Buod

Buod a short stories that touch your heart. story filled with lessons from what's happening in real life.

04/09/2022

The sun will surely rise up again and you will have another chance to be better than yesterday.. .

20/07/2022

Piliin mong laging sumaya at gumawa ng kabutihan sa kapwa. Sa huli ang biyaya ng DIYOS ay iyong matatamasa.. .

02/07/2022

Kung hindi nila kayang maging mabuti sayo maging mabuti ka para sa kanila.. .

26/06/2022

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Matuto tayong kumilatis ng tunay at pekeng tao. Upang sa huli ay hindi tau magsisi.. .

26/03/2022

Pahalagahan mo ang taong pinahahalagahan ang kahalagahan mo.. .

12/09/2021

Sa mga politikong nagbabangayan at nag tatalo talo mamamayan ang s'yang laging talo taong bayan ang laging kawawa.. .

08/08/2021

The secret to a
"happy life"
is to be a good person not only to your self but also to the people around you.. .

Darating ang panahon na ang covid ay parang lagnat lang na normal na nangyayari sa isang tao.
05/04/2021

Darating ang panahon na ang covid ay parang lagnat lang na normal na nangyayari sa isang tao.

09/11/2020

whatever you have achieved now, even if you lift others, that is not a rea*on for you to belittle people and judge them. in the eyes of God we are all equal. you better judge a person based on the content and goodness of his heart and not on his state in life. live peacefully and with respect for others.☺

02/11/2020

To all people who are still living with their parents. Please love your nanay and tatay. If they're gone you will realize how much you love them and how important they are in our lives. Yes, if you are married you can count on your wife or husband but parents are different. They will love you unconditionally and pure.

HAPPY ALL SOULS DAY

21/10/2020

May mga tao na pakikisamahan ka lang depende sa kung ano ang ka pakinabangan mo sa kanila.

27/09/2020

Abangan ang bagong kwentong hango sa totoong buhay. Kapupulutan ng aral at pag asa.

Isang ba*ong gatas            "titigil ka na muna sa pag aaral caloy tutulong ka muna sa tiyo ruben mo sa gawain sa buki...
16/04/2020

Isang ba*ong gatas

"titigil ka na muna sa pag aaral caloy tutulong ka muna sa tiyo ruben mo sa gawain sa bukid"

Halos huminto sa pag ikot ang mundo ni caloy nang sabihin iyon ng kanyang ina isang gabi bago sila matulog. Agad bumalot ang kalungkutan sa knyang mukha at nagsimula ng mangilid ang kanyang luha sa kanyang mata.

" inay ayoko ko po gusto ko pong mag aral at magtapos gusto ko po grumadweyt at makapag aral sa kolehiyo "

Tutol nya sa kanyang ina ngunit tila hindi na magbabago ang desisyon nito sa kanya.

" nahihirapan na ako anak hindi ko na kaya pang pag aralin ka pa sa hayskul tama na nakatapos ka na ng elementarya. Wala ng ama mo wala ng tutulong sa atin. "

" inay ayoko po mag aaral po ako kahit hindi nyo po ako bigyan ng baon basta mag aaral po ako ayokong huminto gusto ko po mag aral " tugon nya habang nag umpisa na syang humagalgal.

" buo na ang aking pasya. Hindi ka na mag aaral at magtatrabaho ka sa bukid. "

Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina na magpatuloy sya sa pag aaral hindi sya nagpapigil sa kanyang hangarin makapag tapos. Sa edad nyang labing tatlong taong gulang mataas ang kanyang pangarap na maihaon nya sa hirap ang kanyang pamilya. Panganay sya sa tatlong magkakapatid. Edad lima at pito ang kanyang dalawang kapatid na babae pareho na ito nag aaral sa elementarya. Mananahi ng basahan ang kanyang ina na sya naman nilang inalalakong magkakapatid sa kabayanan pagsapit ng hapon. magsasaka naman ang kanyang ama. Sa kakarampot na kinikita nila sa pagbabasahan at porsyentuhan sa pag sasaka napag kakasya nila iyon sa pang araw araw na gastusin sa buhay. Ngunit noon lamang nakaraan buwan dumating ang matinding unos sa kanilang pamilya iyon ay nang mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso sa kasagsagan ng pagsasaka nito sa bukid. Labis silang nag dalamhati sa pagkawala ng kanyang ama. Magmula noon nahirapan na ang kanyang ina sa pananahi dahil halos wala itong tigil hanggang madaling araw. Hindi sasapat ang kinikita nila sa pagbabasahan. Kaya iyon na marahil ang dahilan kung bakit gusto na syang pahintuin ng magulang nya sa pag aaral at magtrabaho na lamang sa bukid kapalit ng kanyang namayapang ama.

