15/12/2022
BABALA: Huwag na Huwag iiwan Ang inyong mga bagahe na walang nakabantay kapag kayo ay nasa airport.
FALSE ALARM!
Bahagyang nagka tensyon sa loob ng TERMINAL 1 departure area bandang 5:30pm ngayong araw ng Huwebes ng diumanoy may nakita ang mga pasahero at airport police na isang “Trolley Bag” left unattended. Mabilis naman Ang naging aksyon ng mga awtoridad at biglang pinalipat Ang lahat ng mga pasahero palayo sa naturang lugar kung saan iniwan Ang bagahe. kinordon agad Nila ng yellow tag paikot sa kinaruruonan ng naturang BAG at nagdala ng K-9 unit. Ilang minuto pa Ang nakalipas ay biglang dumating Ang kapwa natin OFW na syang nag mamay-ari ng BAG. Napawi naman agad ang tensyon at pinabalik ang mga pasahero na nakaupo sa naturang parte ng paliparan. Napag alaman natin na binigyan ng paalala ng airport pulis ang naturang pasahero na nag Iwan ng bag na Hindi nya dapat Ito Gawin. Pati ang ibang pasahero ay pinaalalahanan din agad ng mga security at pulis na huwag na huwag iiwan ang mga bagahe unattended para maiwasan ang nangyaring tensyon.
DJ Surdo Salanap