28/07/2020
On series of topics/Talks in our Virtual Catholic Life in the Spirit Seminar (after God’s Love, Salvation & New Life) ay ang magkasunod na dalawang paksa… (a) “Receiving God’s Gift” and (b) “Baptism in the Holy Spirit” kung saan ay mahalagang pagtuonan ang kahandaan ng bawat isa lalu na sa mga participants na nais maging kabahagi o makikibahagi sa “prayer session”.
At dahil sa Virtual Mode of prayer session po ang gagawin natin (walang personal na pray over) ay mahigpit po ang pakiusap ng pamunuan ng FAITHLINERS’ GROUP na sumunod po tayo sa mga pinaiiral na alituntunin para maiwasan po ang hindi kanais nais na pangyayari habang ang bawat isa ay nakikiisa/nakikibahagi sa prayer session na ginaganap.
NARITO PO ANG MGA SUMUSUNOD NA PAALALA:
1. Basahin at unawain ang mga nasa slide/pictures po natin (CCC) patungkol sa mga hindi katuruan ng ating Simbahan (Catholic cathecism/teachings) dapat iwasan ng bawat isa sa atin…
2. Dapat nating tanggalin sa ating katawan at saan mang bahagi ng ating bahay ang anumang mga anting-anting, panguntra, paSwerte, oracion, yamyam, or any unholy sacramental (mayroon kaming mga mungkahi kung anu ang dapat gawin sa mga bagay na iyan)…
3. Dasalin natin araw araw ang Holy Rosary na ang special intention natin ay para sa katagumpayan ng ating Prayer session (Baptism in the Holy Spirit) sa darating na Saturday – August 1, 2020.
Sa sinuman na may pagkakataon na makapag avail ng Sakramento ng Kumpisal (before Sat. August 1st.) ay mas mabuti po. At doon naman sa walang pagkakataon dahil nga sa sitwasyon natin ngayon ay mahalaga po ang “ACT OF CONTRITION” and “SPIRITUAL COMMUNION” prayer.
At sa anumang mga katanungan, ay maaari po ninyong itanong ng maaga para sa paglilinaw ng mga bagay na gumugulo sa inyong mga isipan. Please type your questions in the comment box. Tnx ‘n GOD BLESS YOU.