" o caloy ano sasama kaba sa amin nila topet magalaro ng basketball pagkatapos ng klase? "

Tanong ng kaklase nito sa kanya habang hinihintay ang kanilang g**o sa klasrum.

" hindi na muna ko makakasama sa inyo abet kayo kayo na lang muna nila topet kailangan ko maglako ng basahan at sampaguita mamaya sa bayan. "

" ok sige ikaw bahala."

Tulad ng nakagawian pagkatapos ng klase nila deretso agad si caloy sa kanilang tahanan upang magpalit ng damit at kunin ang mga nayaring basahan ng kanyang ina. Ordinaryong araw ito kaya sya lamang mag isa pupunta ng kabayanan upang maglako. Tuwing week end lang nya kasi nakakasama ang kapatid sa paglalako. Agad kinuha nya ang kanyang bisekleta pagkatapos humalik at magpa aalam sa kanyang ina dali dali na itong pumedal dala ang basahan papuntang kabayanan. Napabuntong hininga na lamang ang kanyang ina habang pinagmamasdan sya nito papalayo sa kanila. hindi narin kasi napigilan sya nito na huminto sa pag aaral basta ang kasunduan nila sya ang gagawa ng babaunin nya at gastusin sa pag aaral nya. Kaya bilang karagdagan sa kanyang kita kumukuha din sya ng mga tinuhog na sampaguita na yari nila mang jun at inilalako rin ito. Porsyentuhan ang kanilang usapan na kita.

Di alintana ni caloy ang panganib na naka abang sa kanya sa kahabaan ng kalsadang pinaglalakuan nya. Bawat pampasaherong dumaraan inaalukan nya ito ng basahan o sampaguita. Sa kanyang murang edad nasanay na sya sa pagtawid tawid sa kalsada. Nauunang maubos ang kanyang dalang basahan kaya ang natitirang sampaguita sa simbahan nya ito dinedertso upang ilako. Nag umpisa ng lumatag ang kadiliman sa kalangitan medyo marami rami pa ang sampaguitang kanyang dala. Kailangan nya itong maubos kya wala syang pinalalagpas na tao upang alukin nito. Napansin nyang tila nagbabadyang bumuhos ang ulan ng mga sandaling iyon kaya nag atubiling lumisan sya sa knyang kinaroroonan. Sakay ng kanyang bisikleta naisipan nyang isauli ang natitirang sampaguita at mag remit ng pinagbentahan kina mang jun. Medyo may kalayuan iyon sa kabayanan. Habang binabagtas nya ang daan ay sya nmn bumuhos ang napaka lakas na ulan. Wala syang masilungan ng mga sandaling iyon basang basa na sya at nanginginig sa lamig. Napaka lakas ng ulan. Palinga linga sya sa bawat madadaanan nya at naghahanap na pwede nyang pagsilungan. Nanginginig na ang kanyang buong katawan pakiramdam nya ay hindi nya na kayang tagalan ang narardamang lamig. Sa pagbabagtas nya ng daan. Napansin nya ang isang bahay na may bakuran na pwede nyang pagsilungan bukas ang gate kaya hndi sya nagdalawang isip pa na puma*ok bahagya pa nya pinagmasdaan ang loob ng bakuran dahil baka mayroong nakawalang a*o. Nakapa*ok na sya sa loob at mula sa kanyang kinaroroonan katapat noon ang isang lumang bahay. Maya maya pay napansin nya ang pagbukas ng pinto at bumungad sa knya ang isang ginang na mariing naka titig sa kanya. Nakaramdam sya ng pangamba na baka nagalit ito sa kanya dahil sa pagpa*ok nya sa bakuran.

