01/11/2026
Dear DepEd:
Tanong ko lang, if most of your policies including the K-12 Curriculum ay aligned sa international policies bakit hindi rin natin kayang ealign sa international standards ang mga sumusunod:
1. Bakit yung mga IBANG MTs, principals, supervisors, big bosses sa District/Division Offices ay umaastang Gods and Godessess instead public servants who serve the teachers, the students, and ither stakeholders. Hindi ung pag dadalaw sa mga school, tipong gusto may pakain, pasalubong or pabitbit;
2. Bakit yung mga teachers till now dipa rin mabigyan ng maayos na gamit sa pagtuturo, walang sariling laptop, printer...bagkos sariling pera pa nila ang ginagamit;
3. Bakit hindi rin natin e align sa standard ng ibang bansa yung student-teacher ratio?
4. Bakit hindi rin natin kayang e modernized ang mga students' records system like attendance, SF 1 to so many?
5. Bakit hindi rin natin kayang ipantay ang salary ng teachers tulad ng mga bansang pinangayahan niyo ng mga policies?
6. Bakit till now wala parin enoung na books para sa mga students? Umaasa nalang po mga teachers sa google or photocopies;
7. Bakit till now wala paring maayos na silid aralan para sa mga bata, hindi niyo po ba nakita sa mga schools sa ibang bansa na pinuntahan niyo nung nag benchmark po kau ng policies sa kanila?
8. Bakit po napaka stricto ng process pagdating sa promotion and evaluation ng performance sa trabaho ng mga teacher? Hindi niyo po ba na benchmark sa ibang bansa na sobrang dali lang ng process nila sa mga ganitong aspeto?
9. Bakit po hindi natin mabago ang corruption sa kung paano spend ang MOOE sa bawat school, hindi niyo po ba na benchmark ito?
10. At higit sa lahat, bakit po parang we dont respect the life and work balance. Yung tipong kung mag submit ng sick leave si teacher ei andami pang forms na efillout, kahit saturday ei nag chachat ang principal, supervisors sa mga trabaho na dapat tapusin?
Kaya nagtataka po talaga ako, kasi if most of the policies ay aligned sa abroad bakit para bang hanggan sa policy lang ang kaya pong palitan, but the real actions na nasa kamay niyo na kayang baguhin ay para bang ini ignore lang?
Ito po ba ang totoong definition ng globally competitive na hanggang sa papel lang?
Ahmp! ππͺπΌππΌπ©π»βπ«π¨βπ«β€οΈππ§Ώπͺ¬
Disclaimer: I post this out of a genuine desire for understanding and improvement. I believe in the capacity of our DepEd to lead this change. We are asking these questions because we care.
The photo below po is what I felt nung nasa serbisyo pa po akoπ₯Ίπ₯Ίπ₯Ί