11/04/2023
"Libro"
(Beware: medyo mahaba)
Habang naglalakad ako sa parke nakaramdan ako ng pagod kaya umupo muna ako sa isang bench. Pinikit ko sandali ang aking mata at lumitaw ang isang balintataw sa akin ng isang babae na naka p**a at lalaking naka itim sa may bukirin na napapaligiran ng isang magandang bulaklak.
Dinilat ko ang aking mata at nagtaka sa nakita ko. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa akin.
May isang babae na sa tantiya ko ay nasa 50s na. Nagtagpo ang aming mata pero bumaling siya kaagad. May nahulog na libro at mukhang galing ito sa kaniya.
Sinubukan ko siyang habulin ngunit nakaalis na ito, mukhang di niya napansin ang pagkahulog ng libro.
"Ang ganda naman ng librong to! Parang dun sa mga manhwa na nababasa ko. Sosyalin at very regal." Puna ko sa libro
Napagpasiyahan kong basahin ito kase nahumaling ako sa ganda ng libro. Umupo ako ulit sa bench at binuklat ito sa unang pahina.
"Eternal Love... will always love you and will never not love you." basa ko
"Char! bongga ng Dedication Letter na to"
reaksyon ko, totoo namang ang gara ng nakasulat.
Sinimulan kong ito basahin.
"Unang Kabanata" basa ko
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malapit na ang aking pagka bìtay.
Pagkatapos ko silang tulungan ganito lang ang kanilang isusukli?
Dahil lang ako'y isang mangkukulam...
Habang papalapit sa bitayàn may dumating galing sa karwahe.
Isang heneral.
Pinilit akong pinaluhod ng mga kawal at lumapit siya sa akin, hinawakan ang aking panga pero bumaling lang ako...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mukhang maganda naman ang estorya.
Tungkol ata sa mangkukulam at mortal na tao. Romeo and Juliet lang, Typical Romance story pero invested yata ako.
Dahil hindi pa bumabalik ang babae kaya inuwi ko ang libro sa apartment ko at doon tinuloy ang pagbabasa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pangalawang Kabanata
"Pakawalan niyo ang mangkukulam" May awtoridad na utos nito
Nahihibang na ba siya?
"Simula ngayon ay siya ay magiging alipin ko" deklara niya
Nahihibang na nga ito.
Ang mga mortal talaga mga hibang!
Agad naman akong pinakawalan. Mas gugustuhin ko pang bitayìn ako kesa magsilbi sa isang mortal na batid ko ay pahihirapan lamang ako.
Nais kong pumalag ngunit anong laban ko? Mas lalo lamang ako mapapamahak kung papalag ako at di ko magamit ang aking kapangyarihan...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
In fairness! Maganda ito pero parang pamilyar sa akin ang mga pangyayari sa libro... Coincidence lang siguro.
Pagod na ako kaya iidlip muna ako.
Paggising ko napansin ko nalang na gabi na pala. Kaya agad agad akong bumangon at naghanda ng hapunan ko.
Habang naghahanda ako ay may biglang tumawag sa akin, si Hannah kaibigan ko.
"Evening... Anong pakay mo sa akin Hannah?", tanong ko at humikab
"Ay! Bagong gising ka beh? Eh by the way! Libre ka bukas? syempre libre ka! nomi daw tayo sabi nilang Alexa" sabi nito
"Hep! hep! wala pa akong sinabing payag ako huy! Wag kang paladesisyon" pigil ko dito
"So payag ka?" tanong nito
" Malamamg Oo" magiliw kong sagot
"Ayan naman pala eh! Paligoy-ligoy pa" napatawa nalang ako at binaba na ang tawag
Kumain na ako at nanood ng palabas.
Napansin ko yung libro at binasa ulit, Di ko alam bakit sobrang invested ako sa libro gayong di naman ako ganito noon.
Kaya pinàtày ko nalang yung tv at nagbasa na lamang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pangatlong Kabanata
kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Taliwas sa inaasahan ko, hindi niya ako minamaltrato bagkus tinatrato niya ako na parang kauri niya.
Hindi ba dapat kamuhian niya ako? Katulad lang ng ibang mga tao. Bakit maganda ang trato niya sa akin.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Bakit tinatrato mo ako ng ganito?" di ko na napigilan itanong sa kaniya na siyang nagpatigil sa pagkain niya. Tumawa lang siya sa akin.
Nakakainis!
"napaka walang modo ko talaga! Maaari mo akong tawaging Carlos. Bakit gusto mong maltraruhin kita? Masokista ka ba? Di ako katulad ng iba diyan, marunong ako rumespeto lalong lalo na sa babae" sabi nito
"Balìw ka ba?! Unang una sa lahat, Di ako masokista sadyang nakakapanibago lamang dahil simula ng malaman na mangkukulam ako, hindi na ako tinantanan ng mga tao at kung ano ano ang ibinabato nila sa akin. Pangalawa, Hindi ka mukhang may respeto." napangiwi siya sa mga sinabi ko
"Masakit!" at umarte pa siyang nasasakta siya
"Bakit di ka muna magpakilala?" saad nito
"Deshna" tipid kong sabi...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Deja Vu.
