Life Snippets

  • Home
  • Life Snippets

Life Snippets Sa dami ng naranasan ko sa buhay in the last 40 years, I think I should be compiling the lessons I learned, just in case it might be useful to other people.

Para sa mga senior citizens, sana makapag register po kayo sa survey ng National Commission of Senior Citizens para ma u...
15/01/2023

Para sa mga senior citizens, sana makapag register po kayo sa survey ng National Commission of Senior Citizens para ma update ang database.
Punta na lang kayo sa website nila. Or try nyo po kuha ng survey form sa barangay or cityhall nyo.



https://www.ncsc.gov.ph/

Office of the President National Commission of Senior Citizens

Praise God!!! 🙏🏼🙏🏼🙏🏼After ng ilang buwan na gamutan sa paa ni nanay, konti na lang at magsasarado na ang sugat nya sa pa...
08/01/2023

Praise God!!! 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
After ng ilang buwan na gamutan sa paa ni nanay, konti na lang at magsasarado na ang sugat nya sa paa. 😍 thank you Lord!!!!
Thank you rin sa mga tumulong, in cash, in kind, in service at higit sa lahat, sa mga prayers 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Sana masarap lagi mga ulam nyo at God bless sa ating lahat 🙏🏼🙏🏼🙏🏼


06/01/2023

Happy new year!
Pipiliin ko na lang na maging masaya kahit na mawawalan kami ng tubig mula Jan 7 hanggang Jan 9 dahil may maintenance ang deep well sa community namin. Option naman na magalit, mainis, pero bakit ko naman pipiliin yung ika-stress ng isip ko di ba?
Mindset lang yan. 😁

05/12/2022

Magpapapalit na kami ng bubong. After ~10years dito sa bahay. Pwede na rin, kasi ang tagal naman na ng 10years. Tumutulo na kasi lalo pag malakas ang ulan. Ang hindi ko pa ipapa gawa eh yung kisame. Meron ng mapa ng tubig na tumulo. Nakakatakot nung malakas ang bagyo, tumutulo na sa k**a and lumuluha na ng tubig ang mga pader namin 😭

Kailangan talaga meron kang nakatabing budget para sa maintenance ng bahay. Lalo mga emergency. Hanggang kaya, mag tabi para pag may emergency na kailangan irepair, hindi masyadong panic mode.

Aabutin ng 30K yung papalit ng yero. Kasama na lahat, labor, materials, pati maintenance daw in case na may tulo pag naulan.
Thank you Lord at may pampagawa ako 🙏🙏🙏


I'm on my third dose of anti-rabies vaccine. Ang kati, ang sakit ng bra*o ko. Kabilaang bra*o pa yan ha. Anyway, in case...
09/11/2022

I'm on my third dose of anti-rabies vaccine. Ang kati, ang sakit ng bra*o ko. Kabilaang bra*o pa yan ha. Anyway, in case makagat, makalmot or kahit magalusan kayo ng hayop (a*o, pusa, etc.) unang gawin eh linisan ng water and soap. Tas punta agad sa health center to get your anti tetanus and anti-rabies shots. Pero kung wala sa center nyo, google nyo animal bite center sa area nyo. Itong sa amin, nasa 550pesos ang per turok ng vaccine. Ka*o 4 na session yun. Wag iwala ang vaccination card na ibibigay. Dapat pare-parehong brand ang ituturok sa inyo. Itong sakin ang brand, Abhayrab.




30/10/2022

Magcocomplain sana ko ng long list ng nakita kong sira sa bahay namin habang umuulan kahapon. Pero nung makanuod ako ng news at marinig ko ang mga naganap sa mga bahay ng mga ibang tao, naisip ko, pause muna sa pag iisip ng mga problema na pang sarili. Ito yung time na kailangan ng unity. Regardless kung sinong binoto mo nung election, regardless sa mga opinion mo sa buhay, regardless kung anong hanash mo sa buhay, tumulong muna tayo sa abot ng makakaya natin.