" pasensya na po ginang kung ako po ay puma*ok sa inyong bakuran naabutan po kasi ako ng malakas na ulan sa daan wala po kasi akong makitang masilungan kya puma*ok po ako dito sa loob. "

anya sa panginginig na boses sa ginang na tila walang ekspresyon ang mukha.

" ok lang iho basang basa ka halika dito sa loob ng aking tahanan at mkapagpalit ka ng damit. "

Tugon nito sa kanya na tila bang na awa sa knya dahil sa kanyang kalagayan.

" sige po ginang marami pong salamat."

ngiting turan nya rito.agad syang kumilos papa*ok sa loob ng bahay. Mula sa loob dumiretso sila sa sala at pina upo sya sa mahabang sofang gawa sa abaniko.

" maupo ka muna dyan at kukuha lang ako ng pamalit mo sa iyong suot "

Dumiretso ang ginang sa isang nakasaradong kwarto. Pinagmasdan nya ang kabuuan ng bahay. Maganda iyon at medyo nakaka angat sa buhay. Napansin nya ang dalawang picture frame na nakasabit sa dingding. Litrato iyon ng dalawang batang lalake na marahil ay anak ng ginang nakasabit din doon ang mga medalya namangha sya sa mga ito. Mula sa sala kalapit doon ang isang mesa na punong puno ng mga papel at envelope sa hinuha nya sa ginang ang mga ito napansin nya ang isang malaking notebook na na may naka sulat na LESSON PLAN. Kung hindi sya nagkakamali isang g**o ang ginang. Napangiti sya habang nakatingin sa mga gamit na iyon. Napansin nya amg paglapit ng ginang sa kanya at ini abot sa kanya ang isang pares na damit.

" ito ang damit. Magpalit ka para hindi ka ginawin. Naroon sa bandang kaliwa ang banyo may tuwalyang naka sabit doon. Punasan mo muna ang buong katawan mo bago magbihis"

sambit nito sa knya na bakas ang pag aalala. Agad nyang tinungo ang banyo at nagbihis. Paglabas nya napansin nyang may inihandang meryenda ang ginang. Lumapit ito sa kanya at ini abot ang biskwit at ang ISANG BASONG GATAS.

"heto at kumain ka. Pasensya ka na iyan lang ang maiaalok ko sa iyo katatapos lang namin kasing maghapunan ng mga anak ko."

"ok lang po ginang salamat po dahil nag abala pa po kayo."

" wala iyon. Sige kumain ka na muna at inumin mo itong gatas habang mainit pa."

"opo"

" teka, taga saan ka ba iho at naabutan ka ng malakas na ulan?"

Tanong nito sa kanya.

"sa baryo obredo po malapit sa irigasyon."

" medyo malayo yun ah saan ka ba galing?"

" sa bayan po. Naglalako po kasi ako ng samapaguita sa may simbahan naisipan ko pong umuwi na. Habang pauwi naman po ako bigla naman pong bumuhos ang ulan. "

"ganon ba. Napaka sipag mo naman. Bakit mo ginagawa yan nasaan ang mga magulang mo? Nag aaral ka ba? "

Tanong nito sa kanya. Nag umpisa na syang magkwento dito ng kanilang buhay at habang nag kukwento sya mataman naman itong nakikinig sa knya. Ikiniwento nya kung bakit sya nagpupirsige sa buhay dahil nais nyang mkapag tapos ng pag aaral at umabot hanggang kolehiyo na i share din nya sa ginang ang mataas na ambisyon nya sa buhay. Nais nyang maihaon sa kahirapan ang kanyang pamiya at mapag aral ang 2 nyang kapatid hanggang sa tuluyan nya rin ito maitapos ng pag aaral hanggang kolehiyo.

" kaya ayun po ginang sinsikap ko po maubos ang lahat ng paninda ko pra ma ipang gastos kami at may maibaon po kami magkakapatid"

Naantig ang ginang sa kwento nya napansin nya itong bahagyang nangingilid ang luha nito

"tama yan iho. Mag aral ka at magsumikap. Hwag kang sumuko sa pangarap mo. Gawin mo iyan ng may dedikasyon. "

Anya nito.

