04/05/2022
Valorant Players for Leni!
Valorant Players for Leni
''Ang dami kong nababasa sa groups and comment section na huwag haluan ng politika ang VALORANT (kahit Genshin, League, DOTA, o CS:GO).
Bakit? Hindi niyo ba naiintindihan ang lore sa likod ng nilalaro niyo o hanggang putukan, barilan lang talaga ang nais niyo? May pinaglalaban din ang mga ginagamit niyong Agents. Hindi papangunahan ni Brimstone, Viper, o Sage ang VALORANT Protocol kung walang mali o anomalyang nangyayari.
Sa maliit na bagay, kahit papaano, nagawa kong pagbuklurin ang mga taong naglalaro rin ng nilalaro naming magkakaibigan. Sa maliit na bagay, alam namin na may pinaglalaban din kami. Sa maliit na bagay, sinasabi namin na kahit naglalaro kami, may pakialam pa rin kami sa nangyayari sa labas ng mga computer o console namin.
Sasabihin sa amin, "Ginawa ito for VALORANT related posts", teka, hindi ba VALORANT-related post yung mga placards na ginagawa namin? May mga customized placards pa nga that includes Viper, Sova, and Astra eh. Puro clips at ACE lang ba habol niyo, ayaw niyo bang nagkakaisa ang PH VALORANT players sa sa iisang hangarin Nagbuklod-buklod kaming mga VALORANT players kahapon para sa iisang bagay—Pagbabago.
Ang dami kong nakita kahapon na tuwang-tuwa kapag nakikita nila ang kapwa nila VALORANT player. Ang daming nagpa-picture, ang daming naki-GG, ang daming natuwa! May nga Genshin for Leni, DOTA for Leni, League for Leni; heck may Robredo Crossing pa nga akong nakita.
Everything is Political. Gusto lang din naming manalo, gusto namin na marinig kami na kahit puro VALORANT (o Genshin, League, Dota, CS:GO, Animal Crossing, APEX, Overwatch) ang ginagawa namin, meron at meron pa rin kaming pakialam sa nangyayari sa bansa. At pinaglalaban namin ang tama, katulad ng mga agents o champions namin, para sa amin at sa inyong lahat. ''
-Ian Canzon Ian Canzon
https://web.facebook.com/iancanzon/posts/5648108665203711
'