01/08/2024
Long post ahead:
Madaming server lumalabas. Marami same concepts, same gameplay. Karamihan di tumatagal, may ilan ilan na nagiging successful, at may ilan din namang successful sa una pero pag tagal nawawalan din ng players.
Bakit nga ba ganito? Based on my observation, as a player, as a previous server owner, may mga problema talaga na kailangan masolusyonan para maging matibay at successful ang isang server, ilan sa mga to mga idea na inadopt / ginaya from other successful servers.
Eto ung mga sa tingin ko na main problem na kakaharapin ng isang server owner, and eto din ang mga naiisip kong solution,
1. Kulang sa marketing, advertising at walang exposure yung server bago mag open.
- Solution: Paid advertising (fb ads, paid advertiser to share posts, regular streaming from the server mismo)
2. Kulang sa tamang pag tetest. Kaya yung mga bugs at issues, lumalabas karamihan kapag nasa production (live) na yung server.
- Solution: Incentivized Closed beta testing. Kukuha atleast 10-15 tester na may sahod, divide ang testing tasks (events, levelling, client features, drops, etc). Public open beta (2 weeks) within server launch. Para makita ung mga early gameplay misconfigs / bugs.
3. Longevity. Not enough income para masustain ang server.
- Solution: Paid subscription. Kagaya nung mobius days, kelangan mo mag load para makapag laro. Dito makakasigurado ka na may stable na income ang server para mabayaran ang operating costs, at mapasahod ang mga tauhan nito. (idea adopted from mu-asia by mabaga ent)
4. Unstable at di maiiwasang pag crash ng ingame economy. Dahil to sa sobrang daming farmer na ang habol ay makapag benta ng gamit kapalit ng totoong pera.
- Solution: Kakabit na din to ng pag kakaroon ng load (paid subscription) para makapag laro. Isa pang malaking solusyon ay ang centralized currency model. Lahat ng mga bagay na pwedeng mabili sa cash shop (buffs, seals, etc) at mga premium service (pk clear, rename, stat reset, character transfer) ay maari lamang makuha gamit ang wcoins. Ang wcoins ay makukuha lang sa pag "burn" ng jewels at hindi pwedeng mabili sa mga admin. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang halaga ng mga items, jewels, at iba pang bagay, at masisigurado na hindi masisira ang economy sa laro. (idea adopted from avocado mu)
5. Kakulangan sa mapag lilibangan at ibang activity ingame maliban sa pag papalevel, at pag fafarm.
- Solution: Regular na in game event (weekly), mga special event na may papremyong pera, items, or load, na ipapakita ng live. Halimbawa ay (Last man standing weekly, weekly special boss hunt, etc)
6. Toxic players, excessive trash talking and flaming. Kapag sumosobra ay nakakasira ng experience ng ibang mga player.
- Solution: Regulated and moderated chats (in game, social media channels at forum). Sa ganitong paraan, mapepenalize / mapaparusahan ang player na below the belt ang pananalita.
Sa aming paparating na server project, etong mga problema at solusyon ay tatalakayin namin. Kung meron kang ibang suggestion / idea para makatulong sa pag buo ng isang maayos at "thriving" server, comment mo lang dyan.
SALAMAT.