24/12/2019
Kaninong Kaarawan ang Pasko?
WHOSE BIRTHDAY WAS CHRISTMAS?
(BerMonth na, this post will remind everyone, ANO BA TALAGA ANG PASKONG ipinagdiriwang ng sanlibutan? Bago ka magreact, basahin mo ang kabuuan ng nilalaman nito, at alamin ang katotohanan sa likod ng maningning na ilaw)
"Ang Iglesia ni Cristo ay sumasang-ayon na dapat tayong magbigay ng pagpupuri at kaluwalhatian sa ating Panginoong Jesus, subalit ang pagdiriwang ng pasko sa araw ng Disyembre 25 ay orhinal na tinatawag na ang "KAARAWAN NG ARAW" (Birthday of the Sun) at isang dakilang paganong pagdiriwang panrelihiyon ng kultong Metraiko at ng buong Emperyo ng Roma."
Ang ika-25 ng Disyembre ay isinasaalang-alang ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE bilang ARAW NG PASKO (CHRISTMAS) - ang "KAARAWAN NI CRISTO". Ito ang pinakamasayang kapistahan na ipinagdiriwang ng mga tao sa buong mundo. Sa panahong ito ay marami ang gawaing panlipunan ang ginagawa ng tao na naglalayong maipakita at maipadama sa kapuwa ang pag-ibig at diumano’y “diwa ng kapaskuhan.” Madalas makatawag ng pansin ang hindi pakikiisa ng Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang na ito na araw diumano ng kapanganakan ni Cristo.
Maaaring itanong ng iba "BAKIT? HINDI BA KAYO NANINIWALA NA SI JESUS ANG CRISTO? HINDI BA KAYO MASAYA SA KAARAWAN NG TAGAPAGLIGTAS? HINDI BA KAYO MGA CRISTIANO? KUNG NAGDIRIWANG KAYO NG INYONG KAARAWAN, BAKIT PASKO HINDI? Ito ang kadalasang naitatanong ng mga tao sa Iglesia ni Cristo tungkol sa hindi namin pakikihalok sa pagdiriwang ng pasko (christmas).
Gayunpaman, ang hindi pakikilahok at pakikiisa ng Iglesia ni Cristo sa "Kapistahan ng Disyembre 25" ay hindi nangangahulugan na kami ay salungat sa masaya at sa pagsasaya, anti-social, pagkandili sa kapayapaan at ang pagiging mabuti sa kapuwa. At hindi rin kami tutol sa pagbibigay papuri sa araw na ipinanganak si Jesus Sa araw ng si Jesus ay ipinanganak ang mga anghel mula sa langit ay nagpuri (Lucas 2:13-14). Amin ding ipinagbibigay-linaw na ang batang ipinanganak sa Bet-lehem, na siyang anak ni Maria ay si Cristo, ang ating tagapagligtas.
Kaya, bakit kung gayon ang Iglesia ni Cristo ay umiiwas na lumahok at makiisa sa pagdiriwang ng pasko?
ANG PASKO AY WALA SA BIBLIA
Wala sa Biblia ni mababasa na Disyembre 25 ang kapanganakan ni Cristo. Ang kapanganakan ni Jesus ay talagang dapat ikagalak ng lahat, ngunit maling ipalagay na ito’y naganap sa petsang Disyembre 25. Alamin natin ang tala sa Biblia:
Lucas 2:1-8 "Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.
At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;
Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.
At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan."
Nalalaman ng mga Biblical Historians ang salaysay ng talatang ito ukol sa mga kaganapan sa palibot ng pagkapanganak kay Cristo. Ganito ang pagkakasabi ng mga Catholic Bible Scholars:
“Origin of date –Concerning the date of Christ’s birth the Gospels give no help; indeed, upon their data contradictory arguments are based. The census would have been impossible in winter…Authorities more over differ as to whether shepherds could or would keep flocks exposed during nights of the rainy season.” (The Catholic Encyclopedia, 1913, s.v. “Christmas.”)
