PAANO BA NAGKAROON NG IGLESIA NI CRISTO SA PILIPINAS.
Napakaraming nakatatag na iglesia sa ating panahon na lubhang ikinalilito ng marami sapagkat hindi nila nalalaman kung nasaan ang tunay na relihiyon. Malalaman ba natin kung alin sa mga nagsilitawang iglesia ngayon ang tunay na iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo? Ipapakilala ito sa atin ng Biblia, ganito ang pahayag mismo ni Cristo :
Mateo 16:18: “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA…”
Ang sabi ni Cristo, “ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA”, ito ay nangangahulugan na kung ang isang iglesia ay hindi tatag ni Cristo, ito ay ikakilala sa huwad na relihiyon. Dahil si Cristo ang nagtayo ng iglesia, ito ay sa kaniya kaya nga binabanggit niya na “AKING IGLESIA”. Ano kaya ang tawag ng mga Apostol sa iglesiang itinatag ni Cristo? IGLESIA NI CRISTO :
Roma 16:16: “Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.” (NPV)
Samakatuwid, ang tunay na iglesia ay ang IGLESIA NI CRISTO. Pero papaano lumitaw sa Pilipinas ang iglesiang ito noong taong 1914? Ganito ang hula ni Cristo sa kaniyang mga ibang tupa :
Juan 10:16: “AT MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; AT SILA’Y MAGIGING ISANG KAWAN, AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”
Batay sa pahayag ni Cristo, mayroon siyang ibang mga tupa na wala pa sa kulungan na ang ibig sabihin ay mayroon pa siyang ibang mga tagasunod na wala pa sa Kaniyang panahon noong nandito pa Siya sa lupa. At dagdag pa niya, sila ay matitipon sa isang kawan at magkakaroon ng isang pastor. Pansinin ninyo ang kaniyang salita, “MAGIGING ISANG KAWAN”, kung gayon ang hulang ito na ipinararating sa atin ay nakaukol pa sa hinaharap. Alin ang kawan na tinutukoy ni Cristo? Ito naman ang paliwanag sa atin ng Panginoong Jesucristo :
Gawa 20:28: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang