14/01/2023
You might have read the news about a Pinay shamed for calling Charles & Keith a luxury brand.
Let’s talk about privilege. 🔥
1) We are both equal and unequal.
Nung college naalala ko before ng isang exam, wala kaming kuryente nun kaya tumambay ako sa Mcdo Katipunan.
Wala ako inorder buong gabi.
Naglakad lang ako mula bahay papuntang Mcdo kahit technically pwede ka magjeep.
Andun ako sa isang sulok kasi wala ako mabiling food duon at syempre nagpapasalamat ako na hindi nagpapaalis ‘yung staff dun dahil nga tambayan na rin talaga ng mga estudyante.
Nakapasa ako nuon.
Pero hindi ko maipaliwanag ‘yung pakiramdam na wala ako pamasahe at wala ako pambili ng pagkain kahit fries o sundae.
I wasn’t born privileged.
‘Yung kuryente na nakatulong sakin pagrereview nung buong ‘yun was a privilege.
Wala kami nun.
Equal naman kaming mga students na nagtake ng exam. Pantay-pantay lang na nagtake ng iisang exam.
Pero unequal ‘yung level ng preparation, tools at resources. Hindi sila pagod naglakad, makakabili sila anytime sa Mcdo. Hindi nila kailangan tumambay sa Mcdo buong gabi para mag-aral dahil may kuryente sila sa bahay.
2) To a privileged person, there are blind spots: He/She wouldn’t know about his/her privilege unless someone points it out to the person. Or only when he lost the privilege.
Hindi sila aware duon.
Hindi sila “villain,” masamang tao o greedy.
In fact, andaming pinanganak na mayaman na mabuti ring tao.
Pero hindi sila aware sa privilege.
I had a schoolmate in college from Cebu who has never ridden a jeepney.
Tuwang-tuwa siya nung nakasakay siya ng jeepney papuntang outreach.
When a friend of mine lost his scholarship when he failed to meet quota requirements, that’s when he realized that he has wasted such a rare privilege.
Hindi lahat ng tao buo ang pamilya at lumaki kasama ang parehong magulang. It’s a privilege we take for granted.
Hindi lahat ng tao nabibigyan ng opportunity magtrabaho. Marami man nasaktan sa post ni Donnalyn, maraming tao ang naghahangad ng trabaho pero hindi makahanap ng trabaho.
Hindi lahat nananalo sa lotto. Tapos kapag naubos lahat ng milyon, dun mo marealize kung gaano kalaking pera ang nasayang. In fact, most lottery winners became bankrupt in the end.
3) Attitude of Gratitude. Growth Mindset 🔥
Hindi nga ako makatapak nuon sa store ng Bench kasi hindi ako makabili.
Ngayon nakakabili nako sa Zara, Charles & Keith, Uniqlo.
Hindi nga ako makabili ng goto na may toppings dati. Basta lugaw at itlog lang.
Ngayon nakakabili nako ng Goto Supreme na Php95. Mahal, pero kaya na.
Hindi ko na kailangan pa tumambay sa Mcdo para mag-aral. Kasi ngayon, may kuryente na kami at nakakabayad na.
What happened to that teen girl opened our eyes to being grateful to people who help us, for opportunities coming our way, and for the life changes that are happening.
Appreciate na kaya na natin ang mga bagay na hindi afford dati.
Appreciate natin na dahan-dahan, nagbabago ang buhay natin. For the better. Umuulad tayo. Umuusad. ‘Yan ang growth na ineenjoy natin ang proseso.
4) Let people enjoy and have fun.
Minsan sa kagustuhan natin maging magaling, tama o may alam, may nasasaktan tayo.
Hayaan lang natin magsaya mga tao.
Minsan kasi, tayo mismo basag-trip sa happiness ng ibang tao.
5) Luxury is relative.
Luxury for me ang makatulog nang matagal bilang zombie ako.
Luxury for me ang makatravel sa iba’t-ibang bansa, dahil dati hindi ko nagagawa.
Luxury for me ang nakabili ako ng shih tzu na a*o dahil dati hindi ko afford ‘yun.
Luxury for me kapag ang sapatos lumagpas na ng Php1k. Dati kasi hanggang Php100 to Php200 lang kaya ko.
Iba-iba tayo ng definition ng luxury.
Bottomline, let’s be good stewards of everything we have.
Wala naman kasing talagang sa atin.
Everything belongs to God.