Mama Tarsi

Mama Tarsi A Mom sharing the joys and challenges of motherhood. For collab/promotion: 📩[email protected]
(6)

11/12/2023

Walang nanay nanay kay Rion basta't chicken fillet ng Mcdo😂 | Ganda ng isusuot ng mga kids sa kasal (Final Fitting)

Ate Riona's Sacrament of Confirmation
11/12/2023

Ate Riona's Sacrament of Confirmation

Seryoso? Bakit ba maaabutan mong laging walang laman ang mga lalagyan ng tubig sa ref? Kaumay na 🤣🤣🤣
09/12/2023

Seryoso? Bakit ba maaabutan mong laging walang laman ang mga lalagyan ng tubig sa ref?
Kaumay na 🤣🤣🤣

08/12/2023

Buti na lang may strand test, kung hindi magpapasko ako ng sunog ang buhok

Haje Salon

04/12/2023

Nagpunta kami sa Capital Town, isa sa mga pasyalan din dito sa Pampanga

04/12/2023
Kahit hindi puno ang wallet ko, punong-puno naman ang puso ko ng determinasyon na ibigay ang lahat para sa aking mga ana...
03/12/2023

Kahit hindi puno ang wallet ko, punong-puno naman ang puso ko ng determinasyon na ibigay ang lahat para sa aking mga anak

Atm 💕
02/12/2023

Atm 💕

01/12/2023

Kung nahahati lang ang katawan ko 😂 | May bagong books si Rion | Puwede pala na picture lang kung hindi dala ang PWD ID

30/11/2023

Sobra ka na talaga 2023!😭

"NAG-DIAPER PARIN KAHIT 5 YRS. OLD NA"Iniisip ko noon baka umabot pa ng ###XXL tong anak ko, nakadiaper parin 😅Bilang na...
29/11/2023

"NAG-DIAPER PARIN KAHIT 5 YRS. OLD NA"

Iniisip ko noon baka umabot pa ng ###XXL tong anak ko, nakadiaper parin 😅

Bilang nanay na may anak na may special needs, malaking struggle talaga ang pag-potty train sa kaniya. Hindi niya kontrolado kung saan siya aabutan.

Kaya naman mababa pa ang tiwala ko na hindi siya lagyan ng diaper kapag nasa labas kami ng bahay.

Hindi talaga biro ang tinahak namin para matuto siya na mag-we**ee kaya matagal bago ko bitawan ang diaper sa kaniya sa umaga.

Basang sahig, magpapalit ng bedsheet sa madaling araw, tambak ang labahin dahil sa basang shorts. Yan ang madalas na nangyayari sa amin sa araw-araw. Pero tiyaga lang hanggang sa matuto siya.

Nagstart na si rion kahapon ng no diaper pagpasok sa school, yung first day pa lang niya pero nakapagsabi na siya ng mag cr siya sa teacher niya. Masaya ako kasi unang una makakatipid na ako sa diaper, tapos may control na rin siya sa pag we**ee.

Sa ngayon ang small win pa lang niya ay sa pag-ihi. Kapag mag p**p siya nanghihingi pa rin siya ng diaper.

Kahit sabihin pa ng iba na madrama ako at knikwento ko pa 'to, ok lang kasi iba ang pakiramdam ng isang nanay na nagtiyaga at may nakitang nagbunga kahit maliit pa yan.

Dito ko nakita na basta ta-tiyagain mo lang talaga at magtiwala ka lang sa kakayanan ng anak mo, hindi siya imposible.

Happy 3,000 followers to me sa tiktok. Sobrang Thankful po ako sa inyo na mga followers ko dito sa facebook na nandoon d...
26/11/2023

Happy 3,000 followers to me sa tiktok.
Sobrang Thankful po ako sa inyo na mga followers ko dito sa facebook na nandoon din sa tiktok.
Sana dumami pa po 🥰

25/11/2023

Kasali sa entourage si Ate Riona at Rion | Pahirapan sa pagsukat kay Rion | Na-meet ko si Mommy Janelle

Had a quick but great time seeing you earlier! Let's plan a longer catch-up next time my virtual friend and an ausome mo...
25/11/2023

Had a quick but great time seeing you earlier! Let's plan a longer catch-up next time my virtual friend and an ausome mom too, Mommy Janelle Ourdevelopmentaljourney.💙 Hoping next time kasama na sina Mommy Yna Pedido and Mommy Ysa.