" natutuwa ako sa mga batang katulad mo na masipag mag aral at may ambisyon sa buhay. Malayo ang nararating ng mga batang kagaya mo. Sa buhay ng isang tao maraming mapag dadaanang hirap bago mo makamit ang minitmithi mo. Huwag kang susuko iho ipaglaban mo ang pangarap mo. Makakamit mo yan basta mag tyaga ka lang."

Niyakap sya ng ginang at hinawi ang kanyang likuran. Napapansin nyang tila napapaiyak ito.

"tulad mo rin ako noon. Isang bata na may pangarap sa buhay. Nais rin ng magulang ko noon na huminto sa pag aaral dahil sa kahirapan namin noon at kagaya mo tumutol din ako ipinaglaban ko ang gusto ko. Nagsumikap ako nagbenta ng plastik bag sa palengke, nagtinda ng dyaryo sa umaga at kung anu ano pa. Madalas wala akong baon minsan naaawa sa akin ang mga kaklase ko hinahatian ako ng baon nila. Kya ngayon pagkalipas ng mahabang pag susumikap eto at naging isang g**o ako may 2 anak na matatlino rin kagaya mo at asawang ofw sa saudi."

" iho ang mga kagaya mo ang may mararating sa buhay. Alam ko yan dahil napag daanan ko yan."

Nag umpisa na rin si caloy na mapaluha sa sinambit na iyon ng ginang. Sino ba naman ang mag aakala na may isang taong makakapag share ng knyang buhay gayong hindi naman sya nito kilala at naniniwala na may mararating sya sa buhay.

Lumipas ang ilang oras huminto na rin ang ulan kaya naisipan nya ng magpaalam sa ginang. Naisip nyang tiyak nag aalala na sa kanya ang kanyang ina.

"magpapaalam na po ako ginang. Baka hinahanap na po ako ng aking inay. Wag po kayo mag alala ibabalik ko po bukas ng hapon itong damit na ipinasuot nyo lalabhan ko po muna."

" naku iho wag na. Sa iyo na lamang iyan. Tutal hindi na rin kasya iyan sa bunsong anak."

"nakakahiya naman po pero gayonman marami pong salamat. Pati na rin po sa ISANG BASONG GATAS. Sa totoo lang po ngayon lang po ako nakatikim nun masarap po pala tlaga."

Napangisi ito sa kanya. Inihatid na sya nito sa labas ng gate.

" mag iingat ka iho. basta lagi mo lang tatandaan sinabi ko ipaglaban mo ang pangarap mo pagsumikapan at tyak makakamit mo."

" opo ginang soledad ramirez. Tatandaan ko po iyan."

Tugon nya rito na sya nman pinagtakhan ng ginang.

"paano mo nalaman ang pangalan ko?"

" nabasa ko po kasi sa cover ng lesson plan nyo ung pangalan po ninyo hehehe"

Anya sabay kamot ng ulo.

"ah ganon ba hehehe. Kaya pala o sya sige lumarga ka na at mag iingat ha."

"opo ginang salamat po maraming maraming salamat po hindi ko po kayo makakalimutan."

Matapos noon ay nagsimula na syang pumedal na may baon na ngiti at saya dahil naka tagpo sya ng isang taong hinugutan nya ng inspirasyon. Isang taong nagpataas ng kanyang moralidad isang taong naniniwala sa kanyang kakayanan. Isang taong kailan man ay hindi nya makakalimutan si ginang soledad ramirez.

Lumipas ang mga araw patuloy pa rin sya sa kanyang mga gawain pumapa*ok sa eskwela sa umaga at naglalako naman sa hapon. Nakagawian nya rin na bago pumunta ng kabayanan ay nagtutungo sya sa tahanan ni ginang soledad upang dalhan ito ng mga samapaguita naging masugid nya itong suki. Madalas halos pakyawin nito ang mga dala nya. parati din sya nitong tinitimplahan ng ISANG BASONG GATAS.

"manong nasaan po kaya ang mga tao dito hindi ko na po nakikita si ginang ramirez nung isang linggo pa."

Tanong nya sa isang manong nang mapansin sya nitong kanina pa nakadungaw sa labas ng bahay ng ginang.

