25/09/2024
𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗚𝘂𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗜𝘁𝗶𝗻𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘂𝗿𝗶𝗰𝗶𝗼 𝗙. 𝗙𝗮𝗯𝗶𝘁𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻
Itinatayo at ganap nang nagagamit ang bagong two-storey, 4-classroom school building sa Mauricio F. Fabito National High School sa Barangay Alegria, Corcuera, Simara Island, Romblon. Ang proyektong ito ay ipinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon District Office upang tugunan ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa naturang paaralan.
Ang gusali ay moderno, may steel jalousie windows, pinturadong pader at bubong, at kumpletong mga palikuran. Ayon sa DPWH MIMAROPA, layunin ng proyekto na lumikha ng mas maayos at komportableng kapaligiran para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga g**o upang mas epektibo ang kanilang pagtuturo.
Isa pang mahalagang aspeto ng gusali ay ang lokasyon nito sa mataas na bahagi ng barangay, na nagbibigay ng dagdag na benepisyo bilang evacuation center tuwing may kalamidad.
CTTO: Romblon News Network