Spoken Poetry

  • Home
  • Spoken Poetry

Spoken Poetry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Spoken Poetry, Digital creator, .

28/07/2023

Sa pag pasok ko sa eskwelahan ay nakita ko ang babaeng mala anghel ang ganda

Ng masilayan ko ito ng paulit-ulit ay bigla akong nakaramdam ng kunting kirot sa puso ko na nag papahiwatig na gusto kita

Pero ako'y nag-isip kung sasabihin ko ba o ako'y mag paparaya

Nag karoon ako ng lakas ng luob para sabihin saiyo ang nararamdaman ko pero ako'y nag taka dahil sinabi mong ako muna ay iyong pag mamasdan

Ngiti ko'y abot langit dahil sa unang beses naramdaman ko na ikaw yung babaeng hindi mapili

Kung kaya't gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para LNG piliin mo

Jermey

28/07/2023

Minsan nakaka demonyo tlga,
Ang isang babaeng mala Anghel ang ganda.

Ako'y takot sa mataas kaya,
Nong ako'y nahulog sayo ay hindi nakapag handa.

Isang orhenalyong bato na nakatingala,
Na humihiling ka'y Bathala,
Na sana,
Masungkit ang isang katulad mong kumikinang na tala.

Minsan tlga hindi nakakatuwa kung mag biro ang tadhana

Isang torpeng makata,
Niratratan ni kupido gamit ang kanyang palaso at pana.

Pilitin mang maging walang hiya sa tulad mong babaeng marangya.

WLA!

Pagitan nating dalawa ay sobrang layo at malala.

Kahit gaano pako ka bihasa.
Tumula,
Tumahi ay tumugma.
Ng mga salita,
Ay walang kwenta kung ang estado ng buhay nating dalawa,
Ay sadyang mag kaiba.

Kaya!

Ikaw yung babaeng,
Habang buhay ko nalang papangarapin.

Isa kang pantasya'

Kase kahit pilitin,
Sabihin ang laman ng aking damdamin.

Ay WLA!

WLA talagang tyansa.

28/07/2023

Kalayaan
Sa isang maliit na kwarto
Doon nabuo ang aking kwento.
Kwentong tsak na ikakalungkot nyo,
Dahil doon nyo makikita ang bawat pag patak ng mga luha ko.

Sa isang tahanan na May malaking pamilya,
Problema'y hindi mo makikita.
Ngunit sa estado ng buhay na nakatala,
Problema sayo ang sisira.

Kalayaan, ayan ang aking hangad.
Kalayaan na pag gumising ay sya sanang bungad.
Ngunit kalayaan ba'y malalasap?
Kasabay ng pag abot ng pangarap.

Lumaya mula sa lungkot,
Na paghihirap saki'y nagdudulot.
Nais ko ng lumaya at makalimot.
Ngunit mundo'y tlgang napaka yamot.

Kailan ako sasaya,
Kailan, kaligayaha'y madadama?
Sapagkat ako'y sukong-suko na.
Sa sitwasyong aking tinatamasa.

Nais ko ng umalis sa kulungan,
Kulungan na ako LNG ang nakaka alam.
Nais maranasan ang kalayaan,
At alisin ang lungkot na dinaramdam.

Maawa ka sakin Amang May Likha,
Dahil ako'y mahina.
Maawa ka sakin
Dahil tsak na ito'y d na kakayanin.

Kalayaan, kalayaan lng
Ang nais kong maramdaman.
Kahit minsan, saya lamang ang maging lamang,
Sa sitwasyong akoy nasasaktan

Ako'y pakawalan
Pakawalan sa mundong puno ng kahirapan,
Sa pamilyang Puno ng sumbatan,
At kalungkutang d nasosolusyunan

- Jermey

28/07/2023

"Ikaw at ako"
Isa dalawa tatlo apat lima
Limang beses kung sinubakan
Limang beses din ako nabigo
Ang limutin ka yan aking pinangako
Ngunit ang tadhana ay talagang mapagbiro
Imbes na limutin ay muling pinagtagpo

Tuwa saya at kaba ay syang nadama
Tagal na panahon at ngayon ay nagkita
Pusong pinaglayo at oras na nawala
Nais na maayos at muling magsimula

