02/01/2022
❤💜❤USAPANG FLOUR / HARINA❤💜❤
❤💚💛 at PANG PA-ALSA💛💚❤
❤Madami ang mga katanungan natin sa harina.
Napakaraming uri ng harina, kya hindi n natin idi-discuss lahat dahil masyadong teknikal.
❤Nagkakaiba lng ang harina sa protein content nito. Mas mbaba ang protein ng harina, mas nagiging chewy at fluffier.
❤❤❤STANDARD BAKING FLOURS❤❤❤
1. ALL-PURPOSE FLOUR(APF)
All-purpose flour ay mixture ng high and low gluten protein flours, ginawa para magamit sa napakaraming klase ng recipe. Kung may special type ng harina na kailangan sa isang recipe, ang APF ay maaaring maging kapalitan o isubstitute sa sa uri ng harinang hinihingi sa recipe.
2. BREAD FLOUR
Bread flour ay galing sa matigas at high protein wheat. Ang additional protein and gluten content nito ang nagbibigay ng tinapay na magkaroon ng more structure kapag sinamahan ng volatile ingredient, katulad ng yeast sa basic bread.
3. CAKE FLOUR
Cake flour ay gawa mula sa soft wheat at ang may pinakamababang gluten content sa lahat ng wheat flour. Ito ang dahilan kung bakit ang harina ay mas magaan, especially kung sinamahan ng high sugar sa recipe. Ang lightness o pagiging magaan nito ay nakakatulong sa cake para madaling maka-alsa at magkaroon ng fluffy texture nang hindi nagco-collapse o bumabagsak.
❤Sa paggawa ng homemade cake flour:
1°3/4 cups all-purpose flour
1/4 cup cornstarch
▪combine and sift twice.
Makes 2 cups of cake flour.
4. PASTRY FLOUR
Pastry flour ay gawa mula sa soft wheat. Ang gluten content nito ay nsa gitna ng cake flour at APF. Hindi ito kadalasang nabibili sa mga tindahan ng harina pero pwedeng gayahin sa pamamagitan ng 1:1 ratio, meaning gamitin ang APF sa pagbake at ikumpara kung ano ang magandang resulta sa binake nyo.
O kung hinihingi talaga ang pastry flour pero APF lang ang meron ka, ito ang gawin:
1 cup APF bawasan ng 2tbsp at palitan ng 2tbsp cornstarch. Magandang gamitin ang Pastry Flour sa pie crust, biscuits, brownies, cookies, and quick breads. Pastry flour ay hindi pwedeng gamitin sa yeast breads.
5. SELF-RISING FLOUR
Self rising flour ay pinagsamang all purpose flour with salt at baking powder (isang leavening, i.e. rising agent o pampaalsa). Maaaring makabili sa tindahan o gumawa na lang. Sa paggawa, sa isang cup ng flour, magdagdah ng 1 1/2 tsp ng baking powder at 1/2 tsp of salt. Haluin gmit ang whisk para makasiguradong nahalong mabuti. Ang Self rising flour ay gamit sa biscuits at kadalasan sa quick breads.
6. WHOLE WHEAT FLOUR
Whole wheat flour ay gawa mula sa whole kernel of wheat. Ito ay may mas mataas na fiber at nutrient content kumpara sa ibang wheat flour. Ang gluten level ng whole wheat flour ay nasa gitna, kaya ito ay kadalasang hinahalo sa ibang uri ng harina sa mga baked goods para sa stability at texture.
😊PAGTATAGO NG FLOUR
Flour is best stored in the freezer or in air tight containers. It will keep for up to a year in air tight containers, and possibly longer in the freezer. It is recommended to remove the flour from the paper bag it is shipped in and transfer it to another container upon purchase
😊😊FLOUR/HARINA sa palengke
Maraming nagtatanong kung ano ang pagkakaiba ng 1st,2nd at 3rd class na harina sa palengke. Ang sagot, nagkakaiba po sa gluten content, color, at quality. Mas ma-brown ang 3rd class at pinakamaputi s tatlo ang 1st class. Mas matigas ang tinapay sa 3rd class kumpara sa 1st class.
😊😊😊Kung magpapractice o nag uumpisa pa lang, mas mainam bilhin o gamitin ang APF o All Purpose Flour dahil ito ang pinakaflexible na gamitin para sa halos lahat ng recipe. At gumamit ng ibang uri ng flour kalaunan.
Sana po makatulong. 😘😘😘
❤BAKING POWDER VS. BAKING SODA❤
😊Sa mga ngtatanong kung ano pagkakaiba ng baking powder at baking soda at anong gamit nito sa pagluluto. Heto na po😊😊😊
❤ Baking Soda at Baking Powder ay parehong leavening agent.❤
❤Ano ang LEAVENING AGENT❤
😊 Ito ay isang sangkap n kapag nahalo sa batter o dough ay ngkakaroon ng foaming reaction pra maging light, fluffy at soft ang texture. Ito dn ang mgpapa-alsa s lulutuin nyo. Kabilang dito ang yeast.
😊Ang mga leavening agent ay gumagana lng kpag bago at tamang tama ang s**at.
❤Note: Kahit magkakapareho sila, hnd sila pwedeng ipang-substitute o pagpalitin.
❤BAKING SODA-
or SODIUM BICARBONATE❤
😊Ito ay isang alkaline ingredient n nagrereact o naa-activate ng acid ingredient ng isang dough o batter. (example ng acid ingredient: s**a, buttermilk, brown sugar, lemon/calamansi juice,etc)
😊Gagana lang ito kapag my acid ingredient ang recipe nyo. Kaya hnd sya pwedeng gamitin kapalit ng ibang leavening agent sa ibang recipe na walang acid ingredient
😊Kapag nasobrahan ng baking soda at kulang sa acid ingredient, my naiiwang baking soda sa dough o batter kya my nalalasahang prang metallic o sabon na lasa.
😊Freshness check, paghaluin ang baking soda sa s**a. Kapag bumula(bulang bula), ok yn. kpag konting bula lng o wlang ngyari, hnd na magagamit.
❤BAKING POWDER❤
😊Ito ay combination ng baking soda, starch at dry acid(cream of tartar)
😊Karamihan na sa baking powder na mabibili ay double acting. Nagrereact na sya kpag:
1.nabasa kapag pinagsama na ang wet at dry ingredients,
2. at kapag nainitan, habang niluluto.
😊Dahil my sariling acid na ang baking powder, ginagamit nmn ito sa mga recipe na hndi kinakailangan ng acid ingredient.
😊😊Freshness check, mglagay ng baking powder sa mainit na tubig. pg bumula, good. kpag wlang reaction, itapon n.
❤Note❤
😊Ang baking soda ay 4 na beses na mas matapang kumpara sa baking powder.
❤Question❤
😊Bakit minsan pinagsasabay ang baking soda at baking powder sa isang recipe?
❤ Answer❤
😊Nasa pagbalanse. My recipe na my acid ingredient pero hindi sapat ang hangin na napoproduce ng baking soda para mapa-alsa ang batter, para hnd n mangailangan p ng dagdag n acid kya ngdadagdag ng baking powder.
😊Nkaka apekto dn sa lasa ang baking soda at baking powder.
# ctto