen, meaning mataas ang chance na magkaroon si baby ng disorder na ini-screen sa kanya.
May anim po tayong disorders na kailangan ng Newborn Screening:
1. Congenital Hypothyroidism- kulang po or absent ang thyroid hormones dito sa CH which is kailangan po ito upang sa growth ng brain at sa katawan po. So, if hindi po na-detect at hindi na-replace ang hormone within 4 weeks pwede pong magkaroon ng stunted growth at mental retardation si newborn.
2. Congenital Adrenal Hyperplasia- kulang po ang salt dito, may dehydration at mataas po ang male s*x hormones dito both po sa babae at lalaki. So, if hindi na-screen at hindi naagapan ay pwede pong mamatay si newborn within 7-14 days po.
3. Galactosemia- Ang problema po dito ay hindi napa-process si galactose (sugar). So, kapag nag-accumulate ang galactose sa katawan pwede pong magkaroon ng liver damage, brain damage, at cataracts po.
4. Phenylketonuria- Hindi po properly nagagamit si phenylalanine dito at kapag nag-accumulate ang phenylalanine sa katawan po ay pwede pong magkaroon ng brain damage.
5. Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase deficiency- kulang po ng enzyme (G6PD) Ang katawan dito at kapag kulang po ay pwede pong magkaroon ng hemolytic anemia si baby.
6. Maple Syrup Urine Disease- Ang problema po dito ay hindi po ma-process ng katawan si amino acids. Pwede po itong ikamatay ni baby kaya po talaga kailangan ang Newborn Screening upang ito'y maagapan.