𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐬𝐚𝐑𝐞 𝐧𝐠 𝐈𝐬π₯𝐚𝐦

  • Home
  • Saudi Arabia
  • Riyadh
  • 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐬𝐚𝐑𝐞 𝐧𝐠 𝐈𝐬π₯𝐚𝐦

𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐬𝐚𝐑𝐞 𝐧𝐠 𝐈𝐬π₯𝐚𝐦 Ang Mensahe ng Islam Silang lahat ay nagturo ng isang magkakatulad na Mensahe: Ang dalisay na Monoteismo.

Ang Mensahe ng Islam

Hindi bago ang relihiyong Islam sapagka’t ang Islam (ang pagsuko sa kalooban ng Diyos) ay tanging relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa ganitong kadahilanan, ang Islam ay tunay at likas na relihiyon, at ito ang dating walang hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaloy ng panahon sa lahat ng Propeta ng Diyos katulad nina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad (SAS). Hindi nagtata

g ng bagong relihiyon si Propeta Muhammad (SAS) katulad ng maling pag-aakala ng marami, bagkus siya ang pinakahuling Propeta ng Islam. Sa pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang huling mensahe kay Muhammad (SAS), na sadyang walang-hanggan at para sa lahat ng sangkatauhan, binigyang kaganapan ng Diyos ang kasunduan na Kanyang ibinigay kay Abraham, na isa sa mga nauna at bantog na Propeta. Sapat nang sabihin na ang panuntunan ng Islam ay siya ring panuntunan ni Propeta Abraham, sapagka’t kapwa Bibliya at Qur’an ay nagpapakilala kay Abraham bilang isang matayog na huwaran ng sinumang buong-pusong isinusuko ang sarili sa kalooban ng Diyos, at siya ay tuwirang sumasamba sa Diyos na walang isinaalang-alang na tagapamagitan. Sa oras na maunawaan ito, magiging maliwanag na ang Islam ang siyang pandaigdigan at walang hanggang mensahe kaysa sa lahat ng relihiyon, sapagka’t lahat ng Propeta at Sugo ng Diyos ay mga β€œMuslim” (sila’y sumusuko sa kalooban ng Diyos), at kanilang itinuro ang β€œIslam” (pagsunod sa kalooban ng Makapangyarihang Diyos).

Address

Riyadh

Telephone

+639080823478

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐬𝐚𝐑𝐞 𝐧𝐠 𝐈𝐬π₯𝐚𝐦 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐬𝐚𝐑𝐞 𝐧𝐠 𝐈𝐬π₯𝐚𝐦:

Share