Ito ang katunayan na ang Biblia ay walang sinasabi tungkol sa wastong petsa ng kapanganakan ni Cristo. Isinasalsay ng Biblia na si Cristo ay ipinanganak sa panahon ng ang Roman Census ay isinasagawa. Salungat sa tradisyon ng Disyembre 25, sinasabi na ang census ay imposibleng isinagawa sa panahon ng tag-lamig. Itinuro din ng ilang awtoridad na hindi maaaring ipastol ng pastol ang mga tupa sa mga gabi ng tag-ulan. Hinggil pa rito, isang secular historian writing tungkol sa pasko ganito ang nakasulat:
“The most widespread myth in the Christendom is that of Chrismas. Those who take the Bethlehem birth-story as history readily accept the traditional date of Christ’s birthday. But all branches of the Church agree that no data exist for determining the day, month, or year of the event, nor was such festival celebrated in Apostolic or early-Post Apostolic times.” (Paganism to Christianity in the Roman Empire, p. 249)
Pinatutunayan ng kasysayan na ang pasko ay hindi pinagdiriwang sa panahon ng mga Apostol at wala ring datos na umiiral upang matiyak ang araw, buwan o taon ng kapanganakan ni Cristo. Bukod dito, naging mas walang katotohanan para sa mga kinasihan na mga manunulat ng Bagong Tipan na makaligtaan na maitala ang petsa ng kapanganakan ni Cristo kung ito ay ginugunita ng mga Apostol. Kaya, hindi na kagulat-gulat para sa amin sapagkat wala sa biblia ni hindi rin itinuturo ng mga apostol ang ukol sa pagdiriwang ng disyembre 25, bilang ang kaarawan ni Cristo.
Sa katunayan, walang talata sa Biblia na nagsasabi na si Jesus ay pinanganak sa petsang Disyembre 25, na ang PASKO ay ipinagdiriwang ng mga Cristiano at ang paggunita sa kapanganakan ni Cristo. Kaya, si Cristo ay walang kinalaman sa pagdiriwang ng Disyembre 25, bagaman siya ang sentro ng pagdiriwang.
ANG UNANG PASKO
Wala kahit ni isang pahayag mula sa ating Panginoong Jesus maging sa mga alagad na inutusan niyang igunita nila ang kaniyang kapanganakan. Sa halip, sa mga extra-biblical na reperensiya natin matatagpuan na ang pagdiriwang ng pasko ay nagmula sa mga kapistahang pagano na dito hinango ng Iglesia Katolika. Higit pa rito, ito ay lumitaw lamang ng ilang siglo pagkatapos ng pagkakatatag ng Iglesia sa Bagong Tipan.
“How old is Christmas Day?...One would naturally think that the anniversary of so great an event as the birth of the Son of God would have been a day of religious joy from the earliest years of the Church; but it is clear that this was not the case. There is no mention of it in any of the oldest lists of the Church festivals…In the part of the Church which follows the Latin rite the celebration of Christmas on the twenty-fifth of December was begun probably about the middle of the fourth century. An ancient tradition assigned that day as the probable date of the great mystery of the Nativity…” (The external s of the Catholic Church, p. 204)
Ang pasko ay hindi ipinagdiriwang, ni kilala sa panahon ng apostolic at unang bahagi ng post-apostolic. Sa aklat katoliko pinatutunayan na walang binanggit maging sa lumang listahan ng mga kapistahan ng Iglesia Katolika ng pagdiriwang ng pasko sa Disyembre 25 na nagsimula lamang ng kalagitnaan ng ika-4 na siglo. Ang unang banggit ng pagdiriwang ng kapaskuhan ng Disyembre 25 ay noon lamang 336 AD.
“The First mention of Christmas as a festival of the Church on 25 December, goes back to AD 336. It comes in the Philocalian Catalogue (354), a civil and religious calendar compiled at Rome.” (the History of Christianity, p. 147)
Kaya, pinatutunayan ng kasaysayan na ang UNANG PASKO ay ipinagdaos noon lamang ika-4 na siglo, o higit pang tatlong siglo pagkatapos ng ipanganak si Cristo sa Bet-lehem. Gayunpaman, tiyak na walang kinalaman si Cristo sa petsa sapagkat umakyat na siya sa langit noon pang unang siglo. Maliwanag, na hindi ang mga apostol ang dahilan ng pinagmulan ng petsa ng kapanganakan noong ika-4 na siglo na malaon ng patay ang mga apostol bago ang ikalawang siglo. Tiyak, ang pagdiriwang ng pasko na lumitaw ay hindi dahil ito ay ipinagutos ni Jesus o ng mga Apostol, ngunit dahil sa ibang kadahilanan.
ANG PINAGMULAN NG PAGDIRIWANG
Ano ba ang pinagmulan ng pagdiriwang ng Pasko? Sino ba ang responsable sa pagpapasimula ng pagdiriwang ng pasko?
