BPSU secret files

  • Home
  • BPSU secret files

BPSU secret files 📩 send your short story here!

11/12/2023

FAVORITE NG FAMILY NI BF

Hi, everyone! Gusto ko lang talagang ilabas yung sâmâ ng loob ko.

May boyfriend ako at legal kami both sides. Minsan nasa amin siya, minsan naman nasa kanila ako. So eto na nga, etong si boyfriend may EX na super nagustuhan ng family niya before (okay rin naman kami ng family niya ngayon).

Tuwing may mga important occassions like birthday ng kamag-anak ni boyfriend, aba, present ex niya palagi. As in lagi at may dala pang cake, etc. Nagkikita kami. Pinapakilala naman ako ng family ni bf sa ex. Pero, ba’t nafi-feel kong mas gusto pa rin nila siya kaysa sa ‘kin? Minsan natatawag pa nila ako sa name ni ex ni bf.

Pero si boyfriend, lagi niyang pinaparamdam na wala akong dapat ikaselos. Kasi past na yun. Naging friend na lang daw ng family nila yun kaya ganon. Walang communication si bf at ex niya. Family niya lang talaga.

BabaengInsecure
20**
Tourism
*Confidential

11/12/2023

ANGKAS GONE WRONG

Hi, gusto ko lang i-share yung funny moment ko kanina. So, I came from a long-term relationship, 10 years to be exact. Nasanay ako na laging hinahatid-sundo kahit saan ako magpunta, at kapag naihahatid na ako, lagi ako nagsasabi ng "ingat ka, thank you, I love you".

So, kanina nag-book ako ng Angkas. Sa sobrang tagal ni kuya driver, nasabi ko sa kanya pagdating niya,

"Ang tagal mo naman!" na nakasanayan kong nasasabi sa ex ko kapag matagal siyang dumating. Oo, ex ko na yung 10 years, at 2 months na kaming hindi nag-uusap. Haha. Nakakahiya. Buti hindi masyadong pinansin ni kuya.

Ayun na nga, binigay na sa kin ni kuya driver yung helmet, pagkahatid niya sa akin, inalis ko na yung helmet, at pagkaabot ko, out of nowhere nasabi kong…

"Salamat, ingat ka, I love you." HAHAHA! Natawa si kuya, nagulat na lang ako at bumalik sa wisyo nung tinawanan niya ako... ayun, share ko lang.

Ingat sa lahat ng Angkas drivers diyan!

Shungagers!
2022
Civil Engineering
*Confidential

Address

Balanga
Bataan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BPSU secret files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share