![“LOLA BEL”Way back 2018 Ito ung last picture ko kay Lola Bel, isa ako sa mga suki nya sa simbahan ng Dasma Bayan. Monthl...](https://img5.medioq.com/225/135/1098894642251351.jpg)
11/02/2025
“LOLA BEL”
Way back 2018
Ito ung last picture ko kay Lola Bel, isa ako sa mga suki nya sa simbahan ng Dasma Bayan. Monthly or pg my extra money every week ako nabili ng flowers sa kanya.
Sobrang bait at sipag ni Lola Bel. Minsan maaabutan ko yn natutulog nagigising nalang pag kinalabit na sya ng kasama nya. 1 red rose ang lagi ko binibili kasi ayun lang kaya ng budget ko at lagi may isang extra rose dahil daw lagi akong nabili sa knya. Tpos nagagalit na yung mga katabi nyng nag bebenta ng flowers dahil puro daw si lola bel yung hinahanp nmin 😂
May time na iilan na lang yung rose ni Lola Bel at binili ko lahat kaso kinulang yung pera ko sabi nya balik na lang dw ako para sa kulang.
Then yung nagkawork na ako ng 2018 Sunflower na yung palagi kong binibili sa kanya at hindi nawala yung extra rose ni Lola Bel sakin ☹️
Nag karoon ako ng Lola Bel dahil sa pag bili ng flowers ❤️
Visit nyo ung flowers shop ni Lola Bel ngayon FEB IBIG ang nag mamanage ay ung anak at apo nya.
Advance Happy Valentines in Heaven Lola Bel ❤️