Ngayon muli tayong pinagtagpo
Paghawakan lagi na ikaw aking mundo
D na papayag na muling magkalayo
Dahil tayo ang bubuo ng salitang ikaw at ako

- Jermey

28/07/2023

Tag ulan

Isang clema sa ating bansa na hindi mo maiiwasan

Ito'y nag dudulot ng pangamba sa kadahilanang pwde itong mag dulot ng sakuna

Nilalamig ang lahat subalit kumot lamang ang kasama

Wala man LNG mainit na yakap ang matanggap sapagkat walang shotang kasama

Sa ilang araw ng malakas na ulan ay pwdeng mag karoon ng baha

Maari kang lumikas subalit saan pupunta kung walang pamilyang pwdeng puntahan sapagkat ito rin ay nabaha

28/07/2023

Pansin
By: Jermey

May nakaagaw saakin ng pansin dahil sa Magagandang ngiti at nakakaakit na tingin Kaya hindi ko alam ang aking gagawin
Kung akoy magpapasikat ba para maagaw ang kanyang pansin

Dahil ang mga ngiti at tingin nya ay nakaka akit talaga
Kaya ako'y napapangiti pag nakikita siya
Pero natataranta pag lumalapit na
Kasi minsan ka lang makakakita ng diwata tulad nya

Oo, para siyang diwata na sa akin ay umaakit
O kaya isang anghel na bumaba galing sa langit
Kaya gusto ko siya kausapin pero ako'y 'di makalapit
Dahil natatakot ako na matakot siya sa katulad ko na pangit ( hahaha)

Kaya idadaan ko nalang siguro pagiging makata
Kung paano niya ako napasaya noong siya ay aking nakita
Para bang isang bulag na muling nakakita
Dahil pinagaling ng isang nakakabighaning diwata

Sana pagkatapos ng tula na 'to ako'y mapansin mo na
Dahil ang tangin intensyon ko lamang ay mapasaya ka
Walang hinihinging kapalit tanging ngiti mo lang talaga
Kasi ako'y napangiti mo na simula noong makita kita

28/07/2023

"Dalawa taon kapalit ay isang buwan"

Isang buwan ng nakakaraan
Mahigit linggo na din ang dumaan
Noon hanggang ngayon
Nanatili ang sakit na iyong iniwan

Dalawang taon tayo naging magkasintahan
Subalit linggo plang ang nakakaraan
Ang bilis mo lng akong napalitan
Subalit ngayon buwan na din ang dumaan

Bakas pa din sakin mukha
Ang sakit na iyong ginawa
Subalit mas pinili ko mag isa
Para sa iba'y hndi ako mag mukha tanga

Dalawang taon kapalit ay isang buwan
Hanggang ngayon ako'y nasasaktan
Sa katanongan tumatatak saking isipan
Bkit ang bilis mo ko palitan? Bkit hndi bko yung nandyan nung time mo ng malalapitan?

Kasing bilis Ng isang pag pitik
Ang biglaan mong pag alis at tinamaan ako Ng lintik
Nagmokmok sa gilid at hndi na makaalis
Nakulong ang sarili sa sakit at hinagpis

Habang ikaw ay nakukuha sumaya
Ako nman Ito si tànga iniiyakan Ka
Opss tika ,hndi ka pa pàtay
Pero sa isipan hndi kna buhay.

28/07/2023

" LIHIM NA PAG TINGIN '

hindi ko alam kung paanu nag simula
pag-ibig ko sayong sadyang kakaiba
nooy tila Hindi manlang kita nakikita
Ngayon pusoy kumakabog pag-anjan ka.

Araw Araw excited sa pag pasok sa eskwela
Ikaw lage Ang hinahanap at nais Makita
mga ngiti mong sakiy nagpapasaya
laging dinadalangin Ako sanay makita.

batid kung ikay pagmamay-ari na ng iba
ngunit di mapigilan Ako sayoy humahanga
kahit masakit patuloy na nagpapaka Tanga
nasasaktan tuwing na iisip Ikay pag mamay-ari na ng iba.

