05/09/2024
๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐๐
Ni: Jullie Laurence P. Abucay
Walang epektibong pinuno kung hindi kayang pamahalaan ang sarili bago ang mga miyembro nito. Kinakailangang magkaroon ng sapat na kamalayan at kasanayan bago tanggapin ang mga responsibilidad na nakaatang bilang lider sa mga organisasyong kinabibilangan. Sa pagkamit ng kaunlaran, mahalagang maikintal sa isipan na ang pagiging pinuno ay kapangyarihang hindi dapat sinasamantala.
Nakapanlulumong malaman na sa politika ng Pilipinas, itinuturing na santo ang mga politiko. Halimbawa, kapag naririnig ng iyong kapwa na ikaโy may mataas na katungkulan, ganoon na rin katayog ang kanilang inaasahan sa iyong maipapakitang kakayahan. Kung palagi na lamang tinutulungan ng pinuno ang iba, sino naman ang aalalay sa kanila?
Karaniwang mailalarawan ang isang pinuno bilang taong mahusay sa pamumuno, mulat sa kasalukuyang isyu, at maalam sa larangang akademiko. Gayunpaman, hindi sapat ang mga katangiang ito upang masabi na karapat-dapat na mamuno ang isang tao. Higit pa sa mga isteryotipikal na pinuno, ang pakikitungo, respeto, at pakikiramdam ay mahalaga sa paglilingkod.
Nakatutulong din ang pagbabalanse ng pag-aaral at extracurricular activities upang maging epektibo. โMaraming panghihinayang ang mundo ngunit huwag mong sayangin ang mga desisyon mo sa buhayโ, diin ng susing tagapagsalita na si Cynth Zephanee N. Nietes. Bukod sa pagsasalita at pagbibigay alam, higit na mas mainam na mangibabaw ang gawa sa pamumuno.
Maging lider na may pangarap para sa ikabubuti ng komunidad na kinabibilangan ngunit dapat limitado upang hindi umabot sa puntong bulsa ay nabubutas. Kapag nasa itaas, matutong lingunin ang mga nasa ibaba. Pakikipagsimpatiya ay mahalaga upang mapunan ang pangangailangan ng kapwa.
Kaakibat ng epektibong pamamahala ang pagpapakumbaba. Ayon nga kay Simon Monek, โSa hulihang bahagi na kumakain ang mga pinunoโ. Bukod pa rito, mahalaga ring maisaisip at maisapuso ng mga student leader na kinakailangan silang matutong lumaban sa kanilang paninindigan.
Nakasalalay sa mga kabataan ang magiging kahihinatnan ng kinabukasan kung kaya kinakailangan silang mapangalagaan. Sa pagbibigay ng tamang gabay, mabibigyang linaw at mapapatibay ang mga tunguhin at hangarin nang sa gayon ay mapagtagumpayan ang mga hamong kahaharapin kinabukasan sa pamumuno.