03/04/2024
ISANG DALAGITA, NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO DAHIL SA OA NA PAGKANTA AT PAGBILI SA SHOPEE AT LAZADA
Sinampahan ng kasong Treblemakers, Harmony Heist, Tone Deaf Terrorists, Serial Adders to Cart, at Click & Grab Gang ang isang dalagitang nagkakasera sa Centro 02, Lasam, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Ma. Christina Manegdeg Molina, na mas kilala sa alyas na 'Mayyang'. Siya ay residente ng Sta. Margarita Baggao, at nag-aaral sa Cagayan State UniversityโLasam.
Matagal nang minamanmanan ng pulisya ang sobrang pagshoshopee, lazada, at tiktok ng dalagita. Dahil sa araw-araw at minu-minuto niyang parcel, naaktohan siya ng isang nakaduty na pulis na si Lieutenant General Crispin Basilio. Tinangkang tumakas ng suspek, pero timbog siya ng malakas na pwersa ni Lieutenant General Basilio. Dahil dito, sinampahan siya ng dalawang kaso: Serial Adders to Cart, Click & Grab Gang.
Sa prisinto napag-alaman ding siya ay dati nang kaso na tinakasan, ito ay ang Treblemakers, Harmony Heist, at Tone Deaf Terrorists. Ito ay isinampa matapos magreklamo sina Christlei Teppang ng Alannay, Rachelle Viernes ng Viga, Sheryl Ragutero ng Apayao, at Christian Joseph Laderas ng Calapangan. Ayon sa mga biktima, dahil sa sobrang ganda ng kanyang boses, naaggrabyado at nanliit sila sa kanilang potensyal sa pagkanta.
Sa ngayon ay nananatiling nakakulong si alyas Mayyang sa piling ng kanyang minamahal na si Crispin. Sa mga susunod na araw ay lilitisin na ang kanyang kaso sa Tawag ng Tanghalan sa Dogshowtime, Darp 6, Lasam, Cagayan.
Samantala, ang kanyang mga parcel ay maiiwan muna sa kanilang propyetarya habang siya nagsisiya sa kanyang kaarawan ngayon, April 03, 2024.
Ps. Sa babaeng sobra kung magshopee at maglazada; Sa babaeng sobrang mahimig kung umawit; maligayang kaarawan!