“Pentecost and Ephipany were the next feasts added to the calendar; the latter on January 6, coincided with the pagan festivals celebrating the birth of the new year. Christmas originated in the fourth century, when Constantine joined it with a pagan feast celebrating the birthday of the sun on December 25.” (A Concise History of the Catholic Church, p. 56)
Inamin ng aklat katoliko na ang pasko ay nagsimula lamang noong ika-4 na siglo ng ipinakisama ni Constantino ang kapistahan ng mga pagano sa pagdiriwang ng pasko. Ang impluwensiya ng paganismo sa Iglesia Katolika ay nagsimula ng ang dakilang si Constantino ay umakyat sa trono bilang "UNANG CRISTIANONG EMPERADOR" ng Imperyo ng Roma. Gayunpaman, sa una, ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing Enero 6 kasabay ng kapistahan ng mga pagano sa pagdiriwang nila ng kapanganakan ng bagong taon.
ANG PINAGMULAN NG PETSA
Sa una, ang pagdiriwang ng pasko ay ginaganap tuwing Enero 6, gayunman, sino kung gayon ang responsable sa pagpapasimula ng pagdiriwang ng pasko na ginaganap tuwing Disyembre 25? Ano ang mga dahilan sa pagpapasiya sa partikular na petsa mula sa 365 na araw ng taon? Bakit Disyembre 25 ang petsa na kanilang pinagpasiya bilang pagdiriwang ng pasko?
“Some early Fathers and writers claimed that December 25 was the actual date of Christ’s birth, and that the authorities in Rome established this fact from the official records of the Roman census that had been taken at the time of the Saviour’s birth. Saint John Chrysostom held this opinion and used it to argue for the introduction of the Roman date in the Eastern Church. He was mistaken, however, for nobody in Rome ever claimed that the records of the census of Cyrinus were extant there in the fourth century, and much less that Christ’s birthday was registered in the lists. In fact, it was expressly stated in Rome that the actual date of the Saviour’s birth was unknown and that different traditions prevailed in different parts of the world.” (Handbook of Christian Feasts and Customs, p. 59)
Inamin ng mga Awtoridad Katoliko na ang aktwal na petsa ng kapanganakan ni Jesus ay hindi tiyak. Nalalaman mismo nila na ang PASKO ay wala talaga sa Biblia. Sapagkat walang makikitang katibayan sa biblia na magpapatunay na ang pasko ay dapat na ipinagdiwang ng mga Cristiano. Kaya hindi rin mapatunayan ng mga Awtoridad Katoliko sapagkat wala rin silang matibay na ebidensiya para patunayan na dapat ngang ipagdiwang ng mga Cristiano ang pasko. Nagsimula ang pasko na may ika-4 na siglo ng ipakisama ni Constantino sa paganong kapistahan. Ngunit , noong una ay Enero 6 ipinagdiriwang ang araw ng pasko kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng mga pagano sa pagdiriwang nila ng kapanganakan ng bagong taon. Enero 6? Bakit naging Disyembre 25 ang petsa ng pagdiriwang ng pasko?
“Formerly Christmas was celebrated on January 6, but Pope Julius I, at the beginning of the fourth century, changed the day to December 25, since the date is unknown.” (The Handbook of the Catholic Practices, p. p. 176)
Maaaring mapansin ng ating mga manbabasa na binago ni Julius I ang petsa ng pasko na Enero 6 na ginawang Disyembre 25. Mula roon, ang pasko ay ipinagdiriwang sa kanluran sa Disyembre 25, subalit sa silangan ay nananatiling Enero 6 ipinagdiriwang ang pasko:
“After the triumph of Constantine, the Church at Rome assigned December 25 as the date for the celebration of the feast, possibly about AD 320 or 353. By the end of the fourth century the whole Christian world was celebrating Christmas on that day, with the exception of the Eastern churches which celebrated it on on January 6.” (Collier’s Encyclopedia, vol. VI, p. 403, s.v. “Cristmas”)
Kaya, ito ang katunayan na si Julius I ang responsable sa pagtatalaga sa Disyembre 25 bilang petsa ng pagdiriwang ng pasko.
KANINONG KAARAWAN ANG "PASKO"?
Unang ipinagdiriwang ang pasko ay Enero 6 (kasabay ng kapistahang pagano sa pagdiriwang nila ng kapanganakan ng bagong taon), binago ng Iglesia Katolika at ng Roma at ginawang Disyembre 25. Maliwanag, na si Julius I ang nagtalaga ng petsa ng kapanganakan ni Cristo na wala namang katiyakan mula Enero 6 na inilipat sa Disyembre 25. Kaninong kaarawan ang "PASKO"?