You can also follow them for more ausome tips.💙

21/11/2023

Parang last month lang hindi niya pa to alam. Ngayon kabisado na niya yung laro



"We are ready to give up everything, even our own happiness, for the sake of our children."*WARNING LONG POSTThis photo ...
21/11/2023

"We are ready to give up everything, even our own happiness, for the sake of our children."

*WARNING LONG POST

This photo was taken way back early 2021 at hindi pa diagnosed ang anak ko ng autism. Mga panahong ang dami ko pang time dahil ang nasa isip ko noon magsasalita din naman siya, antayin ko lang.

Nagumpisa ako sa pagluluto ng p**o, kutsinta then nag level-up sa crinkles then cinnamon bun. Naging raket ko din noong pandemic at malaking bagay noon dahil nakakadagdag siya sa pambayad ng bills.

Sobrang enjoy ako dito at naisip ko na ding gawing career ang baking. Dumami na din ang orders at nag level-up pa ako noon sa pag-gawa ng mga cakes. Self-taught lang ako at ang mga mentor ko ay mga food vlogger din lang na napapanood ko dito sa social media.

Hanggang sa hindi na ko mapalagay sa anak ko noon dahil napapansin ko talagang may something sa pagiging delayed niya. Kaya naman nung napacheck up na namin siya sa developmental pedia, hindi ako sobrang nalungkot kasi ang nasa isip ko "sabi ko na, tama ako".

Kaya magmula noon itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtutok sa kaniya. Para mas magimprove siya sa bawat araw. Sumubok pa din ako tumanggap ng mga gawa ng cakes dahil pangdag-dag din naman yun sa bayad sa therapies niya.

Pero hindi ko talaga siya mapagsasabay, lalo at kailangan tutok ako sa kaniya. Araw-araw may mga dapat akong iimprove sa kaniya at kailangan ng buong atensyon ko sa kaniya.

Mula sa pagkain niya, sa pagtoothbrush niya, sa pagdevelop ng confidence niya para makagawa siya ng mga tasks nang sarili niya at hanggang sa pagturo sa kaniya na malaman niya ang pangalan niya at ako ang MAMA niya.

Unti-unti na ko pinanghinaan ng loob ituloy tong happiness ko. Pero sa nakikita ko ngayon na marami naman siyang improvements, masasabi ko ng sulit na naigive-up ko itong passion ko. Hindi ko naman sinasabing tagumpay na kami sa journey na to, pero sa nakikita ko talagang kailangan niya ng full support and attention ko.

Kaya naman kung kapareho mo ako na nanay na may anak na may autism at kailangang igive-up ang career at passion mo para sa anak mo, isipin mo lang na may malaking kapalit ang ginawa mong sakripisyo.

Hindi man napapansin to ng iba o iisipin pang "sayang", ayos lang yun kasi hindi nila alam yung kasayahan na nararamdaman natin bilang nanay kapag may nakikita tayong improvements sa anak natin.

Kung nanay ka naman na napagsasabay ang career at pag-aalaga sa anak, sobrang saludo ako sayo mommy.

Hindi lahat ay kayang ipagsabay ang lahat, pero magkakaiba man tayo ng napiling approach, isa lang ang totoo:

"Kaya nating bitawan lahat, para sa mga anak natin"

19/11/2023

Pumunta kami sa isa sa mga TRENDING na pasyalan dito sa PAMPANGA

The Orchids Garden Resort

Sa mundong ito na magulo at minsan hindi patas, tandaan mo na you're one of a kind and special. Hindi lahat makakakita n...
19/11/2023

Sa mundong ito na magulo at minsan hindi patas, tandaan mo na you're one of a kind and special.

Hindi lahat makakakita ng ganda sa'yo, pero ang pagiging iba mo ang nagbibigay saya at kulay sa buhay.

Keep on shining, at lagi akong nandito para sa'yo.



Michelle Marquez Dee , your presence in the Miss Universe pageant was truly remarkable. Your grace and poise stood out, ...
19/11/2023

Michelle Marquez Dee , your presence in the Miss Universe pageant was truly remarkable.

Your grace and poise stood out, and it's inspiring how you're using the platform for meaningful advocacy, especially raising awareness for autism.

Your efforts contribute to a bigger conversation on inclusivity and empowerment, and that's truly commendable.

Maraming Salamat!