"naku iho. Wala na dyan si ginang ramirez at ng mga anak nya. Hindi na sila dyan tumutuloy buhat noong isang linggo pa."

"ano po? Hindi na po sila dito nkatira?"

Atubiling tanong nya.

"oo balita ko doon na sila sa manila nakatira."

"ganon po ba bakit po kaya?"

Malungkot nyang tanong dito.

" Ay yan iho ang hindi ko alam . Sige at mauna na ko sayo."

Matapos noon ay tinalikuran na sya nito. Hindi pa rin sya umaalis sa kanyang pwesto mariin nyang tinititigan ang bahay ng ginang nakaramdam sya ng lungkot ng mga sandaling iyon wala na si ginang ramirez wala na ang taong isa sa pinaghuhugutan nya ng inspirasyon. Nanghihinayang sya dahil hindi man lang sila nka pag paalam sa isat isa. Halos dalawang linggo din syang hindi nakadaan dito dahil nagkasakit sya dala na rin sig**o na madalas syang natutuyuan ng pawis sa likod dahil sa pagod. Mangiyak ngiyak syang umalis sa tahanan ng ginang nalulungkot dahil tila nawalan sya ng isang kaibigan.

Nagpatuloy ng pag aaral si caloy kahit wala ng nagpapalakas ng kanyang loob. Madalas nyang inaalala ang laging sinasabi sa kanya ng ginang na ipaglaban ang pangarap pagsumikapan at tiyak mapagtatagumpayan. Lagi nyang sinusunod ang mga bilin nito. Kya ngayon na nagtapos na sya ng valedictorian sa highskul ay ganon na lamang ang kanyang kagalakan dahil napagtagumpayan nya ito. Naging proud sa kanya ang kanyang ina at halos maiyak ito ng iaalay nya ang medalya ng umakyat ito ng stage.

"nay para sa inyo ang medalyang ito"

"salamat anak salamat parawarin mo rin ako dahil nagtangka akong pigilan ka moon sa pag aaral mo. Sinuway mo ako pero hindi mo ko binigo proud ako sayo anak proud na proud ako sayo. At kung kasama lang natin ang itay mo tyak matutuwa yun sayo."

Tugon nito sa knya at nag umpisa na silang mapaluhang mag ina at nagyakapan. Tumingala sya sa langit naalala nya si ginang ramirez ang nagpalakas ng kanyang loob at isa sa mga naging inspirasyon nya.

" salamat ginang ramirez" sambit nya sa kanyang sarili.

Napagtagumpayan nya ang unang hakbang tungo sa kanyang pangarap. Alam nyang marami pa syang tatahakin upang makamit ito. Buo ang dedikasyon na hindi sumuko dahil hindi pa doon nagtatapos ang kanyang pangarap. Kabikabila ang mga proposal at inbitasyon na natatanggap nya mula sa ibat ibang unibersidad hindi lamang sa kanilang bayan kundi pati na rin sa mga kilalang unibersidad sa manila. At halos lahat ay inoofferan sya ng 100% scholarship. Nalilito man sya kung ano ang tatanggapin nyang offer ngunit iisa lang ang sigurado yoon ay makaka pag kolehiyo sya ng libre isa pang hakbang patungo sa landas ng kanyang gustong patunguhan.

AFTER 25 YEARS


Naging matagumpay ang operasyon ni Ginang soledad sa puso. Matagal nya na kasi iniinda ang labis na pagkirot at paninikip ng dibdib. Napag alaman nya na may barado sya sa puso at kinakailangan ito operahan sa lalot madaling panahon. 2 taon na magmula ng magretiro sya sa pagtuturo. Medyo matagal pa bago sya maka tanggap ng buwanang pension. Mabuti na lamang ay may naitatabi syang ipon na magagamit nya sa pagbayad ng lahat ng gastusin dito sa ospital na mahigit din sa 2 linggo nyang pagkaka stay. Sa isang sikat at malaking ospital sya dinala ng kanyang 2 anak na lalake na ngayon ay mga pulis na. Tiyak mahal ang kanilang bill dahil sa operasyon ginawa sa kanya.

