27/01/2024
Agay kol!🥴
Awareness (reposted)
nNueble | Marino Ph
ADMIN IM HIV POSITIVE 📍
Tama po ang nabasa nyo po at dito ko lng po ilabas sa MARINO PH, need ko po ng advice nyo po at ng followers nyo.
Ako po si IVAN at 4th Engr., 28 yrs old. Im from Roxas City po. To make the strory short, bumaba po ako ng Barko August 2022. After po ng report sa office namin nalaman ko po na marami akong training na kelangan tapusin prior po sa nxt employment ko (licensed and other COPS), hindi po muna ako umuwi ng Roxas, tinapos ko po lahat ng trainings ko (1 month), sa mga panahong iyan admin ang dami ko pang savings sa accounts ko, inom ditto, inom doon kasama ang mga tropa ko sa Dorm. Admin meron pala ako asawa, kaklase ko nung highschool at my anak kami isa. Nung sa Manila ako, napasama ako sa mga tropa admin which is kasamahan ko din sa barko. Evry week siguro trice or twice kmi sa Bar, im sorry to tell pero nakuha po kami ng babae… ako yung tao admin pag nalasing di ko na alam ang nagyayare…. Ilang beses ako nakuha ng babae (Mabini, nakpil or even X ko admin ditto sa Manila). Eto yung mga bagay na pinagsisihan ko which is ginagawa ko every baba….September admin nakauwi ako ng Roxas, sinundo ako ng asawa at anak ko ng Airport na my galak at pagmamahal at sapanahong iyon parang wala lng nangyare sa Manila…. Lumipas ang December, January at ngayong po tinawagan ako ng office na magmedical for my new vessel,.. March 13 2023 po Monday pinamedical po ako…. Sumabit po ako sa Dugo admin, tapos pina ulit ako ng Wednesday March 15, nung inabot sakin ng Doctor admin medyo naluha sya, at enexplained sa akin nga Positive ako HIV…. Parang tinakloban ako ng mundo.. admin nagpa second opinion po ako sa isang Malaking Hospital (positive parin ang results).
Admin , sobrang payat ko na admin.. kinatatakotan ko po yung asawa ko nilalagnat nung Decmber hanggang January at meron mga rashes. Isa pa sa problema ko po yung asawa ko po ay buntis na ng 2 mos…Naawa ako sa asawa ko, wala syang alam at biktima lang sya ng kagaguhan ko. Admin, minsan napapaisip ako kung tapusin ko na ang buhay ko.. di ko na alam ang gagawin ko… ngayon ditto ako sa isang boarding house bandang Nakpil Malate, sobrang payat ko na, lubog sa utang at lumalaban mag isa,. Maraming Salamat po sa inyo.
-ivan