Pila na naman ng mahaba sa mga salon. Gugutumin na naman ako sa Rebond nito, ano kaya masarap baunin na food habang naga...
18/11/2023

Pila na naman ng mahaba sa mga salon. Gugutumin na naman ako sa Rebond nito, ano kaya masarap baunin na food habang nagaantay ng 5hours. 🤣

Fully supporting Ms. Michelle Dee in her important advocacy for autism awareness. Together, let's make a positive differ...
16/11/2023

Fully supporting Ms. Michelle Dee in her important advocacy for autism awareness. Together, let's make a positive difference. 🌟"Go Philippines!!!👑

Panalo ang pambato ng Plipinas na si Michelle Dee sa 'Voice for Change' online campaign ng Miss Universe 2023!

Dahil dito, makakatanggap ng pondo ang Autism awareness advocacy ni Dee.

Tuloy-tuloy naman ang rehearsals ni Dee para sa preliminaries at coronation night ng pageant.

15/11/2023

Kapag may errands ako, bitbit ko silang dalawa at walang pwedeng mapag-iwanan

Rion's 1st School ID.So happy na makita ang School ID niya. Lalo kong na feel ang na may pangalawang estudyante na ako. ...
14/11/2023

Rion's 1st School ID.
So happy na makita ang School ID niya. Lalo kong na feel ang na may pangalawang estudyante na ako. Parang kailan lang. 🥰

Raising a kid with special needs is a big journey. It needs lots of patience, love, and fighting for what's best. Parent...
12/11/2023

Raising a kid with special needs is a big journey. It needs lots of patience, love, and fighting for what's best.

Parents learn to understand and help their child in a special way. They also have to teach others to be kind.

It's not always easy, but it brings joy when the child does new things.



Pati pagsakay ng jeep ngayon pinagtatalunan pa namin mag-ina. Dapat ang paparahin ko daw ay yung modern jeep na aircondi...
10/11/2023

Pati pagsakay ng jeep ngayon pinagtatalunan pa namin mag-ina. Dapat ang paparahin ko daw ay yung modern jeep na airconditioned na tawag niya e "mini bus". Napaka-dalang pa naman dumaan nun, kaya dapat maaga kami lagi aalis ng bahay para may time para mag-abang at hindi kami ma-late.😅 Naaawa pa naman ako sknya pag ganitong mainit, pero super happy naman siya at enjoy na enjoy. Habang ako e hulas na hulas na sa sobrang init! 😂😂😂 Sayang ang pang-skincare!😁

Pichon (picture) ko daw siya. 😁💙
09/11/2023

Pichon (picture) ko daw siya. 😁💙

08/11/2023

Kasama namin si Ate Riona sa school ni Rion | nagluto ako ng sopas

Ang solusyon, paglaruin mo ng tubig. Sigurado titigil. 😁💙💙💙💙
07/11/2023

Ang solusyon, paglaruin mo ng tubig. Sigurado titigil. 😁
💙💙💙💙

05/11/2023

Back to regular program na ulit dahil tapos na ang very long weekend

Congrats po sa mga napili.🎉🎊 Pa-pm nalang po ako. Thank you 💙💙💙
04/11/2023

Congrats po sa mga napili.🎉🎊
Pa-pm nalang po ako. Thank you 💙💙💙

🕯🕯🕯
01/11/2023

🕯🕯🕯

30/10/2023

Walang kasawa-sawa sa Halloween Trick or Treat 😂

30/10/2023

Hi everyone! Happy Monday! Announce ko po sa November 4 ang tatlong tagapagmana ng mga books ni Rion.🥰

They both shine bright in my heart💙❤️
25/10/2023

They both shine bright in my heart💙❤️

23/10/2023

First Trick or Treat ng mga kids | Nabunot si Rion sa raffle | Ang daming candies

22/10/2023

Repacking of candies for trick or treat | Nakakawala ng stress pag ganito

21/10/2023

GRWM | namili ng candies for trick or treat | nag-mall ang mga kids

19/10/2023

Kagabi, parang in-avail ko ang 'No Sleep Sleepover Package' ng anak ko! Walang tulugan, walang pahinga, pero may libreng yakap at ngiti! 🥰😁

18/10/2023

Saan ba may kalapati?Jusmio!🤯 Super daldal na niya, minsan sa sobrang paulit-ulit di ko na alam isasagot ko.😅 | muntik pa kami pagkamalang akyat bahay

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mama Tarsi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mama Tarsi:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share