Ikaw sanay wag magbago sa akin
pag nalaman mong Ako sayoy may lihim na pag tingin
diko Kasi mapigilan Ang aking damdamin
puso ko sayoy nahuhulog narin.

pinipilit kalimutan pero dko malimutan
mga ala ala nating nakatatak saking isipan
gusto kita ngunit kailangang pigilan
iwasan at kalimutan ka ay kailangang matutunan
pagkat Ako sayoy kaibigan lamang

- Jermey

28/07/2023

"pasalamat"

Ma nag papasalamat ako sa lahat-lahat
Sa lahat ng inyong sakripisyo para mapag aral ako,
Wag kayong mag-alala dahil nag tatapos ako.

Mahirap man ang buhay pero pipilitin kong maabot ang aking mga pangarap para umangat tayo sa buhay.

Pasaway man ako subalit inintindi nyo parin ito,
Sanay hanggang sa pag tanda ko anjn pa rin kayo para maipag malaki nyo.

Ako'y dumadalangin sa mga na sana'y sa pag tanda ko anjn kayo na Naka ngiti at masayang pinag mamalaki ang anak nyo.

Ma salamat sa lahat-lahat ng ginagawa nyo

- Jermey (hindi man tugma ang aking tula ginawa ko NMN ang lahat para kayo'y mapasaya)

28/07/2023

Paubaya

Isang mahirap sa desisyon sakin dahil ikaw ay aking papalayaain.

Ayokong manguna subalit JN ka naging masaya,
WLA na akong magagawa kung kaya't akoy nag paubaya na

Masakit man para sakin, pero kelangan ko itong tanggapin

Paubaya
Pitong letra pero libo-libong sakit ang pinapadama

Sa bawat gabi n ika'y aking na aalala ako'y biglang napapaluha sa aking ginawang pag papaubaya

Mahal kita pero jan ka masaya kaya ako'y nag paubaya

Jermey (last spoken hehe binash nila ako huhu pngt daw ginawa ko)

28/07/2023

PAALAM

Huling salitang aking iniwan
Oh kay sakit pakinggan
Ngunit wala akong magawa kundi ang mag paalam
At lisanin ang taong pinahalagahan

Oh kay sakit ng aking nararamdaman
Tila ba ayaw ng lumisan
Sa ating nakaraan
Ngunit mali

Dahil kahit anong gawin ko ako'y sawi
akoy di na iibig pang muli
Dahil ang puso ko'y iyong dinurog at iniwan kung saan saan
Di man lang nagpaalam

Iniwan mo ako sa mundong tinayo mo
Hindi man lang inalam kung nasasaktan ako
Kung kaya ko
Iniwan mong luhaan ang puso

Kaya hito ako'y nagpapaalam
Kusang lilisan sa iyong harapan
Dala ang sakit na nararamdaman
Ng una mong sinaktan

Una kang umalis
Kaya't gustong iparamdam
Aking pighati
At di mo na masasaktan pang muli
Paalam
Masakit ngunit kailangan
At alam kong wala kang pakialam
Sa aking nararamdaman

Iba ang yung gusto
At hindi ako
Kaya't paalam
Sa ating pag iibigin

— Jermey

28/07/2023

Minamahal kita ng patago

Isinulat ni: Jeremy

Ako'y isang simpleng estudyante sa ating paaralan

Hindi ako sikat para LNG mapag laanan ng pansin

Unang pag pasok ko palang ay May nakita nakong mala anghel na diwata sa aking harapan

Ako'y napatulala at Naka nganga ng bigla mkong ngitian

Nakaramdam ako ng hindi maiwasang kilig,
Sa unang beses ako'y napa ibig muli

Sa dalawang buwan na ika'y aking kaklase tinago ko ang nararamdaman ko para LNG hindi ka lumayo

Subalit dumating ang araw na nalaman ko nalang na May nobyo Kana.

Ako'y Nawasak at napaiyak dahil ang aking babaeng pinapangarap ay napunta sa iba

Isang Linggo akong d nakipag usap dahil ako'y gabi-gabing umiiyak

Nabuhayan na lamang ako ng aking malaman na WLA na PLA kayo

Ako'y biglang umamin at napa ngiti ng sinabi mong ako'y gusto mo rin kaya ang dating lihim na pag tingin ay bigla nag bago sa d inaasahang pag amin

Address


Telephone

+639101707297

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken Poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Spoken Poetry:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share