Mula sa kanyang kwarto napansin nyang napaka maaliwalas ng paligid. Nsa private room sya isa sa pinaka mahal na room dito sa ospital. Kapansin pansin ang mga sariwang bulaklak na nka lagay sa flower base sa maliit na mesa malapit sa kanya. Isang bagay ang labis na nagpa mangha sa kanya napansin din kasi nya na may imahe ng birheng maria ang naroon at punong puno ito ng mga naka sabit na sampaguita. Ganoon na din ang mga sariwang prutas na naka lagay sa isang basket.

Napabuntong hininga sya.

"ang mga anak ko talaga alam na alam nila ang aking paborito"

Sambit nya sa kanyang sarili.

"salamat sayo panginoon binigyan mo ako ng 2 mabubuti at sweet na sweet na mga anak. Salamat din po at gumaling na ako. Pinagaling nyo ako."

Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at gayon na lamang ang kanyang saya ng makita ang dalawang anak nya at kasakasama ang mga asawa nito at 3 nyang makukulit na apo. Lumapit ang mga ito at nagmano. Giliw na giliw sya sa kanyang mga apo na panay ang lambing sa kanya.

" o wag nyong masyadong likutin si lola at baka mabinat."

Sabi ng panganay na anak nyang si mike.

"ok lang magaling na ako"

Tugon nya at pinagyayakap ang mga apo.

" salamat sa Diyos"

Anang anak nyang bunso na si mark.

" teka bakit nag abala pa kayo ng mga bulaklak at prutas lalo lang kayo na pa gastos"

Sambit ng ginang nang maalala ang mga prutas at bulaklak sa mesa.

" nagdala pa kayo ng altar. Kahit sampaguita na lang masaya na ako"

Dagdag pa nya. Kumunot ang noo ng kanyang 2 anak.

" ma hindi kami nagdala nyan dto. Ikaw ba mark?

Anang mike.

" hindi kuya. Hindi ako."

Nagtaka sya sa 2 anak.

" hindi kayo? Eh sino kaya?"

" baka naman si papa."

Anang mike na sinabayan pa ng tawanan ng lahat.

" naku kayo talaga. Dinamay nyo pa papa nio. Matagal ng wala papa nyo mabuti nga hindi pa nya ako sinusundo. Aba gusto ko pa yata makasama ng matagal ang mga apo ko."

Anya sabay yakap sa makukulit nyang apo.

Na i ayos na ni Ginang soledad ang lahat ng gamit nya sa ospital ngayong araw na ito kasi ang kanyang paglabas.
Napa upo sya sa tabi ng mesa at mariin tinitigan ang imahe ng birhen maria pati na rin ang mga sampaguitang nakasabit dito. Kumuha sya ng ilang tali at inamoy amoy ito. Bigla niyang naalala ang isang bata noon sa kanilang probinsya ang batang si caloy. Nakitaan nya ito ng pagpupirsige sa buhay at may mataas na pangarap. Labis nya itong kinagiliwan at hinangaan.

" kamusta na kaya ang batang iyon?"

Anya habang inaamoy ang sampaguita at nakatitig sa birhen. Nalulungkot sya dahil hindi man sya nakapag paalam nung sila ay lumipat dito sa maynila. Naibenta na kasi ang bahay nila doon sa probinsya at ang pinagbentahan ay sya naman ginamit sa pagpapagawa nila ng bahay dito. Dto na rin nagturo at nkapag tapos ng pag aaral ang 2 nyang anak. Laking maynila kasi ang asawa nya kya ng pinamahan sila ng lote ng mga magulang nito ay hindi sila nagdalawamg isip ma ibenta ang lumang bahay at lumipat dito sa maynila. May limang taon na rin patay ang kanyang asawa dahil sa komplikasyon sa lapay. Labis man ang kalungkutan ay unti unti nya itong natanggap.

nabasag ang katahimikan nang puma*ok ang dalawang anak nya sa silid. Malungkot ang mga mukha. At may hwak na isang papel si mike.

" bakit? Anong problema?

Tanong nya sa mga ito na may pag aalala. Inabot ni mike ang papel sa knya. Tinignan nya ito at sya din ay nagulat.

" umabot ng P550k ang bill na babayaran natin dito sa ospital ma."