“…December 25 was called the ‘Birthday of the Sun,’ and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire....” (The Externals of the Catholic Church, p. 276)
Ang kapistahang ipinadiriwang sa Disyembre 25 ay orihinal na kapistahang PAGANO, isang dakilang paganong pagdiriwang panrelihiyon ng kultong Metraiko. Ito ay orihinal na tinatawag na "Birthday of the Sun" (Kaarawan ng Araw) -Sol Invictus. Kaya, opisyal na dineklara ni pope Julius 1 ang Disyembre 25 bilang kaarawan ni Jesus na sa katunayan ay pinaniniwalaang kaarawan ng Diyos ng PAGANO na tinatawag na "SOL INVICTUS".
KULTONG METRAIKO SA IBABAW NG IGLESIA KATOLIKA
Ano ang dahilan ni Julius 1, na "ULO" ng Iglesia Katolika na umayon sa mga kapistahan at kaugalian ng mga pagano? Bakit ang pagpili ng Disyembre 25 na tumugma sa mga pagdiriwang ng kultong Metraiko ng "kaarawan ng Araw" - Diyos nila, Sol invictus.
“The pagan Saturnalia and Brumalia were too deeply entrenched in popular custom to be set aside by Christian influence. The recognition of Sunday (the day of Phoebus and Mithras as well as the Lord’s Day) by the emperor Constantine as a legal holiday, along with the influence of Manicheism, which identified the Son of God with the physical sun, may have led Christians of the fourth century to feel the appropriateness of making the birthday of the Son of God coincide with that of the physical sun. The pagan festival with its riot and merrymaking was so popular that Christians were glad of an excuse to continue its celebration with little change in spirit or in manner.” (The New Shaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge, p. 48)
Ang kapistahang PAGANO na tinatawag na saturnalia (ang kaarawan ng Araw-Sol Invictus) ay malalim na ibinaon sa katanyagan sa mga kaugalian na isinantabi ng Iglesia Katolika. Ang kapistahang ito ay kilala kaya ipinagdiriwang ito ng buong Imperyo ng Roma. Malinaw, ito ay humantong sa Iglesia Katolika sa ika-4 na siglo "upang maramdaman ang kaangkupan ng paggawa sa kaarawan ng Diyos Anak na nagtutugma sa kinikilalang Diyos ng mga pagano, ang araw (SUN). Ayon sa isang aklat katoliko:
“…the choice of December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feast of the sun god, (Sol Invictus: the Unconquered Sun) on that day. December 25 was called the ‘Birthday of the Sun,’ and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire. What was more natural than that Christians celebrate the birth of Him Who was the ‘Light of the World’ and the true ‘Son of Justice’ on this very day?...” (The Externals of the Catholic Church, p. 276)
Inamin ng isang Teologong Katoliko na si John F. Sullivan na "ang pagkakapili sa ika-25 ng Disyembre ay naimpluwensiyahan ng pangyayaring ang mga Romano, mula sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ay ipinagdiwang ang kapistahan ng diyos na araw (Sol Invictus: ang Hindi Mapananaigang Araw) sa araw na iyon."
Maliwanag na ang Disyembre 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo [Wala naman talaga tayong mababasa sa Biblia kung kailan siya ipinanganak]. Ito ay ang Petsa ng isang kapistahan ng mga pagano, na ang ipinagdiriwang ay ang kanilang Diyos na Araw na si Sol Invictus o ang Hindi Mapananaigang Araw.” Sa petsang ito ay idinaraos ang malaking panrelihiyong pagdiriwang na pagano. At maliwanag nilang inamin na ito ang kanilang pinagbatayan ng pagkapili nila ng Disyembre 25, na siyang kapanganakan daw ni Jesucristo.
Dahil dito, ang Disyembre 25 na tradisyon na may kaugalian na "CHRISTIANIZED" na kapistahang PAGANO. Ang mga pagsasaya at pag-awit ay hindi na nauukol sa Sol Invictus kundi kay Cristo na. Na unang inaalay na minsan sa Sol Invictus na ngayon ay inaalay na kay Cristo bilang regalong pang-kaarawan. Anong insulto ang mas hihigit pa dito?