Ang pamilyar talaga at wow halos magkapareha kami ng pangalan.
Deiana.
Mukhang may magkaka developan dito ah!
napangisi ako sa naisip.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pang-apat na Kabanata
Naging magaan ang sumunod na araw na magkasama kami. Mas nakikilala ko siya ng lubusan.
Simple lamang siya na lalaki at masayahin.
Mabait din siya, nang dahil sa kanya nagiging malaya akong gamitin ang kapangyarihan ko lalo na sa mga gawaing bahay at sa saka.
Napapangiti din niya ako minsan ng di namamalayan.
Sa sumunod pang araw ay mas naging magaan pa ang pakiramdam ko sa kaniya.
Mas naging pala ngiti ako.
Di kaya ay...
Di maaari! Di yun maaari talaga! ako'y isang mangkukulam na kayang mabuhay ng ilang daang taon at siya ay isang mortal.
Simula pa naman noon, di na maaaring magkarelasyon ang isang mangkukulam at mortal.
"Deshna, maayos lang ba pakiramdam mo?" tanong niya sa akin na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tumango lang ako.
"Malalim ang iyong iniisip, maaari mong sabihin sa akin ang iyong problema" sinserong saad niya
"Maayos lang ako at di naman masyadong importante ang aking iniisip mga bagay-bagay lang" tipid akong ngumiti, pinagmasdan niya ako saglit saka bumalik sa ginagawa.
Ang aking nararamdam kung ano man ito ay di maaari.
Tapos na siya sa ginagawa niya kaya umuwi na kami. Gabi na rin.
"Deshna..." tawag niya sa akin at lumingon naman ako.
"Deshna, kung sasabihin ko ba sayo na may pagtingin ako maibabalik mo ba ito?" napatanga ako sa sinabi niya
"Alam kong mabilis pero sadyang mabilis akong nahulog sayo" tumawa ito ng mahina
at eto ako hindi pa din napo-proseso ang sinasabi niya.
Di pa rin ako sigurado kong may pagtingin nga ba ako.
"Huwag kang mag-alala di kita minamadali" paninigurado niya sa akin
Natulog ako na iniisip ang bagay na iyon...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Humikab ako, gabi na pala.
Naramdaman kong may tumulo galing sa mata ko, Luha? Bakit ako umiiyak? Nevermind baka dahil humikab ako.
Ang bigat ng pakiramdam ko nung' nagbabasa ako ng libro. Bakit ganun? konektado ba iyon sa akin?
Imposible!
Hindi totoo ang mahika, kwentong pambata lang naman iyan.
Sa di ko malaman na dahilan tuluyan na nga akong napaiyak.
"P-parang baliw a-ata ako iiyak n-nalang
b-bigla!" sabi ko habang umiiyak at pinupunasan ang luha gamit ang kamay.
Natulog nalang ako.
Umaga na at napagdesisyonan ko na wag na basahin ang libro at itago ko nalang sa aparador ko.
Naglalakad ako ngayon ulit sa parke at may biglang lumapit sa akin. Paglingon ko yung babae kahapon na nakahulog sa libro.
"Anong kailangan niyo sa akin? Yung libro ba? Nasa bahay pa po kung gusto niyo kukunin ko ngayon malapit lang naman."
sunod sunod kong sabi
"Binasa mo na ba ang libro hija?" tanong nito, unexpected.
"ho?"
"Ang sabi ko nabasa mo na ba ang libro Deiana? Basahin mo na ito ngayon mismo.
Alam kong may katanungan ka sa isip mo at dun mo lang makukuha ang sagot" saad sa akin ng babae
Napatanga lang ako dun at... paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko naman siya kakilala.
Naramdaman kong nilagpasan niya ako at nang tignan ko siya nawala na siya, Hindi ko na mahagilap.
Naghahanda ako kase night out namin.
Inom daw kami hay! matagal na din yung last inom namin.
Nagtipa ako ng message sa gc namin.
"San' na kayo? huy! kunin niyo na ako mga accla!"
agad ding sumagot ang mga accla.
Alexa: Malapit na kami beh! hintay ka lang...
Kaya inoff ko nalang phone ko and true to their words nandito na sila.
"Ang tagal niyo ha!" reklamo ko sa kanila
"Wag nang magreklam Deiana at least kinuha ka pa din namin" sabay ngiti ni Hannah, I mouthed "F**k you" to them
Inayos ko ang buhok kase medyo nagulo bago bumaba. Oh! how I miss the noise sa club, dumeretso kami sa table namin at unorder na.
Kay Alexa at Hannah, Beer at sa akin naman Mojito lang.
Inom lang kami ng inom at eto naman si Hannah ayon! nakikipag dirty dancing kaya napatawa nalang kami sa kaniya.