Sambit ni mike sa malungkot na tono.

" P350k lang ang lahat ng perang dala natin. Kulang ang pambayad natin ma. Sinubukan kong humiram sa lending ka*o hindi pa daw nila ako mabibigyan"

Anang mark. Sapo ang dibdib napaupo ang ginang habang hawak ang bill.

"Diyos ko saan po namin kukunin ang kakulangan ng aming bayad"

Nag umpisa ng mangilid ang luha ng biglang puma*ok ang nurse at may dala itong ISANG BASONG GATAS. Naka ngiti ito at lumapit sa kanya. Inabot sa knya ang gatas.

" o bakit kayo malungkot maam. Hindi po ba dapat
magsaya kayo dahil lalabas na kayo kasi magaling na kayo?"

"paano ako mkapag sasaya nito nurse gayong napaka laki ng aming bill. Kung alam ko lang na aabutin ng ganito di sin sana hindi na ako nag pa opera. Hinayaan ko na lang sana mamatay ako."

Nag umpisa ng umiyak ang ginang

"ma hwag nga kayong ganyan. Teka aalis lang ako saglit at gagawa ako ng paraan"

Anang mike.
" yun po ba ang dahilan ng ikinalulungkot nyo?"

Anang nurse.

" maam wala na po kayong dapat problemahin. Dahil ang lahat ng bill nyo ay bayad na po."

dagdag pa nito. Nagtaka ang lahat sa sinabi ng nurse maski sya ay hindi maka paniwala sa sinabi nito kya bilang pag ka klaro tinanong nya ito.

"ano nurse bayad na ang bill namin? Pano?"

Naputol ang pagsasalita ng ginang nang puma*ok ang isang doktor at papalapit ito sa kanya.

"si dok po ang nag opera sa inyo."

Pakilala ng nurse.

"kamusta na po Ginang soledad ramirez. Mabuti naman po at nka recover na kayo."

"wala pong anuman dok."

Anya rito.

"mam si dok din po ang nagbayad ng lahat ng bill nyo dto sa ospital. Kaya wala na po kayong poproblemahin."

Sambit ng nurse na labis na ikinagulat at ipinagtaka nilang mag iina.

"sinagot po ninyo ang bills ko kay buti po ninyo dok"

Anang ginang sa gumagaralgal na tono.

"25 years ago may isang batang basang basa sa ulan at walang masilungan. May nakita syang isang bahay at kanyang pina*ok. Nakita sya ng may ari ngunit imbis na kagalitan dahil bigla na lamang itong puma*ok ng walang paalam ay kanya itong pinapa*ok sa bahay at pinagbihis, pinainom ng gatas at binibili ang lahat ng panindang sampaguita. Madalas nyang sinasabi sa bata na ipaglaban ang pangarap hwag sumuko at tiyak mapagtatagumpayan. Yun nga ang ginawa ng bata. Nagpursige, nagsikap, hindi sumuko. At ngayon isa na po syang ganap na Doktor."

Napatayo ang ginang at nag umpisang pumatak ang luha. Papalit sya doktor at halos hindi mka paniwala.

" Doktor caloy imperial po pala ginang at your service."

Pakilala ng doktor sa kanyang sarili na nag uumpisa na rin mapa luha. Pagkalapit ng ginang sa kanya ay mariin sya nitong tinitigan at hinawakan ang magkabilang pisngi.

" ikaw na ba yan caloy. iho? Diyos ko, hindi ako mkapaniwala. Ikaw nga caloy. Salamat sa Diyos."

Napahagalgal ang ginang at napa iyak na rin ang nurse at dalawang anak nya. Niyakap nyang mahigpit ang doktor na tila isang tunay na anak na matagal na nawalay at ngayon lang nagkita.

"salamat sa Diyos kay buti mo panginoon."

ANG PAG GAWA NG KABUTIHAN SA KAPWA AY HINDI NANGANGAHULUGAN NG ANO MANG KAPALIT BILANG KABAYARAN. DAHIL KUNG ANO MAN ANG IYONG ITINANIM AY SYA MONG AANIHIN.. .

Address

WI

Telephone

+19205314358

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Buod:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share