Ngunit ang Awtoridad Katoliko ay hindi inisip ni ipagbawal ang mga katoliko sa pakikilahok sa kapistahang pagano. Bakit? muli nating alamin kay John F. Sullivan:
“It is interesting to note how often our Church has availed herself of practices which were in common use among pagans, and which owed their origin to their appropriateness for expressing something spiritual by material means…she has often found that it was well to take what was praiseworthy in other forms of worship and adapt it to her own purposes, for the sanctification of her children. Thus, it is true in a certain sense, that some Catholic rites and ceremonies are a production of those pagan creeds; but they are the \taking of what was best from paganism, the keeping of symbolical practices which express the religious instinct that is common to all races and times.” (Ibid., p. 226)
Inamin ng awtoridad katoliko ang kanilang interes sa paghango ng mga kaugalian at tradisyon mula sa paganong seremonya sa kanilang pagsamba ay di-umano'y para sa pagpapakabanal ng kanilang mga miyembro. Kaya, walang kaugnayan ang pagpasok ng kultong Mitraiko na dumaig sa Iglesia Katolika.
ANO ANG MALI SA PAGANISMO?
Ang kahulugan ng terminong PAGANO ay magbibigay sa atin ng dahilan upang tanggihan ang mga ginagawa at kaugalian ng mga pagano. Alamin natin ang kahulugan ng terminong PAGANO:
“Pagan…the opposite of Christian…a person who is not a Christian…not a Christian.” (Webster’s New International Dictionary)
Kawili-wiling tandaan na kahit na ang pinagmulan ng terminong PAGANO ay nagpapakita ng hindi magkaugnay at hindi magkasundong Cristianismo at paganismo. Anu mang mabuting aklat sa kasaysayan ng Iglesia ay naglalaman ng pinagmulan ng termino.
“Churches were first established in the cities. The people in the country continued to be heathen when the people in the cities had already become Christians. The Latin word for country people was pagani. So the name pagani of Pagans became equivalent to heathen. From the cities Christianity spread among the heathens or pagans, in the country.” (The Church in History, p. 19)
Ano ba ang pagtuturing ng mga tunay na Cristiano sa mga gawa at kaugalian ng mga PAGANO? Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:
Efeso 4:17-18 "Huwag kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa buhay na mula sa Dios." Salita ng Buhay
Sa pinahayag ni Apostol Pablo sa katunayan na ang mga PAGANO ay namumuhay na walang kabuluhan ang iniisip at nadirimlan ang kaisipan at sila ay hiwalay sa buhay na mula sa Diyos. Kaya ano pa ang katunayan na hindi maaaring makigaya ang mga tunay na Cristiano sa mga ginagawa ng mga PAGANO?
1 Corinto 10:20 "Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano’y naghahandog ng kanilang hain sa mga demonyo, hindi sa Diyos, at ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo." Magandang Balita
Ayon pa rin sa pagtuturo ni Apostol Pablo ay sapagkat ang mga PAGANO ay naghahandog sa mga demonyo, kaya hindi maaaring makiayon ang mga tunay na Cristiano sa mga ginagawa at kaugalian ng mga pagano. Ang pasko ay kaugalian at tradisyong minana sa mga ninunong katoliko, subalit ang pasko ay impluwensiya ng kaugaliang pagano. kaya ito ang pahayag ng Panginoong Jesus:
Marcos 7:9 "Sinabi pa ni Jesus, "Ang gagaling ninyo! Para lamang masunod ang inyong mga tradisyon, pinapawalang-bisa ninyo ang utos ng Diyos!" Bagong Magandang Balita
Pinapawalang-bisa ang utos ng Diyos na huwag mamumuhay ang Cristiano gaya ng mga pagano para lamang masunod ang tradisyon. Ayon sa mga Katoliko na ang mga paganong paraan ng kanilang pagsamba ay sa ikababanal ng mga miyembro, pero ito naman ang sagot ng Biblia:
Mateo 15:8-9 "Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao."
Ang pangunahing layunin ng Iglesia ni Cristo ay ang papurihan at luwalhatiin ang Panginoong Jesucristo, ngunit hindi namin dapat balewalain ang itinuturo ng Biblia. Pinupuri namin siya at niluluwalhati ayon sa itinuturo ng Biblia, ang dahilan kaya hindi kami nakikilahok ni nakikiisa sa pagdiriwang ng pasko. Ang pagdiriwang ng pasko ay PAGANO at anomang paganong bagay ay kasuklam-suklam kay Cristo. Upang gawin ang isang aktibidad para magbigay karangalan sa kaniya sa kaniyang kaarawan ay hindi lamang nasa liko at wala sa biblia kundi ay isang napakalaking insulto sa kaniya. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi nakikiisa sa pagdiriwang ng pasko na hango sa kaugaliang PAGANO.