03/06/2025
UNANG ARAW | 03-05-2025
๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ, ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ
Ni: Jullie Laurence Abucay
Matapos ang apat na taong pananabik, muling umapaw ang sigla at kasiyahan sa loob ng Agusan National High School (SANHAY) sa pagdiriwang ng Ika-106 na Foundation Day at Alma Mater Day.
Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral, g**o, at alumni upang ipagbunyi ang mahigit isang siglo ng husay, katatagan, at pagkakaisa, na nagsisilbing gabay sa patuloy na misyon ng paaralan sa paghuhubog ng mga mag-aaral.
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ด๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐
Binuksan ang selebrasyon sa isang Thanksgiving Mass sa Audio-Visual Room (AVR) Amphitheater, bilang pagpapasalamat sa patuloy na paglago at tagumpay.
Sinundan ito ng isang makasaysayang Wreath Laying Ceremony, isang pagpaparangal sa mga pundasyong nagpatibay sa paaralan sa loob ng 106 na taon. Pinangunahan ito ni Punongg**o IV Elmer M. Cataluรฑa, kasama ang mga pinuno ng ibaโt ibang kagawaran, at sinaksihan ng ANHS Senior Scouts at Rover Scouts.
โThis ceremony is more than a simple celebration; itโs a bridge that connects our past, present, and future. We reaffirm our commitment to the power of education, the vision of our founders, and our promise to the next generations,โ pahayag ni Katuwang na Punongg**o Eleanor A. Masul, na nagbigay-diin sa patuloy na dedikasyon ng SANHAY sa paghubog ng mahuhusay at responsableng mamamayan.
๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ฎ๐๐
Matapos ang makasaysayang seremonya, isang makulay na opening salvo ang nagsilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng High School Days.
Nagpakitang-gilas ang ANHS Senior Scouts sa kanilang Fancy Drill Exhibition, isang patunay ng disiplina at koordinasyon ng organisasyon. Kasunod nito, ay ang masisiglang himig ng Drum and Lyre Corps, na nagdagdag-buhay sa unang araw na pagdiriwang. Mas lalong nag-alab ang diwa ng kasayahan sa mass demonstration performance ng mga piling mag-aaral, isang simbolo ng pagkakaisa at determinasyon ng SANHAY.
Sa panapos na mensahe, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si G. Nasroden M. Ala, pinuno ng Science Department, sa suporta ng buong paaralan, lalo na sa ANHS Pearl, isa sa mga tampok na aktibidad ngayong taon.
Patunay ang pagdiriwang ng ika-106 na Foundation Day ng paaralan nang isang matatag na institusyon na patuloy na lumalaban, lumalago, at humuhubog ng hinaharap.
Kuhang Larawan: Jerwin Abregana at Nathalie Lagare