02/11/2022
"INVITE SANA KITA SA CHURCH?"
Salitang iniiwasan at tinatanggihan ng nakararami, ngunit di nila alam na para din naman yun sa kapakanan nila.
Bakit ang daming uri ng tao na pag inaya mo sa church ang bilis ka nilang tanggihan, pero pag inaya mo sa galaan mabilis pa sa alas kwatro ang yayaan.
Tipong sarili mo ng kaibigan ang inaaaya mo, sila pa yung unang mang rereject sa invite mo.
"Busy ako e, next time nalang."
"Try ko."
"Sorry may iba akong gagawin."
"Wala akong time e."
Ilan lang yan sa mga sagot nila once na in-invite mo sila. Oo masakit ma-reject, kung sa lovelife nga sobra kang nasasaktan pag nireject ka ng taong gusto mo, pano pa kaya pag si Lord na yung nireject mo?
Pero inisip mo ba yung nararamdaman ni Lord nung time na nireject mo yung invite sayo nung taong ginamit ni Lord bilang instrument para maka attend ka sa church? Naisip mo ba?
At naisip mo din ba,
PANO KUNG SI LORD NAMAN YUNG MAWALAN NG TIME SAYO?
PANO KUNG SI LORD NAMAN ANG MANG REJECT SAYO?
PANO KUNG SI LORD NAMAN YUNG NAGING BUSY?
PANO KUNG KUNIN SAYO NI LORD LAHAT NG BAGAY NA MERON KA NA PINAPAHALAGAHAN MO NG SOBRA-SOBRA? Naisip mo ba yun?
Kaya kapatid, pag may nag invite sayo wag mong i-reject dahil hindi lang naman yung taong nang invite sayo ang tinanggihan mo, kundi si Lord mismo ang nireject mo.
Sabi nga sa Bible "SEEK YE FIRST THE KINGDOM OF GOD AND HIS RIGHTEOUSNESS AND ALL THIS THINGS SHALL BE ADDED UNTO YOU." -Matthew 6:33
Kapatid, unahin mo si Lord at lahat ng bagay na pinapanalangin mo ay ibibigay sayo ni Lord, because JESUS IS OUR PROVIDER.
Yung strength, yung wisdom, yung healing, yung favor, yung blessing, yung protection, lahat ng yan ibibigay sayo ni Lord once na inuna mo sya sa buhay mo.
Kaya kapatid, mas pahalagahan mo yung mga bagay na may kinalaman kay Lord at hindi yung mga bagay na wala namang kabuluhan sa world.
KAYA WAG MONG I-REJECT SI LORD PARA HINDI KA DIN NYA I-REJECT.
HONOR GOD AND HE WILL ALSO HONOR YOU
JESUS LOVES YOU, GODBLESS!
—CTTO