Ang yabang ko, from hot water test lang to trying to cook caldereta agad 😂 Di bale, mababa expectation ko for this. Bast...
01/10/2022

Ang yabang ko, from hot water test lang to trying to cook caldereta agad 😂 Di bale, mababa expectation ko for this. Basta wag lang ako masabugan, tanggap ko kung papalpak to 🤣 Katamaran kasi mag YT ng recipe 🤦🏽🤦🏽🤦🏽

01/10/2022

Kahit hindi na achieved ang plano, kahit hindi na meet ang target, deserved mo pa rin mag unwind at magpahinga.
Be kind to yourself. 🫂

29/09/2022

Nakakapanghina naman kapag merong may sakit sa pamilya. 🥺

28/09/2022

Bakit pag kailangan kong punuin yung container for drug test, hindi ko mapuno. Pero pag sa bahay, ang dami kong wiwi ??? 🤦🏽🤦🏽🤦🏽

26/09/2022

Grabe si Super Typhon Karding 😱😭

Sana maka recover ang lahat from this disaster soon 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

The rare times I feel very very scared 🥺Yung nerbyos ko, parang nagbuo buo yung pandesal na kinain ko for breakfast. Huh...
25/09/2022

The rare times I feel very very scared 🥺
Yung nerbyos ko, parang nagbuo buo yung pandesal na kinain ko for breakfast. Huhu
Ilang linggo na tong Instant Pot sa bahay, hindi ko ginagamit. I watched a lot of how-to's pero kinakabahan pa rin ako 😭🥺

What's in the pot? Wala, tubig 750mL. Yes, sinukat ko pa talaga para sure na nasunod ko instructions sa manual. 😅

Nitong nakaraang Sabado, sobrang sakit ng likod ko. Masakit yung left arm pag inaangat ko. Tas paghiga ko sa bed, super ...
19/09/2022

Nitong nakaraang Sabado, sobrang sakit ng likod ko. Masakit yung left arm pag inaangat ko. Tas paghiga ko sa bed, super sakit lalo, hindi ako makatulog. Kaya sa kalagitnaan ng madaling araw, nag search ako sa YT anong magandang exercice para sa frozen shoulder. Ito yung nakita ko na effective. After ko sundan yung demo ni Doc Jun, naginhawaan ako. And then eventually nakatulog na ko.
https://youtu.be/fJzWzFnZZ90

Frozen Shoulder: Mabisang Lunas Ito Ang galing ng mga payo ni Dr Jun.Tips by Dr Jun Reyes (Physical Therapist in New York) and Doc Willie Ong ang ...

27/08/2022

Makakauwi na si nanay! Yehey! Thank you Lord!!! 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

Post ko later magkano ang total bill 😁

23/08/2022

Magkano ang REMDESIVIR sa Pilipinas?

7,350pesos 😱😱😱😱😱

23/08/2022

Ngayong umaga, nalaman namin na positive sa covid ang aming nanay na naka confine sa hospital.

Ano ang mga naging sunod na steps namin (not in the right order pero halos sabay sabay naman yan ginawa):

1. Lalong pa igtingin ang pag handwashing, pag susuot ng face mask, yung mga basic na tinuro.
2. Mag sanitize ng bahay.
3. Ipaalam sa mga malalapit na kapamilya at kaibigan (para sa close contact tracing)
4. Magpa swab test ang bantay ni nanay (para malaman kung kailangan din ba nyang mag isolate)
5. Ipaalam sa inyong BHERT (Barangay Health Emergency Response Team) ang inyong kalagayan at sa inyong community leaders para sa tamang aksyon para maiwasan kumalat sa inyong local na community.

22/08/2022

Gusto ko naman ishare sa inyo magkano ang mga gamot na naireseta sa akin.

Binili ko ito sa Mercury Drug ng August 22, 2022

Lagundi Capsule 600mg - 7.50pesos kada isang pira*o

Sinecod (Butamirate) 50mg - 20.00pesos kada isang pira*o 😱

Zykast (Montelukast Sodium Levocitirizine HCl) 5mg - 31.50pesos kada isang pira*o 😱😱

Zinnat (Cefuroxime axetil) 500mg - 67.75pesos kada isang pira*o 😱😱😱

Betadine throat spray 50mL - 562pesos 😭😭😭

Ang mahal po magkasakit.
Kaya nawa ay maging healthy tayong lahat palagi. 🙏🏼
Saka agapan po natin ang mga sakit kesa lumala,
Wag na wag po kayo mag self medicate, please lang po. Hindi po kayo nakakatipid nyan. Baka mas lalo pa kayong mapagastos.

22/08/2022

Dahil na check ko ang mga karaniwang symptoms ng may Covid:

✅ Lagnat
✅ Sipon
✅ Ubo
✅ Walang panlasa
✅ Walang pang amoy

napilitan akong magpa ER sa isang private na hospital (sa Laguna). Pinag xray, CBC at RT PCR ako.

Ang tanong, magkano ang binayaran ko sa hospital kung meron akong 🤔

Zero po 😁🎉🥰🎊

Moral lesson, wag matakot magpatest. Iba pa rin talaga pag may pero dapat,

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life Snippets posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share