Inaya ako ni Hannah sa dance floor at yun na nga nakipag party na ako. Alas dos na kami natapos uminom, Buti nalang matagal akong tamààn kaya ako na nag-drive at dahil tamad ako sa apartment ko nalang sila hinatid at dun pinatulog.
Ang lakas lakas uminom di naman nakakatagal! hay nako.
Nagpunta ako sa kwarto ko at nagulat ako
na nasa higaan ko ang libro gayong siguradong siguradong ako na nilagay ko ito sa aparador.
The book is tempting me to read it. Kaya binasa ko nalang ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Panglimang Kabanata
Naging masaya ang relasyon naming dalawa, Oo sinagot ko na si Carlos at di ako nagsisisi. Ipaglalaban namin ang isa't isa.
Napag usapan na namin ang mga bagay bagay katulad ng kasal, pamumuhay at ilan ang gusto kong anak. Wala akong nagawa kondi ang tumawa sa pinagsasabu niya.
"Seryoso ako dito Deshna! Ilan ba ang gusto mong anak?" may halong inis niyang sabi at lumabi. Nakakatuwa talaga siya lalo na kong naiinis.
"Depende sa kaya at WAG mokong gawing inahin Carlos. Mangkukulam ako hindi inahin" napatawa siya sa sinabi at lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.
"Magandang Mangkukulam" matamis niyang saad
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napaluha na naman ako, ano bang kinalaman sa akin ng libro.
Ano ba ang tintukoy ng babae na yun?
Bakit parang kilala niya ako. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, desididong malaman ang misteryong nakapaloob.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pang anim na Kabanata
"Anong nangyayari Carlos?" may halong takot kong sabi at nilingon niya ako.
"Pinag-uutos ng hari, Deshna. Nais ka nilang pàtàyìn" malungkot niyang sabi
"Anong gagawin natin?"
"Tatakas tayo mahal, lalayo tayo hanggat malayo pa sila. Wag kanang mag impake wala na tayong oras" utos niya at tumango lamang ako.
Dali dali kaming tumakbo pero naabutan kami ng mga sibilyan at kawal.
"Pakawalan mo ang Mangkukulam, Heneral Carlos Atrioshe! Dapat nang mawala ang mga salòt na katulad nila" May awtoridad na sabi ng isang lalaki na mukhang heneral din.
Itinago niya ako sa likod niya, natatakot ako... Hindi ko alam ang kahihinatnan namin dito.
"Carlos..." tawag ko sa kaniya
"Hindi ko hahayaan na galawin niyo si Deshna! Pakawalan niyo kami at lalayo na kami, Di namin kayo guguluhin" saad ni Carlos
Tumawa ng pagka lakas ang matandang lalaki.
"Mukhang nahulog ka na sa mangkukulam hijo... Nahihibang ka na ba? Ang isang mortal at mangkukulam ay di maaaring magsama, naiintindihan mo ba yun?" pangangaral niya sa amin
"Mukha ba akong may pake?" blangko niyang sabi
Nakita kong may sinenyas ang matandang lalaki. Susugurin nila kami!
Sinenyasan ako ni Carlos na umalis at tumakbo pero umiling ako. Ayaw ko siyang iwang mag-isa dito.
Kahit ayaw kong umalis wala akong magawa kaya tumakbo ako papunta sa kagubatan. Habang tumatakbo ako may imaheng pumasok sa isipan ko.
Hindi!
Hindi maari! napaslàng nila si Carlos...
Kaya bumalik ako roon pero may sumalubong sa akin.
Wala akong pake sa kanila! Kailangan kong makapunta sa mahal ko.a
Kaya ipinakita ko sa kanila ang kapangyarihan ko at binato sa kanila ang bola ng apoy.
Nang makarating ako doon, nakita ko ang lalaking mahal ko nakahandusay st dugùan. Napaluhod ako sa lungkot at sakit
Di makapaniwala sa nakita ko.
Sinubukan nila akong sugurin pero dahil sa sakit na nadarama ang aking kapangyarihan ay nagwala.
"CARLOS!!!!" hiyaw ko at umiyak, niyakap ang katawan ng mahal ko.
Diko namalayan na may nakalapit sa akin
at sinàksàk ako patalikod.
Mahal ko...
Di kita iiwan kailanman...
Sa huling pagkakataon at sa susunod na buhay...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umiiyak ako. Naalala ko na!
Carlos ko, pasensiya kong nakalimutan kita. Humiyaw ako sa sakit at nagising sina Hannah at Alexa. Kinomfort nila ako kahit alam kong wala silang alam kung bakit bigla nalang ako umiyak.
Kinabukasan, naglalakad ako sa parke nag-aasam na makita ulit ang babaeng nakahulog nito.
Napaupo ako sa bench at naging emosyonal ulit. Asan ka na Mahal? Miss na kita... Sana magkita tayo muli.
Habang nag-eemote ako may nag-abot sa akin ng panyo.
"Salamat" sabi ko at nilingon ang kung sino man ang nag-abot nito
◇THE END◇
Written by: Aiykha Writes
Do Not Copy as it is a crime
© Nov 4, 2023 Aiykha Writes