09/08/2023
Salute to our daddy! Always the one who’s keeping us, as parents in line. Stay healthy for the family!!! Healthy life, happy life. 💕
"Hindi pahabaan...kundi, pasarapan"
Kahit ang sarap sana mag bacon and eggs with garlic rice, tapos may pork breakfast sausages...dito na lang muna ako sa steamed chicken chipolata with veggies.
Tapos kahit may champorado with danggit at dilis, I opted to have the miso soup.
Tapos cucumber smoothie instead na hot chocolate.
Ayus na...sobrang sarap pa rin hehe!
Nung nagkapamilya kasi ako, binago ko na yung lifestyle ko...kasi gusto ko sila alagaan ng pinakamatagal na pwede, at ayoko sila iwan ng maaga.
I need to be healthy for them...not just me.
Nag-quit ako mag-yosi 7yrs ago (as in quit...hindi "cut down")
Di na rin ako masyado umiinom, and when I do, hindi na basagan...yung sakto at chill lang (masaya pa rin hehe!)
Nage-exercise din ako regularly (biking, walking, at gym every morning)
Tapos, I always try my best to eat healthy (buti meron healthy options dito sa breakfast buffet ng B Hotel Alabang 😁👍🏻)
Palagi kong sinasabi dati na hindi pahabaan ng buhay ang laban...kundi pasarapan...pero pag may pamilya't mga anak ka na, magbabago talaga priorities mo and mag-iiba yung batayan mo ng kasiyahan.
Enjoy pa rin dapat ang buhay...pero mas ingat lang kasi may mga inaalagaan ka na...na higit pa sa sarili mo.❤️
Langya...nag-breakfast buffet lang, ang dami nang sinabi 🙄